Maaga akong pumasok ngayon. Birthday ng adviser naming, December 13. May mga plano na kaming gawin sa period ni Ma’am. Siyempre ang saya naming kasi ibig sabihin lang nun hindi na mag-lelecture si Ma’am.
May mga naatasang magdala ng cake at pizza. May ilan ding nag-assign ng special number. Isa na ako dun. Kakantahan ko daw si Ma’am. Basta alam ko daw yung kanta at yung lyrics ng kantang pipiliin ni ma’am, ok na.
Dumating ang last period at pumasok na nga si Ma’am. Kinantahan namin siya ng happy birthday habang yung iba binigay na sa kaniya yung mga regalo nila.
Busy kaming kumakanta nang may pumasok. Hawak niya yung cake.
“Happy Birthday, ma’am!” Sabi niya.
Si Patch.
Ngayon na lang ulit siya pumasok.
Ngayon ko na lang siya ulit nakita.
Nakangiti pa siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Pumayat si Patch. Parang kulang din siya sa tulog. May problema nanaman kaya siya? Gusto ko siyang lapitan. Kumustahin. Kaso pinigil ko ang sarili ko. Medyo naiilang na din kasi ako sa kaniya.
Nagsimula ng mag-perform ang mga kaklase ko. May ilang sumayaw. May ilang kumanta. Nakikitawa ako minsan. Pero halos buong period kay Patch lang ako nakatingin. Siguro nahalata niyang nakatingin ako sa kaniya, tumingin din siya sa akin. Ngumiti siya sandali tapos pumalakpak ng malakas at nakitawa na sa iba nang matapos ang performance nila.
“Si Kath naman.” Sabi ni ma’am. Ngumiti ako at tumayo. Tinanong nila kung anong kanta ang gusto ni ma’am.
Lucky daw. Favorite daw kasi ng anak niya.
Duet yun.
“Kaya mo bang mag-isa, Kath?” Tanong ng iba. Tumango ako.
“Patch!” Tawag ni ma’am. “Samahan mo naman si Kath. Maganda daw ang boses mo sabi nila. Gusto ko ding marinig.” Tumatawa si Ma’am.
Kinabahan ako. Alam Kong tatanggi si Patch.
Laking gulat ko nang umakyat siya sa platform, sa tabi ko at kinuha ang isang upuan. Pinahiram siya ni Ron ng gitara niya na ginamit kanina.
Nagpalakpakan ang iba. Nag-simulang tumutgtog si Patch.
Do you hear me?
I’m talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I’m trying
Nakatitig si Patch sa akin habang kumakanta siya. Tinitipan ang gitara. Nakangiti at tumango siya. Ako na daw.
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
Nakatitig din ako sa kaniya habang kumakanta ako. Ilang beses na naming kinanta ito dati kaya alam na alam na niya yung chords. Dahan-dahang tumayo si Patch at tinabihan ako.
I’m lucky I’m in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh
Nakatitig na kami sa isa’t-isa. Nakangiti siya. Nakangiti din ako. Na-miss ko ito. Na-miss ko din siya. Naramdaman kong namumula yung mga pisngi ko. Kakaiba din ang ngiti ni Patch. Masaya siya. Pareho kaming masaya habang kumakanta. Pareho naming dinadama ang lyrics ng kanta.
They don’t know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I’ll wait for you I promise you, I will
Pati si ma’am nakangiti na.Hanggang sa ipasa na nga ni Patch yung gitara kay Ron. Ipinagpatuloy naman niya ang pagtugtog. Ngayong wala na siyang hawak, inabot niya pa yung isang mic at hinawakan ang kamay ko.
I’m lucky I’m in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we’re in love every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
Bumilis ang tibok ng puso ko. Pati ako kinikilig na. Kasi sa akin nakatingin si Patch habang kumakanta siya. Nararamdaman ko ang pag-mamahal niya. Sana nararamdaman din niya na mahal ko siya.
And so I’m sailing through the sea
To an island where we’ll meet
You’ll hear the music fill the air
I’ll put a flower in your hair
Kumuha ng bulaklak si Patch sa bouquet sa may teacher’s table at inilagay niya sa buhok ko. Nag-tilian ang mga babae sa classroom.
Though the breezes through trees
Move so pretty you’re all I see
As the world keeps spinning round
You hold me right here right now
Ikinawit ni Patch ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Sa audience na nakatingin si Patch. Pero ako, sa kaniya pa din nakatingin. Idinikit ni Patch ang pisngi niya sa buhok ko habang isinandal ko naman sa balikat niya ang ulo ko. Pinagpatuloy namin ang kanta.
I’m lucky I’m in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I’m lucky we’re in love every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh
Ooooh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh
Lihim akong hinalikan ni Patch sa noo. Gusto kong maiyak. Tapos na ang kanta. Alam Kong bibitawan na niya ako at babatiin niya si ma’am. Tutunog ang bell at maglilinis na kami ng room. Pagkatapos na pagkatapos niyang mag-linis, aalis na agad siya.
Alam kong sa CR ang bagsak ko.
Mag-iiiyak na naman na parang tanga.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
RandomAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?