The Friend

626 23 3
                                    

THE FRIEND

"Dan, dalawa lang pagpipiliin mo -- ang paniwalaan ako o paniwalaan si Sally," yun ang mga katagang binitiwan ni Prince.

Tulala naman si Dan at litong-lito. Hindi mahanap ng dila nya ang mga tamang salita para isagot kay Prince.

Tumalikod na ang dalaga kay Dan at akma nang aalis ngunit may karugtong pa ang mga malalalim na katagang binitawan nya, "Kung magiging matalino ka, Dan, at ang tama ang paniniwalaan mo, maililigtas si Sally. Pero kung maduduwag ka, kami na ang magliligtas sa kanya."

Nakailang hakbang na si Prince nang pigilan sya ng binata, "Sandali, Prince," seryoso ang binata at kitang-kita yun sa mga mata niya. "Gusto kong laging ligtas si Sally. Ibig sabihin ba Prince, handa kang bawiin ang testimonya mo laban sa kanya?"

"May mas maganda kaming plano para iligtas sya."

"Pag sinasabi mong 'kami', sinong tinutukoy mo?"

"Ako at ang ikalawa ay ang taong matagal ng tumutulong kay Sally. Kung gusto mo syang makausap, at malaman ang totoo, sumama ka sakin."

"Sige, gagawin ko to para kay Sally," pagpayag ni Dan.

Makalipas ang isang minuto ay may itim na SUV na huminto sa kinaroronan nila. Kapwa sila sumakay at dinala sila nito sa isang mansion.

Tulad ng naramdamang pagkalula ni Dan sa bahay nina Sally, ganito rin ang nararamdaman nya ngayon. Ngunit hindi siya naglakas loob na tanungin kung sino ang may-ari nito. Batid nyang darating din at malapit na ang panahong malalaman nya kung sino.

Pinatuloy sila sa bahay. Habang papunta sila silid na pagtatagpuan, pinagmamasdan ni Dan ang mga portrait na nakadisplay sa mga dingding. Pinakamalaki doon ang family portrait ng isang pamilya na kinabibilangan ng isang ama, isang ina at isang anak na babae. Ngunit isa man sa kanila ay hindi kilala ni Dan.

Dinala sila ng mga katiwala sa isang malaki at pribadong silid. Doon ay nadatnan nila ang taong tinutukoy ni Prince. Mabilis naman siyang namukhaan ng binata.

"Keith!" gulat na pagkabulalas ng binata. "Panong nangyari to? Anong ibig sabihin nito, Prince?"

"Siya ang sinasabi kong makatutulong sa iyo, Dan."

Umiiling si Dan at hindi makapaniwala.

"Pakiusap," yung ang naging bati ni Keith sa binata. "Alam kong masamang tao ang imaheng binuo ni Sally sa utak mo tungkol sakin, pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon, Dan, na maipaliwanag ko sayo ang lahat," maayos ang pagkakasabi nito ni Keith. Ang boses niya ay tila nagmamakaawa pa. Bahagyang nanlambot ang nagmamatigas na puso ni Dan ngunit nanatili siyang maingat dahil na rin sa mga babala ni Sally laban kay Keith.

"Umupo ka, Dan," paanyaya ni Prince. "Kung wala kang tiwala kay Keith, magtiwala ka sakin, Dan. Kailangan mong mapakinggan ang mga sasabihin niya para mailigtas mo si Sally. Pagkatapos din nun, dun mo sabihin samin kung talagang masama si Keith."

Umupo si Dan pero tahimik pa rin siya. Batid niyang nasa bibig siya ng leon kaya hindi siya umaaktong agresibo. Umupo rin si Prince at nakalibot sila sa isang malaking mesa.

"Gusto kong magpakilala sayo ng personal, Dan," ang panimula ng dalaga. "Ako si Keith Ann Andres. Matalik akong kaibigan ni Sally mula pa mga bata kami. Kaya marami akong alam tungkol sa kanya. Pero bago yun gusto ko munang sagutin ang tanong na matagal ng gumugulo sayo tungkol sa pagkatao ko." Inilabas niya ang isang photo album at pinadulas ito sa makintab na mesa papunta kay Dan. "Buksan mo, Dan."

Binuklat ni Dan ang photo album. Pinagmasdan nya ang bawat litrato. Kinapapalooban ito ng mga litrato ng dalawang babae -- mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga. Iba-iba ang panahon at iba-iba rin ang lokasyon. Si Sally ang isa at ang ikalawa ay isang di pamilyar na mukha ngunit nang maalala ni Dan, ang kasama ni Sally sa litrato ay ang anak na babae sa family portrait na nakita niya.

"Ang ganda ni Sally, di ba?" wika ni Keith. "Malayo sa itsura ng katabi nya. Tingnan mong mabuti, Dan, dahil ang pangit na babaeng yan ay walang iba kundi ako."

Napatingin si Dan kay Keith.

"Ou, Dan, ako yan. At, kung bakit magkahawig kami ngayon ni Sally, yun ay bahagi ng isang mahabang kwentong kailangan mong pakinggan kung gusto mong malaman ang totoo."

"Handa akong makinig Keith, gaano man yan kahaba, kung masisiguro mo lang sa akin na wala kang anumang kasinungalingang sasabihin."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon