Dumiretso ako sa Espana. Ayoko na munang may makita o makausap na kahit na sino. Masama ang pakiramdam ko. Kung si Patch siguro ang kakausap sa akin, ok pa.
Pasakay na sana ako ng jeep nang may pumigil sa akin.
Si Jake.
Isang tingin lang sa akin, alam na niyang may problema ako. Sumimangot si Jake.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Ang tono ng boses ko parang nang-aakusa.
“Kath,” Sabi niya. Malungkot siya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin. Kaso sa itsura niya, parang pinagdedebatehan pa niya kung sasabihin ba niya sa akin o wag na.
Bumuntong hininga siya. “May gustong kumausap sa’yo.” Itinaas ni Jake ang phone niya. Pinabasa sa akin ang text na nandun.
Mag-usapa tayo. Plaza Mayor. Ngayon na.
Pamilyar ang number sa akin.
Si Patch.
Inagaw ko ang phone kay Jake. “Kaninang 4 pa to ah. Mag aalas singko na. Jake naman. At bakit sa’yo siya nag-text?” sabi ko. Wala sa loob na biglang nagalit.
Nakita ko ang panlulumo ni Jake. Yumuko siya. Ganito pala ang itsura niya kapag nasasaktan. Sa totoo, ayokong nakikita siyang ganito. Lalo na’t alam kong ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niyang ito.
“Jake,” Gusto Kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Inabot ko sa kaniya ang phone niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
“Ok lang. Pasensiya.” Ngumiti siya. Hindi yun yung ngiti na masaya. Gusto kong maiyak sa ngiti niya ngayon. Sakit. Lungkot. Selos. Yun ang mga nasa mukha ni Jake. Sarkastikong ngiti. “Pumunta ka na. Hihintayin kita dito. Sabay pa din tayong uuwi ah?” Sabi niya bago ako halikan sa pisngi at tumayo sa baba ng overpass.
Gusto kong hilain ang kamay niya at sabihing hindi na ako makikipag-usap kay Patch. Gusto kong sabihin na wag na siyang magmukmok dahil siya ang gusto kong kasama sa mga oras na yun. Siya ang gusto kong piliin. Siya ang gusto ko.
Pero.
Ayan nanaman. Ang isang malaking PERO.
Si Patch ang KAILANGAN ko.
Imbes na puntahan si Jake, agad agad akong tumakbo papuntang Plaza Mayor. Gusto ko munang maging malinaw ang mga bagay sa pagitan namin ni Patch bago ko masigurong si Jake nga ang dapat na piliin ko.
Isang oras na siyang naghihintay.
Binilisan ko lalo ang takbo ko, sinimulan ko na siyang hanapin.
Hanggang sa may nakita akong bulto ng isang lalake na nakaupo sa may mismong tapat ng Main.
“Patch?”
Dahan-dahang humarap ang lalake.
++++
NINA
“Alam mo madaming namamatay sa sakit sa puso dahil sa pagiging martyr nila.” Pabirong sabi ni Nina kay Jake.
Tinaas ni Jake ang tingin. Ngumit siya ng konti kay Nina. Konti. Never naging buo ang binibigay ni Jake kay Nina.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
RandomAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?