Bakit Ba Ang Hilig Hilig Nating Saktan Ang Isa't-Isa?

140 1 0
                                    

                Hindi ko narinig ang apak ng kaniyang mga paa. Hindi ko napansin na bumaba siya. Gawa na din siguro ng lalim ng iniisip ko o pagka-wala ng pag-asa at pagsuko kani-kanina lamang.

               Ang mga kamay niya ang yumakap sa akin mula sa likod ko. Naramdaman ko ang mga labi niya na dumampi sa batok ko.

                At narinig ko ang mga salitang ibinulong niya. “Bakit ba ang hilig-hilig nating saktan ang isa’t-isa?”

                Naiyak ako sa sinabi niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Parang ayaw niya akong bitawan, parang kapag binitawan niya ako bigla akong maglaho at mawala sa kaniya.

                Sandali kaming nanatili sa ganung posisyon bago unti-unting niluwagan ni Patch ang pagkakahawak sa akin.

                Binilisan ako ang pag-ikot at humarap sa kaniya bago siya niyakap ng mahigpit. “I’m sorry.” Sabi ko ng paulit-ulit. Hinaplos niya ng ilang beses ang buhok ko habang hawak din ako ng mahigpit.

                “Please,” Pagmamakaawa ko. “Pakinggan mo naman ang mga gusto kong sabihin.”

                Dahan-dahan siyang tumango. “Darating tayo diyan, Kath. Papakinggan ko ang lahat ng gusto mong sabihin at i-explain sa akin pero wag ngayon. Ganito na lang muna tayo.”

                “Pero...” Pag-angal ko.

                “Please,” Sagot niya at nanahimik na ako.

+++

                Matapos siguro ang isang oras na wala kaming ibang ginawa kung di ang manatiling tahimik at hawak ang isa’t-isa, binitawan ko si Patch.

                “Mag-eexplain na ako. Gusto ko maayos ang lahat bago ko pa man sabihin sa’yo ang nagging desisyon ko.” Sabi ko.

                Sumimangot si Patch at nanahimik siya. Ipinikit niya ang mga mata niya at hinintay akong mag-simula.

                “Nung first year tayo, orientation noon, crush na kita.” Pauna kong sabi na nahihiya.

                Ngumiti si Patch pero hindi umimik, imbes kinuha niya ang kamay ko, inilapit sa mukha niya at hinalikan.

                Natawa ako. “Nakakahiya nga eh. Late pa ako, sa isip-isip ko, ano kayang unang impression ko sa’yo? Ano kaya ang tingin mo sa akin nun? Nang magtagal hindi ko talaga inexpect na magiging magkaibigan tayo. Hindi ko inexpect na magiging close tayo. Nung namatay ang dad mo...”

                Tumigil ako. Ayaw nga pala ni Patch na pinag-uusapan naming ang dad niya.

                “Ituloy mo.” Sabi niya at inilapat sa pisngi niya ang likod ng palad ko.

                “Akala ko nililigawan mo ako. Siyempre natuwa ako. Kasi komportable naman ako sa’yo. Masaya akong kasama ka. Itatanong ko sana kung talaga ngang may gusto ka sa akin kaso narinig kong nag-uusap kayo ni Leslie noon. Tinanong ka ata niya kung para saan yung mga bulaklak na ibinigay mo para sa akin. Tapos ang sagot mo pasasalamat lang ang mga yun para sa nagawa kong tulong sa inyo ng mama mo. Simula nuon hindi na ako nag-expect ng kahit pa anong galing sa’yo. Kaya talagang kaibigan na lang turing ko sa’yo. Natakot ako na baka kapag nagkagusto ako sa’yo, hindi mo maibabalik ang mga nararamdaman ko. Baka hindi mo din ako mahalin. Natakot lang ako.” Sabi ko.

                Kumunot ang noo ni Patch at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya ako pinigilan sa pag-kwento.

                “Tapos dumating na nga si Jake. Alam mo naman yung type ko sa lalake di ba? Ayun. Alam mo na yung kwento kaya hindi ko na uulitin. Pero ni minsan Patch, hindi ko nadama kay Jake ang naramdaman ko para sa’yo. Ikaw lang nakapasok sa puso ko, nakaapekto sa buhay ko sa ganitong paraan na kahit ang lumayo gagawin ko para lang hindi ka na masaktan.” Pagtuloy ko.

                “Yung sinabi mo sa akin kahapon na mahal mo ako...” Sabi ni Patch.

                “Totoo yun. Lahat yun totoo.” Sagot ko na hinila siya papalapit sa akin.

                “Eh yung mga sinabi mo kanina tungkol kay Jake?” Tanong niya.

                “Mali ang pagkakaintindi mo. Siguro kung dumating ka ng mas maaga or nag-stay ka ng mas matagal, narinig mo ang lahat ng nasabi ni Lexi tungkol kay Jake. Gusto kasi niya na piliin ko si Jake. Ang dami niyang nasabi tungkol sa’yo na hindi ko nagustuhan. Napikon na ako. Dedepensahan sana kita kaso narinig mo lahat ng nasabi ko tungkol kay Jake na hindi naman totoo. Kaya yun.” Sabi ko.

                “Yung sinabi mo kanina sa narinig mo sa amin ni Leslie noon. Mail din ang lahat ng yun. Hindi ko lang masabi sa kaniya na talagang mahal na kita noon. Nahiya lang ako. Tsaka kahit sabihin ko naman kay Leslie wala naman siyang magagawa, wala din namang mangyayari. Hindi ko lang alam na narinig mo palang nag-uusap kami noon.” Pag-eexplain niya.

                Tumango na lang ako.

                Ngayon ok na ulit kami at ayos na ulit ang lahat, ano na?

                “Pinapatawad mo na ba ako?” Tanong ko.

                “Pinapatawad para sa anong kasalanan?” Balik na tanong niya.

                “Sa lahat, simula noon hanggang sa ngayon.” Sabi ko.

                Tumango siya saka ako hinalikan sa noo at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha papunta sa likod ng tenga ko.

                “Ako ba pinapatawad mo na?” Tanong niya.

                “Para saan?” Tanong ko.

                “Sa lahat. Lalo na sa paglayo ko noon.” Sagot niya.

                Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.

                Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya.

                “I love you.” Sabi ko.

                “I love you too.” Sagot niya.

                Napangiti ako.

                “So ano? Tayo na?” Tanong niya.

                Lumayo ako para titigan siya. Saka ko nilabas ang dila ko at tumayo. “Asa ka naman.”

                “Kath...” Sabi niya sa seryosong tono.

                “Ayoko nga.” Pagbibiro ko.

                “Isa..” Bilang niya.

                Eto nanaman kami.

                “Dalawa...” Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong nilalapit sa kaniya. Nakaupo pa din siya sa may hagdan.

                Naalala ko yung eksenang ito. Ito yung nangyari nung iniwan niya ako. Kaso ako yung nakaupo at hindi siya.

                At bago pa man siya magbilang ulit, hinila ko ang kamay niya at itinayo siya. Sa pagkakataong ito, ako naman ang masusunod. Hawak pa din niya ang kamay ko. Ang isang kamay ko ay inilagay ko sa may pisngi niya bago siya halikan sa mga labi.

                “Tatlo,” Bilang ko at binitawan niya ang kamay ko.

                “Tayo na nga?” Tanong niya na hinawakan ang mukha ko.

                “Oo na!” Sabi ko na natawa.

                Niyakap niya ako at inikot ko ang mga kamay ko sa leeg niya.

                Hinalikan niya ako ulit.

                Sa kasiyahan at kagandahan ng lahat ng nangyayari, nakalimutan na naming pareho ang dahilan kung bakit nga kami nandito sa UST ng ganitong oras ng gabi.

                Ang Paskuhan.

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon