The Warning

628 23 8
                                    

THE WARNING

Agad na dinala ni Dan kay Sally ang mga detalyeng nakuha niya.

"Kung ganoon, tama ang hinala natin, Dan, nawawala nga si Diane. Pero hindi pa rin natin alam kung buhay pa sya o patay na. At kailangan nating maikonekta sya sa mga biktima na nangamatay."

"Tama, pero bago yun, bakit hindi ka pa rin nakakalabas?"

"Okey lang, Dan, hindi naman ako pinababayaan ni mama at parang di naman talaga ko nakakulong lalo't kulang pa ko sa edad. Baka bukas naman ma-approve na rin ang piyansa ko. Pero sa totoo lang, Dan, napabuti na rin tong nangyari sa akin at nalaman ko ang takbo ng imbestigasyon," optimistikong wika ni Sally.

"Tulad ng ano, Sally?"

"Alam mo bang sa pagsusuri nila, malaking posibilidad na dalawang tao ang pumapatay. Ang pagkamatay daw kasi nung apat na lakaki ay may pareparehong istilo, pagsakal, maliban kay Ms. Ochoa na may tarak sa dibdib."

"Kung ganoon, mas lalo pang naging kumpikado."

"Ou, pero ang nakakatawa dun, yung dalawang bully, at si Mr. De Quiros at Mr. Espinos, ayon mismo sa imbestigasyon nila, ay pinatay gamit lang ang mga kamay. Kaya nga kahit di na ko magpyansa, sabi ni attorney. Apat na lalaki na lahat pinatay sa sakal ng kamay, malabong magawa ko yun. Para makapatay ka ng isang lalaki, gamit lang ang kamay para pansakal, kailangan mong maging ubod ng lakas."

Yun ang naging pag-uusap nina Dan at Sally bago dumating ang abogado niya. Kailangan munang kausapin ng abogado si Sally kaya lumabas pansamantala ng presinto si Dan para magpahangin.

Nasa tindahan si Dan na nasa tapat ng presinto ng may dumaang babaeng nakapandamit muslim sa harap niya. Nagmamadali ito. Napansin ni Dan na nahulog ang pitaka nito.

"Miss, yung pitaka nyo," tinawag sya ni Dan ngunit ang babae ay nagpatuloy lang sa paglakad.

Sa pag-aakalang hindi sya narinig, hinabol ni Dan ang babae, "Miss, sandali, nahulog nyo yung pitaka nyo."

Hindi talaga sya nililingon ng babae. Direderecho lang ito maglakad habang nakasunod naman si Dan. Malayo-layo na sila sa presinto nang huminto ang babae.

"Miss, heto oh, nalalagyan nyo po ang pitaka nyo."

"Hindi ko yan pitaka," pamilyar ang boses ng babae. "Kung gusto mo, bakit hindi mo buksan?"

Binuksan naman ni Dan ang pitaka. Tanging mga lumang barya at isang puting nakatiklop na papel ang laman nito. Kinuha nya at iniladlad ang papel, para lang mabasa ang mga katagang:

++Mag-ingat ka kay Sally. Hindi mo pa siya lubusang kilala. Kung gusto mong malaman ang katotohanan, sumunod ka.++

Matapos basahin ni Dan ang sulat, nakalayo na sa kanya ang babae. Sa isip ni Dan, inakala nyang si Keith ang babae, lalo pa at pamilyar sa kanya ang boses nito.

Dahil nakalayo na ang babae, tumakbo si Dan para maabutan ang misteryosang taong balot ng damit ang buong katawan.

"Sandali," hingal si Dan nang mahawakan ang balikat ng babae. "Anong alam mo kay Sally?"

"Si Sally ay demonyo

"Ano?" gulat at malakas na tanong ng binata.

"May isa syang katauhan na hindi mo pa nakikita," wika ng babae na inilalayo ang mga mata sa kausap. "Kaya mag-ingat ka sa kanya."

"Pakana mo na naman ba ito Keith? Alam ko ikaw si Kieth," malakas pa ring pagkasabi ni Dan.

"Mali ka, Dan, hindi ako si Keith," tinaggal ng babae ang telang tumatakip sa mukha niya.

"Ikaw?" gulat na wika ni Dan. "Ano bang nangyari sayo? Ang sabi ng lolo mo nawawala ka."

"Ako ang testigo. Ako ang tumestigo laban kay Sally. Kitang-kita ko lahat kung paano pinatay si Mr. Espino."

"Hindi," pagkontra ng binata. "Hindi, totoo yan."

"Dan, dalawa lang pagpipiliin mo -- ang paniwalaan ako o paniwalaan si Sally."

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon