The Contrast

1K 23 3
                                    

THE CONTRAST

Ilang beses pang sinubukan ni Dan na paganahin ang laptop ngunit hindi na ito gumana pa. Dahil dito, nagpasya si Sally na ang binata naman ang imbitahin niya sa kanilang bahay.

Inis si Dan na umalis ng bahay dahil sa pagkasira ng gamit niya lalo pa sa isang importanteng pagkakataon na iyon. Ngunit, nabura ang inis niya ng makarating sa harapan ng bahay nila Sally.

"Ang laki ng bahay nyo. Mansion," lulang-lula si Dan. "Dito ka ba talaga nakatira?"

"Ou, Dan, anong akala mo trespassers lang tayo dito?"

"Pambihira, di ko akalaing ganito kayo kayaman, Sally. Pag nasa labas ka low profile ka lang. Walang kotse. Walang gadget."

"Ganun talaga dapat, Dan, para hindi ka maholdap," sabay tawa ng mahinhin.

Binati sila ng katulong ng makapasok sa bahay. Nangingimi pa si Dan na tumuloy.

"Ma, nakabalik na ko," sigaw ni Sally. "Kasama ko si Dan. Mag-iinternet lang kami para sa project namin."

"Welcome home, anak," sagot naman ng ina. 

Agad silang nagtungo sa library ng bahay at agad ding nag-online para mabasa ang sagot ng ate.

Chelai: Wala na kong masyadong maalala, Dan.

Chelai: O sige, bro. matutulog na ko. wag pasaway para hindi kami masyado nag-aalala sayo nila mama.

Chelai: Nga pala, sa drawer ko, sa jewelry box kunin mo yung dream catcher na puti. Makibigay mo kay Lio. Naiwan nya yun dati, itinabi ko kaso hindi na kami nagkita ulit. Makisauli mo na lang. Ingat lagi, bro.

"Yun lang?" sambit ni Sally. "Mag-message ka pa, Dan. Pilitin mo si ate mo baka may maalala pa sya tungkol kay Diane."

Ngunit hindi kaagad tumugon si Dan na tila ba may naglaro sa isip nya, "Hindi na muna siguro, Sally, baka anu pang isipin ni ate at lubha pang mag-alala."

"It's fine," pag sang-ayon ng dalaga. "Nauunawaan ko, Dan. Ang importante alam na nating malaki ang involvement dito ni Mr. Lopez."

Hangga sa makababa na sila sa pool side ay malalim pa rin ang iniisip ni Dan.

"Kailangan nating gumawa ng plano kung pano tayo mas makakapiga ng sagot kay Mr. Lopez," habang nakaupong katabi ni Dan, ani Sally. Napansin naman niyang tulala si Dan. "Uy! kanina ka pa wala sa sarili ha. May problema ba?"

"Ah, wala," umiiling siya ngunit halata namang may gumugulo sa isip nya.

"Dan, kung may kinalaman yan sa misteryong nilulutas natin, bakit di mo sabihin baka makatulong ako."

"Ganito kasi yun. Sa totoo lang, Sally, question mark sa'kin yung mga huling sinabi ni ate."

"Alin yun? Yung pinasasauli niyang dream catcher?" sambit ng dalaga. "Teka, wag mong sabihing..."

"Ou, heto nga yon," inilabas niya ang kwintas na nakatago sa loob ng kanya damit. "Kinuha ko ito ng walang paalam at isinuot."

"Kung ganoon, kay Mr. Lopez yan?"

"Posible," sagot ni Dan. "pero itim ito at hindi puti. Magkasalungat ang kulay nila. Ang sabi ate, puti ang dream catcher."

"Baka hindi yan ang tinukoy ng ate mo."

"Sigurado ko, heto lang ang nag-iisang dream catcher sa drawer ni ate."

"Baka nagkamali lang si ate mo."

"Sana nga, Sally," aniya. "dahil yun talaga ang gumugulo sa isip  ko."

"Kung ba ibang dream catcher yan, anong mangyayari?"

"Ibig sabihin, mayroon pang isang dream catcher."

Siya namang pagdating ng mama ni Sally kasama ang isa sa mga katulong na may dalang box ng pizza at malamig na inumin.

"Oh, kumain muna kayo," bumaling ang mama niya kay Dan. "Oh iho, feel at home. Si Sally madalang lang yan magdala ng kaibigan dito sa bahay."

"Ganoon po ba? Salamat po sa miryenda, tita."

"Naku, ou, nung hiskul sya, ang lagi nya lang dinadala dito, yung kaibigan niyang si Keith Ann..."

"Ma, please," sabad ni Sally. "Ayoko nang marinig ang pangalan na yon."

"Naku, baby, sorry. Nadulas lang si mama at masaya lang ako at nandito si Dan," nakaupo siya sa tabi ni Sally at inayos pa ang pulang buhok ng anak. "Maiwan ko na rin kayo, magkwentuhan lang kayo dyan. Basta ikaw, iho, lagi kang welcome dito sa bahay."

Muling napag-isa ang magkaibigan. Panandalian ay nagkakwentuhan sila sa mga personal nilang buhay, panandaliang malayo sa misteryong hinahanapan nila ng mga nawawalang piraso.

"Alam mo, Sally, may gusto kong sabihin sa'yo," biglang naging seryoso ang takbo ng usapan.

"Naku ha, Dan, ilang araw pa lang tayong magkasama, wag mong sabihing nahuhulog ka na sakin," sabay ang pilyang tawa.

"Loko-loko," pabiro namang tugon ng kaibigan. "May kinalaman to Dream catcher case."

"Ako rin, Dan, may gustong sabihin sayo."

"Nahuhulog ka na rin sakin?"

"Yii anu ba? Seryoso na," tapos ay tumahimik sandali na parang nirehearse ang sasabihin. "Dan, nung makita ko yung picture ni Diane sa class picture, may bumalik sa aking alaala na parang nakita ko na sya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan."

"Sigurado ka ba? Baka nakasalubong mo lang dati. Limang taon na rin syang nawawala."

"Hindi naman natin alam kung talagang nawawala sya, di ba, lalo't ang pagkakasabi lang ni ate mo, nag-stop lang sya o nag-transfer."

"May punto ka. Saka kung nawala man sya, siguradong may maghahanap sa kanya. Maliban kung wala na siyang pamilya."

"O kung may nagtatakip ng kasong yun. Ibig kong sabihin ay kung may mga taong sadyang naglilim ng mga detalye sa totoong nangyari kay Diane, tulad ni Mr. Lopez" dagdag ni Sally. "Isa pa," pagpapatuloy niya. "di ba may posibilidad na patay na si Diane kaya nagpapakita lang siya sa panaginip natin.

"Siya kaya ang babaeng puti ang buhok na parehong nagpapakita satin?"

"Panu kung sya nga yon? May gusto ba syang iparating satin?" tanong ni Sally na hindi tiyak ang kasagutan. "Ou nga pala, Dan, ano yung gusto mong sabihin?"

"Si Mr. Espino -- siya ang susunod na mamamatay."

Next Chapter: The Arrest

Maki-add na rin po sa reading list nyo yung work ko na "Death by Tablea".  Thank you!

Dreamcatcher [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon