Letter no.26

539 11 4
                                    

Chapter 26

The Song of hearts

"Gising na, Yvone!" Narinig kong boses habang niyuyugyug ang balikat ko. Hindi ko ito pinansin at tumalikod sa boses na iyun.

I want to sleep. I want to sleep. I'm tired.

"Letche, Yvone Veronica Sanchez! Bumangon ka na dyan dahil kakain ka na ng hapunan!" Bulyaw ni Kaila sa akin. Nakapikit ang mata ko habang kinukuha ko ang unan sa gilid ko. Nang nakuha ko na ito, hindi na ako nagdalawang isip pa, at inilagay ito sa ibabaw ng ulo ko para matakpan ang tenga ko. Gusto kong matulog! Ano ba ang hindi nila maintindihan doon?

Nanatali lang akong nakapikit hanggan sa nakarinig ako ng pagbuntong hininga ni Kaila. I smiled secretly nang narinig ko iyun. Okay na! Safe na ako! Hindi niya na ako guguluhin pa at makakatulog na ako ng matiwasay!

Akala ko ay magiging payapa na ang aking pagtulog, lalo na may narinig akong mga yapag paalis. Pero nagkakamali ako, wala pang ilang minuto akong nakapikit ay narinig ko na naman ang pag-aalburoto ni Kaila.

"Yvone! Bumangon ka na dyan! Nakita kong magkasama sila Kevin at Crissa" sigaw niya sa akin. Oh? Anong pake ko kung magkasama sila Kevin at Cris-- teka? Magkasama? Bakit? Saan?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng narealise ko kung ano ang pinapahayag ni Kaila sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at dali-daling napaupo.Tinignan ko si Kaila sa gilid ng kama na nakatayo habang nakapamewang pa.

"Anong ibig mong sabihin?" May halong pagkairita kong tanong sa kanya. Ewan ko ba, kung bakit ako naiirita! Nong narinig ko ang sinabi ni Kaila tungkol kanila Kevin at Crissa, kusa nalang tumaas ang dugo ko papunta sa ulo ko.

Alam kong wala akong karapatang magalit, pero... Kahit hindi ko man kagustuhan na maramdaman ito, nagagalit pa rin ako.

Nakita ko kung paano napangisi si Kaila ng narinig niya ang tanong ko. "Sabi ko na nga ba, eh. Yun ang magic word para magising si Sleeping beauty sa pagkakatulog niya. O sha, mag-ayos ka na at bumaba na, para makapaghapunan ka." Aniya at saka tumalikod sa akin. Nangunot ang noo ko dahil sa mga binitawang salita ni Kaila. Wait, anong ibig sabihin niya? Magic word? So, Ibig sabihin neto ay...

Bago pa ako makareact ay narinig kong humalakhak si Kaila bago niya pa naisara ang pintuan ng room namin.

Letche. Naisahan ako ng babaeng iyun ah. Huwag lang sana siya mag dilang anghel.

Kahit labag man sa kalooban ko ang tumayo, pinilit ko ang sarili kong makatayo. Buti nalang at hindi na kumikirot ang kanang paa ko. Ang galing talaga na doctor si Lawrence!

Pumunta ako sa banyo para mag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos sa loob ng banyo ay lumabas na ako. Aakmang maglalakad na ako patungo sa pintuan ng room namin, nang napansin ko ang DSLR sa gilid ng kama.

Uminit ang pisngi ko ng naalala ko kung ano ang mga litratong nandoon. Sana ng Photography nalang sila Dianna at Kaila! Ang galing din nilang kumuha ng mga larawan e. Hayaan mo, kukumbinsihin ko silang bigyan ako ng copy ng mga larawan namin ni Kevin.

Napailing nalang ako sa naisip kong kalokohan. Pero, speaking of Photography, nasaan si Kevin? Ngayon ko lang napagtanto na ako nalang pala mag-isa dito sa Room na ito. Ibig sabihin ay, naunang nagising si Kevin?

Malamang, kaya nga hindi ko siya nakita dito sa Room na ito, nong nagising ako di ba?

I wonder tuloy, kung nakatulog siya ng maayos. Eh, sa upuan lang naman siya natulog. Napasimangot ako sa naisip ko. I feel guilty. Sana man lang ay inimbita ko siyang matulog sa tabi ko. Kung sa tutuusin, siya ang pagod sa aming dalawa. Siya ang nagbuhat sa akin ng dalawang oras. At isa pa, ang laki kaya ng kama! Dalawang queen sized bed na pinagdugtong.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon