THE QUESTIONS
"Pero paano mo sila napatay?" nakaluhod na lumuluha si Sally. "Si Ms. Ochoa, paano mo siya napatay? Magkasama tayo noon buong araw, hindi ba?"
Napangiti na lang ang binata habang lumuluha ng dugo ang kanyang mga mata, "Lumabas ako habang natutulog ka."
"Hindi totoo yan, Dan. Hindi maaari," umiiling si Sally at hindi makapaniwala. Pinagpapawisan siya.
"Anak, Sally, gumising ka," bahagyang inugoy ng kanyang ina ang katawan ni Sally habang hawak ang kanyang kanang kamay. "Gumising ka na."
Iminulat ni Sally ang kanyang mga mata. Tila minamasdan pa niya ang puting paligid. Tinatantya niya kung nananaginip pa rin siya o nasa realidad na. Nang mapagwari niya, napansin niya kaagad ang kanyang ina na nakaupo sa kanan niya at malapit sa ginang, nakatayo ang binata, si Dan.
Niyakap ni Sally ang ina habang nakatingin ito kay Dan at nakangiti. "Dan, sabihin mo, bangungot lang lahat di ba, panaginip lang," aniya na naghahabol pa ng hininga. "Hindi ikaw ang pumatay kay Mr. Torres at Mr. Lopez, hindi ba?"
Muntik namang matawa si Dan.
"Anu bang sinasabi mo anak? Si Dan at Mr. Lopez nga ang naghatid sa'yo dito sa hospital ng himatayin ka."
"Ou nga pala," tila naalala ni Sally ang hangganan ng realidad at ng panaginip niya. Kinakapa-kapa niya ang kumikirot na bukol sa may ulo likurang bahagi ng ulo niya. "Si Mr. Torres, ano na ang nangyari sa kanya?"
"Kinuryente ko kaya natahimik sa pagwawala," nahihiya pang banggitin ng binata ang ginawa niya dahil medyo marahas.
"Kinuryente mo? Tapos?"
"Ou, ng stun gun pero may malay na siya kaso--"
"Kaso ano?" tanong ng dalaga.
"Tuluyan na siyang nasiraan ng bait. Paulit ulit ang sinasabi niya. Minsan tatawa, tapos iiyak, tapos matatakot. Kinuha na siya ng mga pulis at maaaring ibigay sa kustodiya ng hospital para sa may deperensya sa utak."
"Salamat, Dan, panaginip lang nga."
"Oh paano, lalabas muna ako," singgit naman ng nanay ni Sally. "Ibibili lang kita anak ng pakain at maganda ay yung mainit at mabigat sa tyan."
"Tita, ako na lang po kayang bumili?" presinta naman ni Dan.
"Naku mga anak, ako na lang, at magkwentuhan lang kayo diyan."
Pag-alis ng nanay niya. Biglang niyakap ni Sally si Dan na muntik ng ikapatid ng dextrose na nakaturok sa pulso niya. Nabigla rin si Dan.
"Masaya ko, Dan, alam kong kahit kailan hindi mo magagawang pumatay," mabilis din niyang tinanggal ang pagkayakap sa binata. "Uy, sorry, nabigla lang ako, masaya kasi talaga ko."
Ikinuwento naman ni Sally ang panaginip niya.
"Paano ka naman nakasiguro na hindi ako angpumapatay sa kanila?" tanong ni Dan habang tinitingnan ng masama si Sally. Ang mga titig niya ay tila titig ng isang kriminal.
Sinampal siya bigla ni Sally. Matunog pero mahina lang, naglalambing. "Hoy ikaw, Mr. Dan Gonzaga, hindi mo na ko madadaan sa mga kalokohan mo."
"Hahaha. Pero seryoso, Sally, paano kung ako pala ang murderer?"
"Basta alam ko, nararamdaman ko," namula ang pisngi niya. "May tiwala ako sa iyo, Dan."
"Aysus ginoo," ani Dan. "Binobola mo pa ako. Hahaha."
"Haha. Nagpabola ka naman."
"Teka!" may naalala si Dan. "May gusto pa akong itanong sa iyo. Anong--"
"Oops!" pambibitin ni Sally. "May tanong din ako sa'yo, Dan?"
"Sige na nga mauna ka nang magtanong."
"Haha. Dapat lang. Dan, di ba sabi mo galing sa ate mo ang dream catcher na suot mo? Anong pangalan ng ate mo?"
"Oh, kala ko ba may tiwala ka sa akin? Bakit parang affected ka pa rin sa panaginip mo?"
"Hindi sa ganoon," sumandal muli ang dalaga sa unan niya. "Gusto ko lang malaman, pwde ba?"
"Chelai ang nickname ni ate. Rachelle Gonzaga ang totoo niyang pangalan."
"Ahh..." tanging nasambit ni Sally at ipinikit ang kanyang mga mata.
"Sally, wag kang madaya. Wag ka munang matulog, may itatanong pa ako."
"Hindi ako matutulog, Dan, pipikit lang ako. Sige lang magtanong ka lang pero pwde mo ba ako pagtalop ng mansanas habang nagtatanong ka?"
"Sige, ayos lang," kinuha ni Dan ang mansanas sa basket at hinugasan sa mangkok na may malamig na tubig. "Nung gabi na pinatawag ko sa'yo si Mr. Lopez, bakit natagalan kang hanapin at tawagin siya?" sinimulan ng balatan ng binata ang mansanas. "Saka bakit ka nasa isang tabi at nakaupong walang malay? Akala naman ni Mr. Lopez ay natutulog ka pero napansin namin kaagad ang malaking bukol sa likod ng ulo mo," tinanggalan niya ng buto ang prutas. Inipon niya sa isang plastic ang balat at ang tinanggal na buto. "Sa posisyon at laki ng bukol mo, hindi ka lang basta nadulas. Sa deduction ko, may pumalo sa iyo ng matigas na bagay pero bago siya umalis, inayos ka niya ng pagkaupo sa isang tabi para magmukha kang natutulog," iniabot niya sa kaibigan ang talop at nakahiwang mansanas na nasa isang platito. "Kilala mo ba kung sinong gumawa sa iyo nun Sally?"
Hindi inabot ng dalaga ang inaabot ng binata.
"Sally?"
"Nakatulog na," tanging nasambit ni Dan.
Next Chapter po, The Patient. kindly, hintay-hintay na lang po sa update.
BINABASA MO ANG
Dreamcatcher [Yatnihihgan]
Misterio / SuspensoLanguage: Filipino | At the beginning of another academic year, Dan and Sally with their twisted fate will be involved in a series of murder where they initiated their own investigation to reveal the identity of the killer. As victims were strangled...