Sa bawat tula may kwento,
Sa bawat talata may tinatagong sikreto.
Sikreto nga ba? Hindi yata, ayaw ko yata.
Bakit di natin ipaalam sa mudo kung paano ka nagloko?
Kung paano mo iwan ako ng pira-piraso?
Ano bang ginawa ko?
Tanga ko! Ang Bobo!
Anong bago?
Eh pag dating sa pag-ibig yan lagi ang label ko.
At nag enjoy naman talaga ang gago.
Palalimin na natin.
Biruan. Sa biruan tayo nagsimula. Tawa doon, tawa dito.
Nababaliw na ko, nababaliw na tayo.
Magdamag ikaw ang ka chat ko, napupuyat kahit may pasok sa trabaho.
Pati sa trabaho, Oo! walang palya, ang importante masaya.
Naalala ko pa, nung unang gabing nag chat ka,
Nung unang gabi na ako ang pinili mo, pinili mo nang pabiro.
Pinili mo sa tuksong ako ba o ang kaibigan kong patay na patay sayo.
Uulitin ko, ako ang pinili mo,
Nang pabiro.
Biruan. Minsan nakakatawa, minsan nakaka tang-ina.
Sabi ko kasi sayo tama na,
Ayaw mo, kasi sabi mo na-fafall ka na.
Inulit ko pa nga diba? Sabi ko lumayo ka na.
Pero di ka nag paawat, ang sabi mo seryoso ka.
Naniwala ako. Akala ko kase tapos na ang biruan,
Biruan na alam kong parehas nating sinimulan.
Hindi pala, mukha lang akong tanga.
Umaasa na magbabago ka.
At nagbago nga!
Iniwan ako bigla.
Pagkatapos mong ibulong sakin na 'mag tiwala ka'
Nasan ka na?
Pagkatapos mong banggitin na 'hindi ka katulad nila'
Anong pinag-kaiba mo sa kanila?
Wala diba?
At umayaw ka, iniwan na kong mag-isa.
Hanggang dito na lang,
Patawad.
Hindi ko napalalim 'tong tula.
Baka kasi hindi ko na maiahon tulad ng feelings ko.
Tanginang feelings to, mapapamura ka na lang talaga.
Walang kwenta no?
Nasayang ko ba oras niyo?
Pasensya na, wala kasing kwenta inspirasyon ko dito.
Actually itong tulang to hindi lang para sa kanya,
Parang siya rin talaga.
BASURA!

BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...