The Ghost

1.7K 30 8
  • Dedicated kay Kathleen Santos
                                    

THE GHOST

"Hoy! Tingnan n'yo oh, may classmate tayong Igorot. Sana nagbahag ka na rin. Pre, ang baduy mo. Uso ba sa tribo nyo 'yan?"

"Gothic na dreamcatcher ha."

"Pwede ba tumigil nga kayo?" pasigaw na pakiusap ng isang dalagang pula ang buhok. "Yan ba ang pagbati n'yo sa mga bago n'yong kakilala?"

Tiningnan lamang ng binata ang dalawang lalaking nanlalait sa kanya at hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Kahit nakaiinsulto na ang sinasabi sa kanya, nagtimpi siya hangga sa mapagod na rin at umalis ang mga bully.

"Buti na lang 'di mo sila pinatulan. Malaki lang ang katawan ng mga 'yon pero walang laman. Ako nga pala si Sally," pagpapakilala ng dalagang may pulang buhok.

Tumugon ang binata ng pabulong habang ang hintuturo ay nakadikit sa kanyang hintuturo, "Psss! Huwag kang maingay at may babaeng duguan na nakaupo sa silya susunod sa'yo."

Dahan-dahang tumingin ang dalaga sa tagiliran niya.

Waaah!

"Haha. Magugulatin ka pala," wika ng binatang tawa nang tawa habang pinaghahahampas siya ng ng dalaga ng hawak nitong notebook. "Dan ang pangalan ko."

"Grabe ka! Buti na lang wala akong sakit sa puso. Diyan ka na nga."

 Yun ang una at simpleng pagkakakilala nina Dan at Sally. Kapwa sila nga 1st year students. Kasisimula pa lang ng klase sa university. Kaya ang karamihan ay aligaga pa sa unang linggo sabayan pa ng magugulong class schedules.

Kinabukasan, suot pa rin ni Dan ang dreamcatcher. Pero tila wala nang pumapansin dito ngayon. Halos lahat ng mga tao sa paaralan ay may pinagkakaabalahan, kanya-kanyang usapan.

"Section I-B daw," wika ng isa sa dalawang estudyanteng nadaanan niyang nag-uusap.

"Dan! Dan!" sigaw ni Sally na tila takot na takot. "Alam mo na ba ang balita? 'yung dalawa nating kaklase na nag-aasar sa'yo kahapon, natagpuan silang patay sa CR."

Tila nanghilakbot siya ng marinig ang malagim na balita. Pinuntahan nila ang lugar ng pagpatay subalit sinusuri  na ng mga pulis ang mga bangkay at ang paligid.

"Member pala sila ng frat baka daw napagtripan ng kalabang grupo."

"Hindi!"

Mabilis na pagsalungat ng binata na tila may naalala. "Kagabi, napanaginipan ko sila. May babae—isang babae—inuntog sila sa pader ng babae.

"Ayan ka na naman. Tinatakot mo na naman ako."

"Hindi ako nagbibiro. Kagabi rin si Mr. Ramiro De Quiros, pagkakalam ko ay guro siya ng mga second year, napanaginipan ko na siya naman ang pinatay ng babae."

"Naku! 'Wag kang magbiro ng ganyan ha. Kinikilabutan tuloy ako."

Nang sumunod na araw, huli nang nakapasok sa paaralan si Dan dahil hindi naging maganda para sa kanya ang nakalipas na gabi. Malayo pa lamang siya sa paaralan ay natanaw na niya si Sally na tila balisang naghihintay sa unahang gate.

"Dan, baka hindi ka makapaniwala," garalgal ang tinig ni Sally. "Si Mr. De Quiros, patay na. Nakikita mo ba talaga ang mga mangyayari?"

Napalingon sa kanila si Mr. Felisimo Torres, isa sa mga guro.

Tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga dahil sa lakas ng kanyang boses. Dinala siya nito sa lugar na medyo malayo sa karamihan.

"Sinasabi ko na sa'yo, hindi ba? Pinapatay sila ng babae."

"Sinong babae?"

"Hindi ko kilala."

"Sinong susunod niyang papatayin?"

"Ewan, hindi ko maalala ang panaginip ko kagabi."

Sa mga sinabi ng binata ay tila napaniwala niya si Sally pero na roon pa rin ang tanong kung sino nga ba ang susunod na mamamatay.

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon