The Souvenir

838 24 5
                                    

THE SOUVENIR

Isang sulat ang laman ng mail box ni Mr. Lopez, isang umaga. Nakita niya itong kasama ng dyaryong araw-araw dumarating.

++Alam ko kung nasaan si Diane. Magkita tayo sa ika-pitong upuan sa parke ngayong araw sa ika-pito ng umaga.++

Ito ang laman ng sulat. Maikli ngunit nagawa nitong baguin ng pinta ng mukha ng nagbabasa. Pumasok sa loob ng bahay niya si Mr. Lopez at ibinulsa ang isang lanseta. Agad din siyang umalis at iniwan ang sulat sa ibabaw ng mug ng kapeng umuusok pa.

Maraming tao sa parke. May mga nagjogging at nag-eehersisyo sa saliw nga tugtog. Sa mga naroroon, walang ideya si Mr. Lopez kung sino ang kakatagpuin niya.

Madaling mahanap ang ika-pitong upuan, dahil bawat isa nito ay may numero. Narating niya ang tinutukoy na upuan, ang pinakadulong bangko, ngunit walang naroon.

Nagmasid siya sa paligid at naging alerto. Ang kanan niyang kamay ay nasa bulsa niya at  tangan ang itinatago niyang matalim na bagay. Maya-maya ay napansin niyang papalapit sa kanya, isang binata, si Dan.

"Mr. Gonzaga, tama ang hinala ko na marami kang nalalaman. Pero hindi ikaw ang inaasahan kong makatagpo ngayong araw," pambungad na pagbati ni Mr. Lopez. "Ganyan ka ba talaga katapang at nagawa mo pa akong papuntahin dito? Wala ka na ba talagang pagpapahalaga sa buhay mo?"

"Una sa lahat, sir, alam kong hindi kayo masamang tao," sagot ni Dan. "at ikalawa kaya ang parke ang pinili kong lugar nangsagayon, anuman ang mangyari sakin, may makakakitang kayo ang huli kong kasama."

"Huh," napangiti ang guro. "Hindi ko alam na tuso ka."

"Hindi nyo na po kailangang gamitin kung anuman yang tinatago nyo sa bulsa nyo," dahil kanina pa ay palihim na syang inoobserbahan ng binata. "Nagpunta ko dito nang mag-isa at walang kasama. Wala kong anumang bagay na dala. Nakipagtagpo ako sa inyo hindi bilang estudyante kundi bilang isang lalaki," pagpapatuloy nya. "The fact na nandito kayo, isa lang ang ibig sabihin nun, may alam kayo. May alam kayo at mayroon din kayong di alam. May alam ako, Mr. Lopez, handa kong sabihin sayo anuman ang mga iyon, kung mangangako kang sasabihin mo rin ang nalalaman mo. Malay mo, ang mga pirasong hawak mo at ang mga pirasong hawak ko, pag pinagsama natin, masagot lahat ng mga tanong natin."

"Sige, nakikipagkasundo ako," walang alinlangang sagot ng lalaki.

Nagpakiramdaman muna sila, bago nagsalita si Dan, "Bilang patunay nang maayos na pakikipag-usap ko sayo, Mr. Lopez, hayaan mong ako ang magsimula." Inilabas ni Dan ang dream catcher na nakatago sa loob ng damit nya. "Minsan mo na tong napuna, alam ko, kaya tinanong mo kung kilala ko si Diane Gonzaga, tama ba?"

Tumango lang ang kausap.

"Sa kasamaang palad, wala akong kilalang Diane pero sa kabilang banda, kilala mo ang ate ko dahil kaklase mo rin sya, si Rachelle Gonzaga. Si ate ang nagsabi na meron ka rin dream catcher dati, tama ba?"

"Ou, pero anong kinalaman ng dream catcher sa lahat ng to?"

"Marami!" sagot ni Dan. "Una, umpisa pa lang alam ko na na si Diane at ang dream catcher ay magkaugnay. Natatandaan mo pa ba, Mr. Lopez kung anong itinanong mo sa akin nung una mo pa lang makita ang kwintas na ito na suot-suot ko? Ikalawa, inamin mo na rin mismo na meron ka ring dream catcher, nasaan na ang dream catcher na yon, Mr. Lopez?"

"Sa totoo lang, matagal ng nawala ang dream catcher ko," pag-amin niya. "dalawang taon na rin ang nakalipas, hindi ko alam kung may kumuha o nahulog ko. Hindi ko na rin kasi sinuot yun mula noon dahil lagi akong nananaginip ng masama tuwing nakasabit yun sa leeg ko."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon