Tahimik na naglalakad sa lover’s sila Nina at Patch. Pareho silang thaimik. Pareho nilang alam ang intensidad ng sakit at sakripisyo ng gagawin nila para maging masaya ang mga taong mahal nila. Pareho silang nasasaktan.
Nauunang maglakad si Nina.
Sandali siyang pinagmasdan ni Patch.
Halos pareho ng built sa katawan si Nina at si Kath. Parehong slim at maganda ang katawan. Mahaba ang buhok, maputi. Sa mata lang talaga sila nagkaiba. Kasi si Nina talaga ngang medyo singkit. Samantalang si Kath naman, medyo malaki ang mga mata. Pero bagay kay Kath ang mga mata niya. Big. Brown. Beautiful, ika nga. Halos malunod si Patch kakatitig sa mga iyon.
Nagbuntong hininga siya. Wala pang ilang minuto nang pumayag siyang layuan na ng tuluyan si Kath pero heto nanaman siya at hindi matanggal sa isipan ang babaeng minahal niya ng sobra sobra.
Ano nga ba talaga ang nangyari at iniwan niya si Kath? Talaga bang nararamdaman na niyang matatalo siya? Kung aaminin niya, hindi eh. Alam niyang higit na ang lamang niya kay Jake, pero bakit siya lumayo? Takot ba siya sa commitment? Sa ibang babae siguro, oo. Pero kay Kath? Hindi. O takot siyang mawala ang pagkakaibigan nila ni Kath kapag pumayag si Kath na maging sila kaya niya ito iniwan. Napaka-sarkastiko nga lang tignan ng mga pangyayari dahil kahit man anong gawin niya ngayon, ang tanging rason niya, ang kanilang pagkakaibigan, ay wala na din.
Ano pa nga bang gagawin niya? Mas mabuti na din sigurong tuluyan na siyang mawala sa isip at buhay ni Kath. Bakit pa kasi siya nagtapat? Bakit pa niya ginawang komplikado ang lahat?
Hindi na lang sana.
++++
NINA
Ano nga bang naisip ko at nagmakaawa ako ng ganon kay Patch. Nakakahiya. Ako? Nagmamakaawa? Grabe na ah. Ngayon lang ako nagkaganito at para pa sa lalake na hindi naman nakakadama ni katiting na pagmamahal para sa akin.
Huminto ako sa paglalakad. Nilingon ko si Patch. Sandali kaming nagkatitigan.
“Pwede ko bang…” pauna kong sabi. Ano ba itong gusto Kong gawin? “Can I hold your hand?” Ewan ko. Dala lang siguro ng matinding lungkot na nadarama ko. Minsan sa mga pagkakataong ganito, lahat ng tao maghahanap ng solusyon, gaano pa man ito katanga.
Natigilan si Patch. Gusto kong magsisi na tinanong ko pa siya. Itutuloy ko na sana ang paglalakad ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ipinagpatuloy namin ang mabagal na paglalakad.
“Anong iniisip mo?” Tanong niya. Bakante ng kahit na anong emosyon ang mukha niya habang nakatingan sa may bandang arch.
“Iniisip ko?” Tanong ko. Sandali akong nag-isip, ano nga ba ang iniisip ko, habang kahawak ang kamay ng lalakeng umiibig sa parehong babaeng gusto ng taong mahal ko? “Kung gaano ko ba talaga kamahal si Jake at pati ito nagagawa ko na ngayon.” Sabi ko na itinaas ang magkahawak naming kamay.
“Alam mo, swerte si Jake sa’yo kung sakali.” Nakangiti at matapat na sabi ni Patch sa akin.
Tumango ako. “Alam ko.” Buong pagtataray kong sabi pero natawa din ako. “Swerte din sa’yo si Kath. Sana. Kung hindi mo siya iniwan.”
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Patch.
“Mahal ka niya. Hindi mo ba nararamdaman yun?” Sabi ko sa kaniya. Natigilan siya. Nabigla sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
RandomAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?