The Ace of Spade

886 26 3
                                    

THE ACE OF SPADE

"Haaaa," mahabang buntong hininga ni Dan. "Di ko na alam ang gagawin. Nakadagdag pa si Keith sa mga problema natin."

Napansin ng binata na wala sa mood ang katabing dalaga, "Uy! Sally, nakikinig ka ba?"

"Ou, Dan, sa totoo lang,  naghahanap din ako ng mga sagot. Ang daming tumatakbo sa isip ko."

"Tingin mo, dapat na ba nating sabihin sa otoridad ang mga nalalaman natin para makatulong sa imbestigasyon nila?"

"Tingin mo ba paniniwalaan nila tayo?" napangiti siya. "Sasabihin nating may babae, siya ang pumapatay? na napapanaginipan mo kung sino ang susunod na papatayin?"

"Pero anong gagawin natin? Wala tayong lead."

"Meron!" mabilis na sagot ni Sally. "May alam akong pwede nating pagsimulan ng imbestigasyon na to."

"Si Doctor Bernaldo ba ang tinutukoy mo?" tanong ng binata. "Mukhang may alam sya tungkol sa dream catcher."

"Hindi. Tuso ang doktor na yon. Hindi nya tayo tutulungan ng walang kapalit. Isipin mo Dan, may atleast dalawang malaking lead na tayong hawak: Ang pangalan ng babae at kung kanino natin unang narinig ang pangalan na iyon."

Nag-iisip rin ang binata at habang nakikinig.

"Natatandaan mo ba ang pangalang binabanggit ni Mr. Torres na sinasabi nyang papatay sa kanya?"

"Ou. Diane. Paulit-ulit nya yong sinasabi kaya tumatak na sa utak ko."

"Malaki ang posibilidad na Diane ang pangalan ng babaeng nagpapakita sa atin."

"Tama ka, Sally," pagsang-ayon niya. "Maaari tayong makahanap ng mga dokumentong naglalaman ng pangalan na iyon na magbibigay pa sa atin ng maraming sagot."

"Hindi na natin kailangan pang maghirap maghalungkat ng mga dokumento. May kailangan lang tayong paaminin," kinagat pa ng dalaga ang labi niya na tila gigil nang malaman ang katotohanan.

"Kung pareho tayo ng iniisip, Sally, kilala ko na rin ang tinutukoy mo. Mas lalo pang lumakas ang kutob ko dahil sa kanya ko unang narinig ang pangalang Diane."

"Ou, malakas din ang loob ko na may lihim syang itinatago."

"Tingin mo ba may makukuha tayo sa kanya? Tinulungan nya tayo ng isang beses pero sa personalidad nya, tipong hindi tayo sapat, Sally, para mapaamin sya."

"Tama ka, pero, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sa loob ko, may maliit na parteng nagtutulak para kausapin ko siya. Kailangan nating subukan, Dan."

Paalis na sana sila ng biglang may pahabol si Sally, "Para na tayong mga detective nito. Bakit di natin tawagin ang kaso na to na The Case of the Mysterious Dream catcher o kaya The Case of the Nigthmare of the Dream catcher."

"Pambihira, kanina ang seryo-seryoso mo ngayon makulit ka na naman," wika ni Dan. "Sige sige, pwede na yan kahit ano."

Alas-sais ng hapon, bahagya ng madilim ang paligid nang puntahan nila ang faculty room na nasa likurang bahagi ng paaralan. Dahan-dahan silang sumilip at alertong nagmatyag. Ang ibig nilang makausap ay si Mr. Lopez na siyang tumulong sa kanila nang mabaliw si Mr. Torres.

"Tama ka, Dan, nandito pa sya at mag-isa," wika ng dalaga na itinutulak si Dan para gumawa ng unang hakbang.

"Ah, sir.." pagbati ni Dan.

Nakuha naman nito agad ang atensyon ng guro, "Di ko inaasahang kayong dalawa pa rin ang makikita ko. Hindi pa ba kayo nadala?"

"Sa totoo nyan, Sir Lopez, nagpasama lang ako kay Dan. Baka kasi po nagpa-quiz kayo nung nasa hospital ako."

"Oh, hindi ba classmate mo si Dan? Bakit hindi na lang sya ang tinanong mo?"

"A eh, sabi ko nga po" natawa ang dalaga sa sarili. "Dan, ikaw na," wika niya sa kaibigan.

"Ah sir, actually, wag nyo pong mamasamain no, pero nagtataka lang po kami kung bakit lagi kayong nagpapaiwan sa school hanggang gabi?"

"Ano bang gusto mo palabasin, Mr. Gonzaga? Iniisip mo bang may ginagawa akong kalokohan? O baka naman pinasususpetsahan nyo pa ko na siyang pumapatay dito."

"Naku, hindi po ganoon, sir. Kung kayo po suspect namin, di namin kayo magagawang harapin ngayon," mabilis ang pagkambyo ni Dan. "Nagtataka lang po talaga kami kung bakit sa kabila ng mga lagim na nangyari dito sa skul ay hindi po kayo natatakot mapag-isa?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan?" tugon ni Mr. Lopez. "Alam nyong mapanganib na dito, bakit hindi pa kayo magsiuwi?"

"Naghahanap po kami ng sagot!" agad isinagot ng dalaga. "Sino po si Diane?"

Diretsa ang naging sagot ni Sally pero wala anumang reaksyon ang nabakas sa mukha ni Mr. Lopez.

"Sinong Diane ang tinutukoy mo? Marami akong kilalang Diane."

"Si Diane Gonzaga. Sino po sya?"

Natatawang sumagot ang lalaki. "Hindi ko inanaasahang aabutin tayo ng gantong usapan dahil lang kay Diane Gonzaga," pangiting sagot ng guro. "Kaibigan ko siya nung elementary, bakit?"

"Hindi ako naniniwala sa'yo," binara ng dalaga. "Sabihin mo na ang totoo!"

"Alam ko sa panahon ngayon talagang hindi na iginagalang ng mga estudyante ang kanilang mga guro," mahinahong wika ni Mr. Lopez. "pero ang pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama sayo, Ms. Bansil, para kausapin mo ako ng ganyan."

Natauhan naman ang dalaga sa mga narinig. Hindi na ito nangiming dugtungan pa ang sasabihin pero matigas pa rin ang pagkakatayo nito sa harapan ni Mr. Lopez na tanging mesa lamang ang pagitan.

Hinawakan ni Dan ang dalaga, "Tara na, Sally."

"Sandali, Dan," habang diretso pa rin ang tingin kay Mr. Lopez.

Binatak na siya ni Dan palabas.

"Ano ba, Dan? Bitawan mo na ko. Nabigla lang ako, okey?" aniya ng kapwa na sila makalabas ng faculty room.

Ngiti naman ang isinukli ng binata.

"Oh, bakit ka pa nakangiti dyan? Wala nga tayong nakuhang sagot."

"Wag kang mag-alala, Sally. Hindi nasayang ang pagod natin," pagpapakalma ng binata. "May nakuha akong isang importanteng baraha."



Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon