Meeting My Ideal Guy

356 5 2
                                    

 Second Chapter! :)

Chapter Guide:

MAIN BUILDING - Dito matatagpuan ang College of Law at College of Science. Isa ito sa mga pinaka-matandang building sa loob ng campus. Ang Main Building ang isa sa mga pinaka-unang earthquake proof buildings sa bansa. Dito rin matatagpuan ang UST Museum at ang Registrar's office. Nasa taas ng Main Building ang tower na may cross. [Hindi po siya simbahan dahil mat cross. Daming nagkakamali eh. :))]

Pictures by Paul Quiambao--------------------------------------------->

READ. FAN. COMMENT. VOTE. :D

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

STUDENT PROFILE:

Name: Angeli Andrea P. Velasco

Nickname: Lia

Age: 19

Year Level: Fourth

Student Number: 2007-0157999

College: Fine Arts and Design

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 KATH'S POV

                Alam ko na kung bakit maraming ginagabi ang uwi kapag buwan na ng Disyembre sa UST. Nakakatuwa nga naman kasing pagmasdan ang mga palamuti na nakasabit at naka-display sa buong campus. Malapit na ngang mag-Christmas.

                Nandito ako sa Lover's Lane. Hinintay kong dumating si Lia. Isang oras na siyang nag-tetext na malapit na siya. Sigurado akong nagbibihis pa lang yun. Lagi naman na siyang ganito. Hindi ko na din maiwasan. Napasandal ako sa puno na kahapon lang ay inaayos nila manong. Nakabukas na ang mga christmas lights. Pati na rin ang Main Building ay nabalot ng mga ilaw.

                Umihip ang hangin. Napapikit ako. Siguro nga mabuti ng late dumating si Lia. Wala pa naman kasi akong balak umalis ng UST. Mabuti na lang nakapagdala ako ng pamalit. Komportable akong nagpahinga muna at halos makalimutan ko ngang may hinihintay pa pala ako.

                “Miss?”

                Napapitlag ako at hinanap ko ang pinag-mulan ng boses na iyon.

                Tumingala ako. Lalake ang tumawag sa akin. Matangkad. Maputi. Maganda ang pangangatawan. Ngumit siya sa akin. Nakita ang dimples niya. Gwapo siya. Mukha ding mayaman. Presko.

                Teka. Kilala ko tong lalakeng to ah.

                “Bakit?” Tanong ko.

                “Yung phone mo. Baka may kumuha. Nakapikit ka kasi eh.” Tinuro niya ang cellphone ko na nasa tabi ko na kitang-kita nga naman at madaling makuha ng kung sino mang dadaan.

                “Ah, Salamat.” Sabi ko habang itinago ko ito sa bag ko.

                “Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya.

                “Kath. Taga Engineering ako.” Tumayo ako. Sabay alok sa kamay ko.

                “Jake nga pala. Taga Accountancy naman ako.” Ngumiti siya.

                “Teka, di ba ikaw yung nakapulot ng stub ko kahapon?” Nakilala ko na nga siya. Siya yung gwapo kahapon.

                “Oo. Ako nga. Naalala mo pa ko.” Tumawa siya. Napangiti ako.

                Sakto namang dumating si Lia.

                “Kath! Sorry. Inabot ako ng traffic. Tara na. Late na tayo.” Sabi niya sa akin habang pilit niyang hinihila ang kamay ko.

                “Teka, yung bag ko, Lia.” Binitawan niya ako. Na-out of balance ako. Buti na lang nasalo ako ni Jake.

                Itinuwid niya ako at inabot niya sa akin ang bag ko. “Salamat ulit ah. Sige. Mauna na kami.”

                Hinawakan niya ang batok niya at umiling ng konti. “Wala yon. Sige. I’ll be seeing you, Kath.”

                Bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng pagkakasabi lang niya ng pangalan ko. Pati ang braso ko na nadaplisan ng kamay niya, grabe ang init, para akong napaso. Anong nangyayari sa akin? Hinila ulit ako ni Lia papuntang Quadri.

Sinilip ko si Jake.

Nakalayo na siya.

 +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ayan! Nakilala niyo na po si Jake, ang ideal guy ni Kath. :) Ano sa tingin niyo? Pasado ba sa taste niyo ang pinaka-unang leading man natin?

- Scarlet

READ. FAN. COMMENT. VOTE. :D

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon