The Insane

678 27 4
                                    

THE INSANE

BLAG! BLAG! BLAG!

Malakas na narinig na sunod-sunod na kalabog na iyon. Hindi iyon parte ng recording na pinakikingan nila kaya't gayun na lang ang kanilang reaksyon, gulat at bigla.

Mabilis na napatayo si Mr. Lopez. Si Dan ay nakaalalay sa mahinang si Sally at si Prince ay napakapit sa kanyang lolo.

Nagsunod-sunod pa ang kalabog na para bang may kung anong bagay na pinupukpok o sinisira. Kasabay nito ay ang sigaw ng isang lalaking tila nagwawala.

"Ang pinto!" nang maalala ni Prince.

"Wag kayong mag-alala," wika ng guro matapos umubo. "Alam kong ako na ang huling dumating kaya tinarangka ko na ito.

"Posible kayang..." bitin na pagkasabi ni Sally.

"Kung balak nya talagang pwersahin na sirain ang pinto, tayo ang pakay nya."

"Pero sino siya?" pagtataka ni Prince.

"Walang iba kundi ang baliw," sagot ni Dan.

"Dan,"  wika ni Mr. Lopez. "Sikapin nyong magtago. Ingatan mo si Sally at pati na rin si Prince at ang lolo nya. Ako na ang bahala dito."

Sinusod nila ang lalaki. Nagtago ang apat sa madilim na bahagi ng warehouse, sa likod ng malalaking container. Si Mr. Lopez naman ay nag-aabang ng mga susunod na mangyayari. Hindi rin siya gaanong lumapit sa sinisirang pinto dahil di niya tiyak ang bilang ng mga trespasser.

Matapos ang ilang beses na pagpukpok, tuluyan ding nagkapuwang ang malaking pinto at nakapasok ang lalaking may hawak na baseball bat.

"Mr. Torres?" bulaslas ng nagtatagong si Prince. "Akala ko ba nasa ward na sya ng mga baliw."

"Posibleng nakatakas sya," anang binata.

"Natatakot ako."

"Huminahon ka, apo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos."

"MR. LOPEZ!" pasigaw na bati ng baliw nang makita nya ang lalaki na nag-aabang sa kanya. "Sinundan kita alam mo ba? Kala nila baliw ako," at tumawa siya. "Baliw nga pero natatandaan kita, Mr. Lopez, Mr. Lopez, ang maswerteng lalaking kasintahan ni Diane." Lumingon-lingon siya. "Nasaan na si Diane? Papatayin ako ni Diane. Kaya uunahan ko na siya. Saan mo tinatago si Diane? Papatayin ko siya," saka tila nag-isip pa siya at nag-iyak-iyakan habang sinasabi, "Ay, patay na nga pala si Diane."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon