Letter no.9

693 22 2
                                    

Chapter 9: Designer
--
Yvone's POV:

Crissa Ronie Fernandez.

Yan ang nakita kong pangalan sa ibabaw nang table niya. Napatingin ako sa mga furnitures nang opisina niya. Like I said, I like her design. Pareho kami nang taste, and I think hindi na ako mahihirapang sabihin sa kanya kung ano ang gusto kong design sa Gown ko.

"You're so Gorgeous, Crissa. Kaya tinawag kang campus princess noon eh." Sabi ni Kaila na nakaupo na sa sofa, katabi si Dianna. Napaupo nalang din ako sa sofa, habang nakatingin kay Crissa na nakangiting kumukutaw nang Juice.

"I've heard a lot from you, Kaila. May wourld tour ka daw?" Sabi ni Crissa at inilapag ang pitsel na may juice. Pumasok naman ang assistant niya na humarang sa amin kanina na may dalang baso. Inilagay niya ang baso sa table. Pagkatapos ay umalis na siya at iniwan kaming apat sa loob.

"Oh, yeah." Nakangiting sabi ni Kaila. Nanahimik nalang ako habang pinagmamasdan sila. Hindi na lingid ka kaalaman kong magaling makipag-entertain sa ibang tao si Kaila. Simula pa namang pagkabata, siya na ang naging dila ko eh. Yung tipong pag hindi ako makakapagsalita, nandyan siya para siya ang magsabi sa mga bagay na gusto kong sabihin. You know, shy type ako.

"Also you, Dianna. I've heard babalik ka sa london next year." Sabi ni Crissa.

"Yes. I have left unfinished works, there." Sabi ni Dianna at uminon nang juice. Bakit ganon? Feel ko Out of place ako sa tatlo? Nabaling naman ang tingin ni Crissa sa akin at ngumiti. Napalunok naman ako. Problema niya? Pero imbes na tarayan siya, nginitian ko nalang siya.

"Yvone. I also heard na ang resturant mo raw ang hinahanap-hanap nang mga negosyante at mga mayayaman. I also heard na, you are one of the best chief in the world" sabi ni Crissa. Bakit ganon, ang dami niyang alam tungkol sa amin, pero sa kanya wala naman. Ako lang ba ang walang alam tungkol sa kanya or pati rin sila Dianna?

"Haha. Yeah" sabi ko nalang at uminom din nang juice. Ang akward kaya. Di kami close tapos mag-uusap kami. Napangiti lang siya. Napansin ko ang pendant nang kwintas niya, ito ay letter 'K&C' nasa loob ito nang shape na heart. It is full of diamond stones. Kung hindi ako nagkakamali, mahal ang kwintas na iyan. Siguro, regalo iyan nang boyfriend niya.

Ang sweet naman. Sana ako rin! Hehehe. Hindi naman sa naiingit ako, pero di ba, pinangarap din naman natin nabibigyan tayo nang kwentas nang taong mahal natin. Kahit hindi man iyan kasing mahal nang kwintas ni Crissa atleast galing ito sa puso.

"So, why are you here?" Tanong ni Crissa. Napatingin ako kay Dianna na bumulong.

"Asked that bitch, beside you" bulong ni Dianna. Tignan mo, hilig niya siguro bumulong pero naririnig naman namin. Paminsan naiisip ko na, sinandya niya bang marinig ang binubulong niya or aksidente lang napalakas ang pagbulong niya. Pero, impossible naman na aksidente lang. Ano yun? Lagi nalang aksidente?

"Gusto kasi namin, na ikaw ang dumesenyo nang gown namin" sabi ni Kaila. Napatango naman si Crissa. Naalala ko dati, katabi ko si Crissa sa classroom. Pero rare lang kami mag-usap. Busy siya sa libro niya, busy din ako sa libro ko.

"So, kukunin ko muna ang notebook ko." Sabi ni Crissa.

"Sure" sabi ni Dianna. Tumayo si Crissa at pumunta sa table niya. Napatingin ako kay Kaila na chill lang nakaupo habang, si Dianna ay nakatingin sa Cellphone niya. Ano ba yan! Dapat kasama ko si Nanay Lori ngayon eh. Di ba sunday ngayon? So meaning family day. Wala naman kasi si mama at papa eh. Ang daya! Sila lang ang nagbakasyon habang ako, iniwan sa bahay.

Kung sa bagay, may trabaho rin naman ako. Wala pa akong free time para gumala, lalo na kami ang kinuha nila Tita Frushia para sa Party nila.

Speaking of Tita Frushia, hindi ba sila mag seset nang appointment sa akin? Paano nalang ang mga Putahe para sa party nila?

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon