Chapter 25
The Picture of Feelings
"Anong nangyari dyan?" Bungad na tanong ni Kaila sa amin ni Kevin ng nakarating kami dito sa hotel. Inilapag ako ni kevin kaya napaupo ako sa kama. Lumapit sa amin sila Jason at Kaila kasama sila Dianna at Lawrence.
"Tss. Clumsy" sabi ni Kevin at agad umupo sa upuan na malapit sa akin. Napacrossed-arm siya at napapikit. Para bang pagod na pagod siya. Syempre, ikaw kaya ang magbuhat ng mabigat sa loob ng dalawang oras, tignan natin kung hindi ka mapapagod.
"Mabigat ba ako?" Out of nowhere kong tanong sa kanya. Hindi ko alam pero bigla nalang iyun ang lumabas galing sa bibig ko. Hehe. Mabigat ba ako? Eh, nagdadiet kaya ako. Tapos hindi naman ako mataba at hindi rin ako mapayat. Sakto-sakto lang.
Binuksan ni Kevin ang mga mata niya at napatingin sa akin, pero walang bahid na reaksyon ang kanyang mukha. Napayuko nalang ako dahil sa hiya.
"Nagtatanong lang naman. Pero kung ayaw mong sagutin, oka--"
"Yeah. Too heavy" sagot niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa gawi niya. Aba! Anong too heavy? Nakapikit na siya at sinandal ang ulo niya sa upuan. Hindi nalang ako nagprotesta pa, kasi alam kong pagod siya.
Letche. Makakaganti din ako. Akala mo ha.
"Pfft" napalingon ako kay Kaila na nagtakip ng kamay sa bunganga niya. Para bang pinipigilan niyang tumawa. Tinapunan ko nalang siya ng matalim na tingin kaya hindi niya natuloy ang pagtawa. Ikaw kaya ang tawanan, tignan lang natin kung matutuwa ka.
"Rency, tignan mo na muna ang paa ni Ronica. Parang napilay eh" sabi ni Dianna sa nobyo niya kaya tumango naman ito. Lumuhod sa harapan ko si Lawrence at sinuri ang paa ko. Ang swerte talaga pag may doktor kayong, kaibigan. Okay lang na mapahamak ka kasi may gagamot din naman.
Habang sinusuri ni Lawrence ang paa ko, tumabi sa akin si Dianna kaya napalingon ako sa kanya.
"Ilang oras din kayo nawala ni Kevin ah! Saan kayo pumunta?" Nakangiting sabi ni Dianna. Gusto ko siyang sagutin kaso, iba ang pinapahiwatig ng mga ngiti niya e.
Para bang may nalalaman siya pero hindi niya sinasabi. Kinabahan naman ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at liningon si Lawrence na ngayon ay hinihilot na ang paa ko.
"D-diyan lang. Sa tabi-tabi" sagot ko sa kanya habang hindi siya tinitignan. Napatingin ako kay Kaila ng bigla nalang siya tumabi sa akin sa kabilang side. Nakatingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Para bang nahuli nila akong may ginawang masama. Para bang sinasabi na 'bistado ka na uy!' Letche lang, mas lalo akong kinakabahan sa ginagawa nila.
"Ah, diyan lang sa tabi-tabi ha" sabi ni Kaila pero ang tono ng pananalita niya ay para bang nang-aasar. Okay, anong ibig niyang sabihin?
Napangunot nalang ako sa noo ko at umiling. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Lawrence na tahimik na hinihilot ang paa ko. Lumuhod na rin si Jason na may dala nang Emergency kit.
"Saan ka ba nagtago at natapilok ka?" Tanong ni Jason sa akin habang pinagmamasdan lang din si Lawrence na ngayon ay may kinukuha sa emergency kit.
"Diyan lang sa tabi-tabi" sagot ko sa kanya. Tumingala sa amin si Jason. Tumingin siya kanila kaila at Dianna na parehong nakangiti ng nakakaloko. Okay, they are now creepy.
"Talaga?" Sabay nilang tanong sa akin. Parehong nakaharap sila Dianna at Kaila sa akin kaya nakikita ko na ang pagmumukha nila.
Nangunot ako ng noo. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng mga kaibigan ko? Iba kasi ang tingin at ngiti nila e. Para bang nang-aasar na nang-iintriga.
BINABASA MO ANG
A letter to Remember (Completed ✔)
Romance10 years ago, just like a leaf from above, may nahulog na letter sa harapan ni Yvone Veronica Sanchez. She looked up above, pero wala siyang nakitang tao galing sa Fourth Floor. Starting that day, she's wonder who is that guy who throw that letter f...