"Suko na ako,"
Wala pa tayo sa kalagitnaan ngunit ayoko ng lumaban.
Araw-araw tila digmaan, na hindi ko malaman
kung sino ang talunan. Ewan.
Pagmulat ko nang mata sa umaga
Iniisip kong sana'y gumabi na.
Para di na kita makita.
Di ka nakakatuwa.
Nakakabagot,
amoy ng katabi ko'y mabantot.
Ang hirap suminghot,
ngunit di alintana ang kailangan ko'y kumot.
Sapagkat ako'y pagod, antok.
Nais ko ng manuntok
nang taong nakasandal sa'king batok,
dahil ako'y nasusubsob sa kili-kiling may putok.
"Suko na ako!"
Umabot man tayo ng kalahati
gugustuhin ko ng umuwi.
Kung pwede lamang pumili,yung tipong di ka mag-bibigti.
Ngunit wala.
Pilipinas nga pala,
kung saan mahuhuli ka
kahit saan ka mag-punta.
"Suko na ko!!"
Ang traffic dito.
Sana'y inagahan ko?
Diyusko, tatlong oras na ko dito.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...