Letter no. 46

440 12 1
                                    

Before you read this, please play the music in the multimedia. (heaven by: Julie Ann San Jose)

-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Chapter 46

GoodBye

There are Two things in this world na masakit makita. Una, ang makitang patay na ang taong mahal mo. At ang pangalawa ay ang makitang nakahiga ang taong mahal mo at unti-unti nang nanghihina. And now, I am experiencing the second.

Ang sakit palang makita na nakahiga ang papa mo at maraming tubong nakalagay sa iba't-ibang parte nang katawan niya. At mas masakit malaman na wala kang magawa. Wala ka maitulong.

"P-papa.." wika ko. Napahawak ako sa kamay ni papa habang nakahuga siya ay walang malay. He looks so tired. He looks so helpless. Sana ako nalang ang nandyan. Sana ako nalang at hindi siya. Marami pa siyang dapat gawin dito sa mundong ito. Tulad nang panliligaw kay mama araw-araw, Ang paghatid sa akin sa altar patungo sa taong mahal ko, ang pagkarga ng magiging apo niya, Ang second wedding nila ni mama next two years. Ang dami-rami pa.

Nagagalit ako sa sarili ko. Masyado ba ako naging focus sa sarili kong kaligayahan kaya nakalimutan ko na ang kalagayan ng mga magulang ko? Dapat ako na ang nag-aalaga sa kanila e. Pakiramdam ko, ang sama kong anak. Napakasama kong anak.

"Yvone, umupo ka muna anak." wika ni mama. Nasa tabi ko na pala siya. Humarap ako kay mama. She now have a dark circles under her eyes. Halatang puyat na puyat na siya.

"ma, matulog ka na muna, ako na ang magbabantay kay papa" ani ko, pero umiling siya.

"No, ayos lang ako--"

"you don't look fine ma. Magpahinga ka muna" pagpriprisenta ko, ngunit umiling ulit siya.

"No, Gusto ko, ako ang unang makita ng papa mo." nanginginig niyang ani. Bumuhos muli ang kanyang luha. I don't want to see my mom crying. It hurt me the most. Agad ko siyang niyakap.

"M-ma..." iyak ko. Gusto ko maging matatag para sa aming dalawa, pero di ko magawa. I'm in pain too. HIndi ko kayang maimagine, living without my dad.

"I love him so much. I can't see him like this." wika ni mama. Parang sinaksak ang puso ko dahil sa narinig ko. Kahit ako ay hindi ko kayang makita si papa na nakahiga sa hospital bed.

Hindi ko kayang makita na nahihirapan silang pareho. They loved each other. At hindi ko kayang isipin makitang wala na ang isa sa kanila.

Pareho kaming napakalas sa pagyayakap ng biglang bumukas ang pintuan ng silid. Napatayo kami ng pumasok ang doctor at chineck ang kalagayan ni papa.

"Doc, kamusta na po ang asawa ko?" Nag-aalalang tanong ni mama. Napahawak ako sa likod ni mama at hinimas ito. Hoping na baka kumalma siya.

Napatingin sa amin ang doctor. "I'm sorry, Mrs. Sanchez, but your husband is not yet improving." kalmang wika ng Doctor. Gusto kong umupo dahil nang hihina ako, pero kailangan ako ni mama sa tabi niya, kaya dapat maging matatag ako.

Biglang napaupo si mama kaya mabilis ko siyang inalayan.

"He's gonna make it right? Gagaling ang asawa ko di ba? Hindi niya kami iiwan ng anak niya. Sabihin niyo sa akin, D-doc." Ani ni mama. Tumulo ang luha ko.

Yes mom, gagaling si papa. He will make it. He is the bravest and strongest man, I knew. He is our king and he will not going to leaves us. Not now. Gusto kong sabihin iyun kay mama, pero ayaw bumukas ng aking bibig. Dahil kahit ako mismo ay nawawalan na ng pag-asa.

"We still don't know, Mrs. Sanchez. Walanh improving ang mga vital signs niya. All we have to do now is to pray." Ani ng doctor.

"N-no... I need a doctor to my Husband not a priest! Gagaling siya, lalaban siya!" Hestirical na sabi ni mama. Napahilamos nalang ako sa aking mukha. This is too much.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon