The Medium

1.3K 31 8
  • Dedicated kay Zeth Leñar Acanto
                                    

THE MEDIUM

"Attendance... please."

"Mr. Acanto!"

"Mr. Dula."

"Absent, sir.  Di pinapasok ng tatay."

"Mr. Franco!"

"Absent po yun, sir, kahapon pa. Sumasakit daw po ulo."

"Mr. Gonzaga."

"Present, sir."

"Dan Gonzaga," muling binanggit ng guro ang pangalan ng binata. "Mahilig ka pala sa dreamcatcher."

"Hindi po, sir, sa ate ko po ito."

"Diane Gonzaga ba ang pangalan ng ate mo?"

"Ah! Hindi po, wala po akong kilalang Diane."

Pinagmasdang mabuti ni Mr. Lopez ang estudyanteng may kwintas na dreamcatcher. Tila may inililihim ito. Sino si Diane at ano ang kinalaman nito sa mga dreamcatcher?"

"Sir, sino po si Diane?" tanong ng isang estudyante.

"Let's not talk about her on my class."

Nagpatuloy ang klase. At tulad ng pangkaraniwang araw sa unang linggo nga pasukan, walang ipinapagawa ang mga guro kundi ang ipasulat ang syllabus ng klase. Dahil dito, karamihan ng mga mag-aaral ay nabo-bore.

"Psst! Naaalala mo na ba?" paswit ni Sally.

"Hindi pa rin."

"Pilitin mong maalala. Naisip ko baka pwde nating matulungan ang taong 'yon bago pa siya mapatay," pabulong na wika ni Sally.

"Sally, tumingin ka sa pinto. Nakikita mo ba ang katulad ng nakikita ko?"

"Hindi. Ano ba 'yon?"

"Yung babae sa panaginip ko, nakatingin s'ya sa atin. May itinutuo siya sa labas."

"Dan, ano bang pinagsasabi mo. Natatakot na ko."

"Ipikit mo lang ang mata mo. Sally 'wag kang mumulat ha. Papalapit na s'ya sa atin. Ayan na s'ya."

"Naririnig ko ang mga yabag niya, Dan... may mga patak ng tubig... nararamdaman ko na siya... 'di ko na 'to kaya."

"Nasa harapan mo na siya Sally."

"Ang lamig, gusto ko ng sumigaw."

"Uy! Gising, Sally, baka mapagalitan ka ni Mr. Lopez."

"Dan, napanaginipan ko siya," humahangos na wika ni Sally na tila epekto na rin ng 'di niya  magandang pangitain.

"Dan, Sally, anong pinagkakaingay n'yo dyan sa likod?"

"Ah! Wala po, sir, pasensya na," mabilis na tugon ng binata.

"Dan, nakikinig ka ba sa akin?" hingal na pagtatanong ni Sally. "May tinuturo ang babae sa labas, Dan."

Iniwas lamang ng lalaki ang kanyang tingin sa dalaga at hindi na niya pinansin pa ang anumang sinasabi niya. Pero biglang tumayo si Sally at nagsalita ng malakas.

"May itinuturo siya sa labas!"

Napatingin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng silid. Gusto sanang sabihin ni Dan na ganito mismo ang nakita niya sa panaginip niya ngunit huli na ang lahat. Ilang sandali pa ay nagkagulo na sa paaralan. May pumasok sa silid-aralan na nagsasabing si Ms. Analiza Ochoa, ang science instructor, ay natagpuang patay.

Halos lahat ng mga estudyante ay nagsipuntahan sa laboratory. Nakakapit sa bisig ni Dan ang dalaga habang tinitingnan nila ng sugatang bangkay ni Ms. Ochoa. Kalunos-lunos ang nangyari sa kanya. Isang basag na test tube ang nakatarak sa kanyang dibdib.

Sunod-sunod ang nangamatay. Sa loob lang ng dalawang araw, dalawang mag-aaral at dalawang guro ang napaslang. Dito na nagsimulang kumalat ang balitang may serial killer sa eskwelahan. Kinabukasan, iilang estudyante at guro na lamang ang naglakas loob na pumasok.

"Sally, bakit pumasok ka pa? hindi ka ba natatakot?" tanong ni Dan ng hapon ng araw na iyon.

"Natatakot pero nandiyan ka naman eh. Di ba matapang ka? Alam ko kaya mo kong ipagtanggol."

"Mabuti pa umuwi ka na," tila nabigla pa ang dalaga ng ipatong ni Dan ang kamay niya sa balikat ni Sally. "Mayroon ka pang hindi alam, Sally ang dream catcher..."

"Alam ko na na ang dreamcatcher ang nagsisilbing medium kaya napapanaginipan mo ang posibleng mangyari, hindi ba?" nagsasalita siya na tila alam na niya ang nangyayari. "Kaso tayo na lang yata ang tao dito, natatakot ako na isa sa atin ang isunod niya."

"Mali ka, apat pa tayong nandito. Nakita ko kanina si Mr. Lopez at ang ikaapat ay ang taong kanina pa nakikinig sa atin."

Lumabas mula sa gilid ng cabinet si Mr. Torres, "Ikaw, totoo bang nalalaman mo kung sino ang susunod na papatayin?"

Tinitigan siya ng binata at sinabi.

"Ikaw—

ikaw ang susunod na papatayin."

"Sinong papatay sa akin?" patuloy na tanong ng guro habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot.

"Babae—isang dalaga."

"Si Diane! Si Diane! Papatayin ako ni Diane!" nagsimula nang magwala si Mr. Torres habang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalang Diane.

"Papatayin ako ni Diane. Hindi na niya ako mapapatawad."

 Naging seryoso na ang pagwawala si Mr. Torres sa loob ng silid-aralan at nagdulot ito ng pagkataranta sa magkaibigan.

"Dali, Sally, tumawag ka ng tulong . Puntahan mo si Mr. Lopez. Bilisan mo."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon