The Enemy

869 25 7
                                        


THE ENEMY

"Classmates, alam nyo na ba ang balita?" sigaw ni Prince (babae), ang presidente ng klase, habang nasa harap.

"Ou, kalat na. Kagabi pa yan kumakalat sa facebook group ng school."

"Teka, bakit parang hindi ko alam yan?"

"Tanga lang? As in, di mo alam?"

"Tungkol ba yan sa misteryong nagaganap sa skul?"

"Dun sa pumatay sa mga teacher natin?"

"May lead na ba ang pulisya?"

"Nagtanong ka pa. As usual, wala. Kaya nga pulis ang tawag, di ba? Pulis means mabagal, bobo, tamad at walang-kwenta?"

"Tama ka dyan. Kung si Detective Conan sana yun," sabay tawang may pagkasarkastiko

"Wala pa pero ang sabi outside school affair naman daw ang motibo kaya nga may pasok pa rin tayo."

"Sabi pa, hindi daw tayo dapat mabahala," dagdag ng isa sa mga estudyante.

"Hello? Hindi mabahala. Ikaw kayang makita mo si Ms. Ochoa na naliligo sa sarili niyang dugo. Tapos si Mr. De Quiros at yung dalawang salot, sinakal. Kung di patay, nabaliw naman yung isa."

"Nagda-drugs daw si Sir Torres kaya nabaliw."

"Ay, kawawa naman siya."

"Nagdu-drugs tapos naawa ka pa?"

"Naawa ka pa diyan pero deep inside nagdidiwang ka dahil walang klase. Mga isang buwan pa bago tayo bumalik sa normal schedule nyan."

Halo-halong usapan. Iba-ibang kuro-kuro ang naglalabasan matapos ang mga insidenteng nangyari sa loob ng paaralan. Si Sally na kalalabas lang ng hospital ay nakaupo sa kanyang desk, katabi ni Dan. Pareho silang kapwa walang pakialam sa mga usap-usapan dahil kapwa rin nila batid na mas marami silang nalalaman tungkol sa mga nangyayari higit kaninuman.

"Teka nga!" sigaw ni Prince na pinukpok pa ang mesa. "Hindi iyon ang tinatatanong ko. Maghunos dili kayo mga classmates. Konting hinahon."

"Ano ba kasing balita yang nasagap mo, Prince? Alam mo naman isa lang ang balita dito sa school at yun ay ang patayan."

"Yun na nga. Kung yun ang tinutukoy ko, magtatanong pa ba ko?" pagtataray ni Prince habang nakataas pa ang kilay.

"To make this all short, may bago tayong kaklase. Kahapon pa siya pumasok pero dahil lahat kayo tamad at ako lang ang nandito sa school, ako lang ang naaabutan nya dito sa classroom."

"Ows? Sino naman yan?" usisa ng marami.

"Galing siya sa isang bonggang university. Sa isang exclusive, all-girls school sa Manila. Maya-maya lang makikilala nyo siya." Nang marinig ni Sally ang sinabi ni Prince, bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang ballpen na nasa kamay niya. Hindi pa ito napansin ni Dan na abala naman sa pagbabasa.

"Oh, bakit siya napadpad dito?" patuloy ang natanungan tungkol sa bagong mag-aaral.

"Oh well, dahil sisters na kami at marami na akong alam sa kanya may konting info ako sa inyo at magugulat kayo dahil pamilyar ang mukha niya."

"Bakit mukha bang kriminal? Baka yan yung mamamatay-guro dito."

Sa mismong pagkasabi ng mga hinala na yun, isang dalaga ang lumitaw sa may pintuan. Maganda siya at kulay asul ang kulay ng buhok. Kung itatabi kay Sally, aakalain mong magkapatid sila -- o maaari ring kambal na may magkaibang kulay na buhok.

"Si Sally?"

"Teka, nandito si Sally ha."

"May kakambal ba si Sally? Kahawig nya, di ba? Magkaiba lang ng kulay ng buhok."

Nagulat ang buong klase. Maging si Dan na kanina pa tahimik ay napaaming magkahawig sina Sally at ang bago nilang kamag-aral.
Biglang tumayo si Sally at ang mga mata niya ay singpula ng kanyang mga buhok.

"Bakit mo pa ba ko sinundan dito?" pasigaw at inis na tanong ni Sally.
Dahan-dahan nama'y lumapit sa kanya ang dalagang nagmula sa pinto.

"Hindi ka ba masaya na nandito na ko? Masaya daw sa school na to kaya lumipat ako. Ikaw? Bakit ka nandito, Evil Sally?"

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, bruha ka?"

"Sabi mo ulitin ko? Okay. E-VIL SA-LLY.'

Nagpantig ang tenga ng dalaga. Akma na sana niyang sasaktan ang kausap gamit ang ballpen na hawak niya ngunit maagap syang napigilan ni Dan.

Ngunit mabilis ang kabilang kamay ni Sally at agad itong nakadapo sa pisngi ng kasagutan.

"Kung evil ako, anong tawag mo sayo? Anghel? Anghel na ahas?"

"Ou, isa akong ahas at marunong ako kumagat ng buntot ng kapwa ko ahas!" sagot niya kasabay ng ganting pagsampal niya kay Sally.

Bahagyang napaatras si Sally dahil sa lakas ng ganti ng dalaga. Ngunit agad silang pinigilan ni Dan. Agad ay inilayo ni Dan ang kaibigan.

Nagpalakpakan naman ang buong klase na parang nakapanuod ng eksena ni Maja at Kim Chiu.

"Ang galing! Pang best actress," kantyaw ng mga kamag-aral nila.

"Parang sisipagin akong pumasok nito. Matapos ang patayan, ngayon naman sampalan," dagdag pa ng miron.

Nang hapon din yun na napag-isa ang magkaibigan. Nalaman ni Dan kung sino talaga ang bago nilang kamag-aral.

"Siya si Keith. Matalik kong kaibigan mula pa mga bata kami," pagbubunyag ni Sally. "Pero traydor sya, Dan. Marami ng beses akong napahamak dahil sa kanya."

"Ganoon ba. Kaya pala ganoon na lang din katindi ang galit mo sa kanya," pakikisimpatya ng binata. "Pero sa totoo lang, Sally, akala ko ay kakambal mo siya o kapatid."

"Isa lang akong anak," tugon naman ng dalaga. "At di ko papangaraping maging kapatid sya."

"Pero bakit kayo sobrang magkahawig?"

Inilayo niya ang tingin sa binata at matagal din bago sya sumagot.

"Dahil bruha sya, Dan. She's more evil than me. No -- she's the evilest. She's a witch!"

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon