Letter no.41

457 10 1
                                    

Chapter 41

Tubig

Inis kong inilagay ang mga damit ko sa maleta. Hindi nila ako ininform na may plano pala sila. Nagnakaw ako nang tingin kanila Kaila na nakaupo sa ibabaw ng kama ko. Masaya silang nagcecellphone.

"Bakit kasi biglaan?!" Tanong ko ulit sa kanila. Hindi ko na nabilang kung ilang beses ko na sila tinanong ng paulit-ulit.

"Wala lang. Para matuloy talaga." Sagot ni Dianna habang nakatingin sa cellphone niya. Parehong na short ang dalawa at hiking shoes. Nakajacket din ito at nagpony tail.

"Di niyo man lang sinabi sa akin!" Reklamo ko. Hindi nila ako sinagot.

Hays. Iba talaga pagmay boyfriend ang kaibigan mo. Kinakalimutan ka na.

--
"Mabuti naman tapos na kayo!"nangunot ang noo ko ng nakita ko sila Jason na nakasandal sa van. Akala ko ba, kaming tatlo lang?!

"Akala ko ba--"

"Get in. Tumitirik na ang sikat ng araw."napatigil ako ng biglang nagsalita si Kevin. Napalunok ako. Bumalik na naman ang kevin na napakacold at emotionless.

"S-sige..." sagot ko. Napatingin siya sa akin, ngunit wala na ang lambing at pagmamahal sa kanyang mga mata. Napalitan nalang ito ng galit at pagkadismaya.

"Let's go!" Hiyaw ni Kaila. Agad namin inilagay sa likod ang aming bag bago pumasok sa loob.

Katabi ko ang bintana. Gusto ko kasing tignan ang aming dadaanan mamaya. Akward kasi dahil nandyan si Kevin.

"Ay?! Magkabilang bintana ang peg niyo, ganon?" Napatingin ako kay Kaila. Agad siyang ngumuso sa bandang kaliwa ko, kaya napatingin ako.

There, I saw him. Katabi rin ng bintana at nakasuot ng earphone.

Napabuntong hininga ako. "Umupo ka nalang kaya?" Suhestyon ko kay Kaila. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ay? Galit si ateng? Napaghahalataan kang bitter" pangangasar niya. Tumawa naman si Dianna na nasa frontseat.

"Hindi kaya! Arg!" Padabog akong umayos sa pagkakaupo at sinuot ang earphone. Mabuti pang magsoundtrip habang nasa biyahe. Para makapagrelax din ako.

"Ay? Nainis?haha." Rinig kong wika ni Kaila na sinabayan niya ng tawa, bago nagplay ang music.

Napapikit ako.

HINDI AKO NAIINIS! AT MAS LALONG HINDI AKO GALIT! Slight lang.

Habang nasa biyahe kami, umingay na naman ang van. Syempre, ilang linggo din kaming hindi nakakita-kita. Marami na namang baong stories. Hindi ko sila pinansin, sa halip ay napatingin lang ako sa bintana. Sinilip ko ang aking phone ng bigla itong nagring.

Pagtingin ko, isang mensahe, galing kay Max.

From: Max

You, okay?

Napangiti ako sa text niya. Isa si Max sa taong kilala kong napakaconcern sa mga kaibigan niya. And I am grateful na naging isa ako sa kaibigan niya.

Malungkot akong ngumiti habang nagrerelpy sa kanya.

To: Max

Ewan ko e. Siguro? Masyadong malabo e. Depende. Ikaw?

Napakagat ako sa aking labi ng mabilis na nagreply si Max. Mukhang hindi busy ang taong ito ha.

From: Max

You'll be fine. By the way, are you free?

Ano na naman kaya ang trip neto? Magrereply sana ako ng bigla nalang may umagaw sa phone ko.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon