THE PURIFIED
Nung gabing yon, dumating si Keith kasama ang dadi nya at ilang mga pulis. Sa balikat tinamaan ng umasintang pulis ang baliw.
Nang makita ni Sally si Keith, niyakap nya itong mahigpit. Napansin ng kaibigan na bumalik na ang itim na buhok ni Sally. Yumakap din sa kanila si Prince.
Kaagad nilapatan ng gamot at benda ang sugat ni Dan. Kaagad din itinakbo sa ospital si Mr. Lopez. Dinala rin sa ospital ang gurong nasiraan ng ulo ngunit pumanaw din ito ng sumunod na umaga.
Makalipas ang dalawang araw, ipinahukay ni Mr. Lopez ang paligid ng flag pole ng paaralan at doon natagpuan ang mga buto ni Diane. Mabilis na kumalat ang balita hinggil dito. Kagyat na umaksyon ang mga magulang at ang pamunuan ng paaralan para isantabi ang ginagawang pagtitipid at muling magtalaga ng mga bantay sa paaralan upang siguraduhin ang seguridad ng mga mag-aaral.
Nakiramay ang lahat ng nakarinig ng istorya ni Diane. Kasama ni Dan at Sally, Prince at Keith, binigyan ni Mr. Lopez at ng mga magulang ni Diane ng desenteng libing ang mga labi.
Matapos ang libing, dumating ang mga pulis para arestuhin si Mr. Lopez.
"Dan, pwede bang hingin ko na sa iyo ang dream catcher?" wika ng lalaki sa binata bago pa siya iposas.
"Sa iyo naman talaga to, sir," tumango siya at iniabot sa lalaki ang puting dream catcher. "Sana po magkakilala muli kayo ni Diane."
Ngumiti nang may pag-asa ang lalaki. "At sana, Dan, ingatan mo ang babaeng mahalaga sayo. Wag kang pumayag na paiyakin sya ninuman at saktan sya ninuman. Protektahan mo siya, Dan."
Isinuko ng lalaki ang sarili bilang salarin sa pagpatay kay Ms. Ochoa kasabay ng pag-ako sa pagpatay kay Mr. de Quiros at Mr. Espino upang linisin ang pangalan ni Sally na inosente at naging biktima lang din ng mga nangyari.
Makalipas ang isang buwan, sinamahan ni Dan si Sally sa ospital para sa muli nitong pagpapacheck-up.
"Oy ikaw ha," may naalala si Sally habang naglalakad sila papasok ng ospital. "Sinong pinag-uusapan nyo ni Mr. Lopez noon na babaeng mahalaga sa'yo?"
"A-Ah, yun ba. Wala man."
"Ikaw ha. Di ka man lang nagkukwento sa'kin."
"Manhid," pabulong na napagkakasabi ng binata.
"Sinong manhid?" tinaasan nya ng kilay ang kausap kahit na namumula na ang mga pisngi niya sa kilig.
"Ikaw!"
Biglang tumigil sa paglalakad ang dalaga at tumingin kay Dan.
"Oh, sorry na, biro lang," sabi ng binata sa pag-aakalang masasampal siya ng dalaga.
"Dito sa mismong kinatatayuan natin ngayon, Dan," tugon sa kanya ni Sally. "Malungkot ako nung gabing yun. Nasa wheel chair ako at tumakas sa room ko para magpahangin sa patio ng hospital.
Nasagi ako ng isang babae dahil sa pagmamadali niya. Balisang-balisa siya at tila takot pero huminto siya para humingi ng pasensya at tanungin kung okey lang ako.
Sinabi ko sa kanya ang sakit ko at sinabi nyang magkapareho kami ng dugo. Nangako siya na kinabukasan babalik siya para magdonate. Nagmamadali siya at hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
Natuwa ako ng mag-offer sya ng tulong pero hindi na ko umaasa. Para saan pa kung alam kong huling araw na ng taning ko noong gabi na yon."
"At bumalik sya, Sally, tulad ng ipinangako niya."
"Ou, salamat ng malaki, Diane,
at salamat din ng malaki sa'yo, Dan."
Narinig ito ni Dan pero hindi sya tumugon. Alam nyang Dan at hindi na Diane ang ikalawang pangalang binangit ng nagpapasalamat. Napapangiti siya pero sinadya niyang pinigilang ipakita sa kaharap, "Ano yun, Sally, pakiulit?"
"Sabi ko, di baleng manhid kesa binge!" inis na wika ng dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/3409212-288-k111157.jpg)
BINABASA MO ANG
Dreamcatcher [Yatnihihgan]
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino | At the beginning of another academic year, Dan and Sally with their twisted fate will be involved in a series of murder where they initiated their own investigation to reveal the identity of the killer. As victims were strangled...