Kinakanta na ang Quadri Song sa field. Hawak ko ang kamay ni Patch sa kanan at pareho kaming nakaharap sa stage sa may grandstand. Halos hindi nanamin naabutan ang program. Buti na lang may pwesto pa kami sa bandang gilid ng field malapit sa usual na parking spot ng mga bus ng UST.
Nasa kalagitnaan ng pagkanta ng QSong ng biglang magsimula ang fireworks display. Nagsigawan ang lahat ng tao na tumingin agad sa bandang kaliwa ng field.
Pati kami ni Patch napatingin sa direksiyon na yun. Busy kami sa panonood.
Nakita ko si Lexi at si Lia sa di kalayuan. Nakangiti sila pareho sa akin.
Si Jake natanaw ko malapit sa kanila. Katabi niya si Nina na nakangiti habang nanonood. Napatingin si Jake sa akin. Ngumit din siya. Tumango ako.
Tumingin ako muli sa langit na punung-puno ng ilaw. Ang UST binabaha. Pero hindi ito ang usual nab aha. Binabaha ito ng ilaw. Ang liwanag ng campus, pati na ang langit.
Napatingin ako kay Patch.
Nakatingin na pala siya sa akin. Kanina pa siguro.
“Bakit?” Tanong ko na nakangiti.
Umiling siya at hinila ako papalapit sa kaniya. Ikinawit niya ang kaniyang kamay sa aking bewang at hinalikan ako sa noo.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at itinuloy ang panonood sa fireworks display.
Ano nga ba ang Paskuhan?
Isa itong pride ng UST.
Pride ng mga Tomasino.
Pero para ngayon, sa araw na ito, sa amin ni Patch ang Paskuhan.
Sa akin ang Paskuhan.
Ang Paskuhan ang kwento namin.
Kwento ng bawat Tomasino. Dahil memorable ito sa lahat.
Lalo na sa katulad ko na umasa, nagmahal, nasaktan, at sumaya dahil sa okasyon na ito.
Ito ang kwento ko.
Ang kwento namin ni Patch.
Ang Paskuhan.
<3 <3 <3
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
RandomAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?