Letter no.17

584 22 5
                                    

Chapter 17: Don't go

Yvone's Pov:

Dali-dali kong inilagay ang mga cookies sa bowl. Pagkatapos non ay uminom muna ako nang tubig. Damn! Bakit ba, ganito nalang palagi ang epekto ni Kevin sa akin? Whenever he's around, my heart will skipped so fast.

Bumuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa daliri kong napaso kanina. Nilagyan ko na ito ngayon nang band-aid.

Binitbit ko ang bowl na may laman na mga cookies at naglakad papunta sa kwarto ni Dianna.

Nasa pintuan palang ako, narinig ko na ang bangayan nila Dianna at Kaila. Binuksan ko ang Pintuan. Bumungad sa akin si Kaila at Dianna na parehong may hawak na Cd. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakaupo sa kama ni Dianna, habang ang isa naman ay tahimik na naka-upo sa sofa.

Nakasuot na siya ngayon na V-neck t-shirt at short. Shitz! Mas lalo siyang pumogi! Napalunok nalang ako nang laway ko nang nagtama ang aming mata. Napaiwas nalang ako at pumunta sa table para ipalagay doon ang bowl.

"Cookies ba 'yan, Yvone?" Excited na tanong ni Lawrence. Tumango naman ako. Lumapit siya sa akin at kumuha nang isang kapirasong cookies. Kumagat siya tapos nag approve sign. Napailing nalang ako sa ginawa niya.

"Letchungas! Horror nalang kasi!" Sabi ni Kaila kay Dianna. Halata na nagagalit na si Kaila kay Dianna. Ganun rin naman si Dianna kay Kaila. Ewan ko ba kung paano sila naging magkaibigan. They both love to argue.

"Drama nalang kasi! Para maluluha tayo!" Sabi ni Dianna at napamewang. Napailing nalang ako sa dalawa. Inayos ko nalang ang mga chichirya.

"Tol, ang sarap nang cookies ni Yvone! Subukan mo dali! Walang cookie de yvone sa France! Only made in the Philippines!" Pagmamalaki ni Jason habang ngumunguya nang cookies na ginawa ko. Napatingin nalang ako sa lalaking sinabihan niya. Tinignan niya lang nang malamig si Jason. Pagkatapos non, ay pumukit siya.

Ayaw niya na ba sa cookies ko? Samantala noon, halos hindi niya na bigyan sila Lawrence kasi gusto niya, sa kanya lang yung cookies.

"Panira! Sineen zoned lang ako! Noon naman, ang damot neto sa cookes! Pambihira!" Dismayadong sabi ni Jason at tumabi nalang kay Lawrence na ngayon ay nagbabasa nang magazine.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Inilagay ko ang lahat na chichirya sa ibabaw nang table. Tapos inilagay ko ang isang bote nang Sprite at Coke sa ibabaw nang table.

Nagulat nalang ako nang ako nang biglang tumabi sa akin si Kevin at kumuha nang isang pirasong cookies. Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Sabi na nga ba eh! Di niya mapapalagpas ang cookies ko! Aba, kahit sikat ang resturant ko at may mga chain ako sa ibang bansa, mas masarap parin kung ang chief niyan ang nagluto di ba?

"Akala ko, di ka kukuha niyan eh." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pero dinedma niya lang ako at kumuha nang dalawang pirasong cookies at bumalis sa sofa na kina-uupuan niya kanina.

Sungit talaga.

"Sabing Horror eh!"

"Drama nga!"

"Horror!"

"Drama!"

"Horror!"

"Drama!"

"YVONEEEE!!" Halos mabitiwan ko na ang royal nang sumigaw si Kaila. Napatingin kaming lima kay Kaila.

"What the hell!" Pagmumura ni Kevin. Dinedma lang siya ni Kaila.

"Problema mo, Baby k?"irita kong tanong kay Kaila. Aba! Pagkatapos niyang ioutcast ang pangalan ko, nang di ko alam kung anong dahilan niya! Nangunot ang noo ko nang tinaasan niya ako nang kilay. Napalunok naman ako sa takot. Ano ba ang nagawa ko?

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon