INCIPIENT

9 0 0
                                    


Alam mo kung ano ang pinaka-mahirap gawin?

Ang magsimula, hindi lang sa tunay na buhay, kundi pati ang sumulat ng tula.

Hindi ko nanaman alam kung paano sisimulan 'to, pero sige susubukan ko.


Bakit nga ba kailangan pang mag simula sa simula?

Pwede naman ng dumiretso sa gitna o kaya sa dulo kung yun ang gusto mo.

Bakit kailangang intro'han pa ang mga bagay-bagay? Pa-kumplikahin,

Pasikut-sikutin, mag pa-sakalye nang malubha.


Bakit di nalang diretsuhin? Tulad nito,

"Liligawan kita pero hanggang dun lang yon ha."

"Mahal na mahal kita pero iiwan kita ha. Promise!"

O diba? Simula pa lang tayo malinaw na yung dulo.


Sisimulan mong manligaw- simula, bahala na sa gitna at sa dulo mag hihiwalay tayo.

Atleast kahit papano na'inform ako na mag-hihiwalay tayo.

Hindi yung ganito. Ang saya saya mo! Samantalang ako?

Lumalaban araw-araw at sinasabing kaya ko to! Dahil hindi ka naman gwapo!


Bakit kailangang mag-simula?

Eh sa simula nag-uumpisa lahat ng kasinungalingan.

Lahat ng mga gawa-gawang kwento sa parteng yan binubuo.

At lahat ng pangako ay maaring sa simula palang sinisimulan ng ipako.


Sana naisip mong maawa, hindi sa'kin ha, kundi sa pangako mo.

Si Lord isang beses lang ipinako, eh yung pangako mo ilang ulit ng ipinako.

Ni hindi pa nga nag hihilom yung sugat ipapako na ulit at minsan malupit,

Nakapako pa yung pangako, ipapako pa ulit.


Sarap mong ipako!

Si Lord ipinako para tanggalin ang kasalanan,

Ikaw dapat ipako para mabawasan ang makasalanan.


Naisip mo rin sanang maawa, kanino?

Inglesin natin ng konti; pangako in english promise.

Si promise na always meant to be broken, kahit ako nalang sana yung iniwan mong broken.

Hindi mo na sana dinamay si promise, ako once lang ma'broken siya always.


Kaya sa susunod na mag sisimula kung kanino man ang sino man,

P'wede ba tip ko lang, ang ipangako mo naman ay hindi ang pananatili mo,

Kun'di ipangako mo na balang araw ikaw ay lilisan at lalayo.

Para handa ako at wala kang sinirang pangako.


Hangga't maari h'wag mong ligawan kung wala kang balak panindigan

H'wag kang mangako kung paglipas lang din naman ng

Isa, dal'wa o tatlong linggo eh meron ka ng bago, kahit pa buwan yan wala kang karapatan.

At h'wag na h'wag mo ng simulan kung balak mo rin namang iwan.


Takot akong mag simula, kung pwede lang dumiretso na sa gitna o sa dulo kaya,

Ayaw kong simulan ang mga bagay na hindi naman pang-matagalan.

Ayokong simulang sanayin ang sarili ko na nandyan ka sa tabi ko,

Dahil nararamdaman ko, na ang simulang susunod na gagawin ko ay ang paglimot sayo.


Mahilig lang akong mag sulat at tumula,

Pero please lang wag mo ng simulan,

Dahil hindi ako tula na kailangang wakasan at tuldukan.

Kalopsia (Poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon