The Sacrifice

803 22 5
                                    

THE SACRIFICE

Nang magising si Sally, nakasandal sya sa katawan ng isang binata. Nanlalambot pa ang katawan niya. Habang pinipilit niyang ibangon ang sarili ay inaalalayan naman siya ng dalawa. Una niyang tiningnan ni Sally ang basang mukha ng guro at saka nya ibinaling ang paningin sa mukha ng kaibigang ang mga labi ay nakangiti sa kanya.

"Mr. Lopez, Dan," sinuklian sila ni Sally ng ngiti. "Nakita ko kayo. Naramdaman ko kayo pero hindi ko marinig ang mga pinag-uusapan nyo. Nakikita ko kayo pero ang tanging naririnig ko ay parang tunog na nanggagaling sa loob ng shell."

"Tapos na, Sally. Pinalaya ka na nya."

"Si Diane. Tama ako, si Diane sya, di ba?"

"Siya nga," sagot ni Mr. Lopez. "Ang mahal kong si Diane."

"Pero bakit ako sinaniban ni Diane? Ilang taon pa lang nandito sya," tinuturo ng nanlalambot niyang kamay ang dibdib nya. "Dito, kasama ko, pero hindi ko alam. Kanina,  kinakausap ko siya sa panaginip ko pero kinawayan nya lang ako at nagpasalamat siya."

"Pero dapat ka ring magpasalamat sa kanya, Sally," dagdag ni Dan.

"Bakit? Paano napunta sa akin si Diane? Bakit ako?"

Ngumiti lang ang apat na taong nakapaligid sa dalaga. Walang nagsimulang magkwento. Pinindot ni Prince ang play button ng recorder.

At nagsimula nitong iparinig sa dalaga ang mga nangyari mula ng makatulog ito.

*"Dan, hindi ko pa sinasara ang pintuan ng warehouse, alam kong may hinihintay ka pa."

"Hindi ako sigurado kung pinaniwalaan nya ako pero sana dumating sya. Mula rito hanggang sa katapusan, kailangan nyang marinig at masakshihan."

*Apat na minutong tahimik ang buong recordings.

*"Tanda, anong nangyayari?" ani Dan.

"Ang espiritung namamahay at ang tunay na may-ari ng katawan ay nagtatalo, may hinihingi siya. Hinahanap niya ang kapiraso ng kaluluwa niya."

"Ano pong ibig nyong sabihin, Lo?"

"Hindi maibigay ni Sally ang hinihiling ng babae at hindi pa rin binubuksan ni Sally ang pinto. Nararamdaman kong hinahanap ng babae ang kalahati ng kaluluwa nya. Isa siyang mapanakit na espiritu dahil hindi sya buo. Para lang siyang isang utak na walang memorya at walang sariling disposisyon. Delikado ito. Kailangan natin syang gisingin."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon