Letter no.23

532 19 0
                                    

Chapter 23

The Trouble

"Sa tingin mo, bakit parang ganon nalang ang reaksyon ni Crissa ng nakita niya si Kevin?"tanong ni Kaila sa akin pagkapasok palang namin sa room dito sa hotel. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, dahil hindi ko naman talaga alam. Hindi nalang ako nakapagsalita dahil hindi parin ako makarecover sa nangyari kanina.

Simula ng bigkasin ni Crissa ang pangalan ni Kevin, madami ng tanong ang nabuo sa isipan ko. Kagaya ng bakit ganyan makareak si Crissa? Bakit si kevin lang ang napansin niya? Close ba sila noon? May relasyon ba sila? Pero ano naman ang pakealam ko kung may relasyon sila o may nakaraan sila? Wala naman ako sa lugar para magreklamo di ba? Kaibigan niya lang ako at hindi girlfriend para magreklamo. Napalunok nalang ako sa naisip ko.

Friend? Kailan pa? At Girlfriend? Talagang hindi mangyayari yun.

Aray ko bhe. Ang sakit non ah. Napaupo nalang ako sa queen sized bed na hihigaan naming tatlo. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin nalang ako kanila Dianna at kaila na nagchichikahan habang inaayos ang mga gamit nila. Pareho nila inipatong sa kama ang maleta nila at inisa-isa ito pinapalabas ang mga gamit nila sa maleta. Habang ako ay kahit isa, walang inilabas sa maleta ko.

"Maganda naman si Crissa e, hindi malayong magkakagusto si Kevs sa kanya" sabi ni Dianna habang tinutupi ng maayos ang isang V-neck shirt niya. Napatigil sa pag-aayos si Kaila at napatingin sa gawi ni Dianna. Parang sinaksak ng isang samurai ang puso ko ng narinig kong hindi malayo magkakagusto si kevin kay Crissa. Ngayong naririnig ko palang nga na may ibang magugustuhan si Kevin, hindi ko na nga kayang tanggapin, paano nalang kung mag dilang anghel itong si Dianna?

"Dianna!" Pangsasaway ni Kaila kay Dianna. Napatingin naman si Dianna kay kaila. Nakita ko kung paano pandilatan ng mata ni Kaila si Dianna na para bang may nagawa siyang kasalanan.Napakunot ng noo si Dianna dahil sa inasal ni Kaila at halatang hindi niya rin maintindihan ang pinapahiwatig neto.May binulong pa si Kaila kay Dianna na hindi ko narinig. Pagkatapos marinig ni Dianna ang sinabi ni Kaila na hindi ko naman alam kung ano, biglang napatingin si Dianna sa akin at napakagat ng labi.

Ngayon, ako naman ang napakunot ng noo dahil sa inakto ng dalawa. Para bang may sarili silang mundo at sila lang ang nagkakaintindihan.

"Ron, huwag mo ng pansinin yung sinabi ni Dianna kanina, okay? Alam naman natin na hindi ka ipagpapalit ni Kevin eh" wika ni Kaila. Napailing nalang ako sa sinabi niya. So, kaya pala ganon ang inakto nilang dalawa. Kasi akala nila na maapektohan ako. Syempre, tama ang hinala nila, naakpektohan nga ako. Paano nga? Paano kung magkagusto si kevin kay Crissa? Anong gagawin ko?

Ano ng dapat ang gawin ko? Hindi naman kami eh. So, he is free to love someone. Pero bushet lang, ang sakit lang ha.

Hindi na sila muli nagsalita pa, kaya dumeretso nalang ako sa Cr para mag sponge bath. Pero pagkapasok ko sa Cr, hindi ko magawang makakilos. Nakatingin lang ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Para akong walang ganang kumilos, dahil sa sinabi ni Dianna. Dahan-dahan akong lumapit sa salamin at tinignan ng maigi ang aking mukha.

"Maganda naman ako ah, sexy, sakto lang ang height. Tapos, maganda naman itong straight kong buhok, maganda din ang porma ng mata ko. May mahaba akong pilikmata at higit sa lahat, may matangos akong ilong at kissable na lips." Sabi ko habang nakatingin parin ako sa salamin. "So, hindi rin malayong magkakagusto siya sa akin, instead of Crissa, right?" Out of nowhere kong sabi. Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko ng marealize ko kung ano ang mga pinagsasabi ko.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon