Letter no.49

475 11 1
                                    

Chapter 49

Tame

Lutang na lutang ako habang tinatahak ang corridor pabalik sa kwarto ni papa. Is it the right thing to do? Ang iwan siya? Ang ipaubaya siya sa iba? Alam kong sa pagkakataon na ito, pagnalaman ni Kevin ang tungkol sa desisyon ko, malamang ay tatalikuran niya na ako. At alam ko rin nakakamuhian niya ako dahil dito.

Iniisip ko palang na ganon ang mangyayari, parang tinusok na ng karayom ang puso ko. Darn! Bakit sa lahat ng pagsubok na ibinigay sa akin, ay nagkataon pang tungkol kay Kevin? Alam naman ng mundo kung gaano ako kahina pag siya na ang pinag-uusapan.

Nang papalapit na ako sa kwarto ni papa, napansin ko ang mga doktor na nagsitakbuhan patungo doon. Pati narin ang mga nurse ay nakasunod doon.

Mabilis na tumibok ang puso ko. Namanhid ang aking buong katawan nang napagtanto ko kung saan papunta ang mga Doctor at nurse.

Shit! Si papa!

Alerto akong tumakbo patungo sa kwarto. What the hell is happening? Bakit nagkakagulo? Habang palapit ako sa patutunguhan ko, ay pabilis na pabilis ang tibok ng puso ko. Takot. 'yan lamang ang nararamdaman ko.

Nang nakita ko na ang kwarto ni papa, pabagal ang takbo ko. Lalo na't nakita kong nasa labas si Kaila habang nakatingin sa loob. Shit, anong nangyayari? B-bakit ganito? Anong nangyari kay papa? Bakit ang daming doktor?

Nanghihina ang aking mga tuhod. Parang di ko na kayang maglakad pa. No! Kayanin mo Ronica! Wala ka bang tiwala kay papa?

Gamit ang natitirang lakas ko ay naglakad ako patungo kay Kaila. Napatingin siya sa akin.

"K-kai.. Anong... Bakit" napapikit ako. Ni kahit isang sentence hindi ko mabuo dahil sa tindi ng takot.

Ngumiti siya sa akin sabay yakap.

"Gumising na si tito..." bulong niya na nagpahinto ng mundo ko.

* * *

"Edwardo!" sigaw ni mama pagkapasok niya palang sa silid. Mabilis siyang tumakbo palapit kay papa at sabay yakap.

"A-aray..." reklamo ni papa.

"Kainis ka! Nakakainis ka!" iyak ni mama habang nakasandal sa dibdib ni papa.

Napangiti nalang ako. Ang sarap nilang panoorin. Damang-dama mo ang pagmamahal nila para sa isa't-isa. Ako kaya? Mararanasan ko rin ba ang ganyang pagmamahal? Yung takot kayong mawalay sa isa't-isa?

Darn, Yvone! Isangtabi mo muna 'yang mga pangarap mo.

"S-sorry na..." panunuyo ni papa kay mama.

"A-akala ko... Akala ko iiwan mo na ako..." humihikbing sabi ni mama. Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi. Ngumiti si papa sabay punas ng luha ni mama.

"pwede ba naman 'yun?"

Agad akong tumalikod at lumabas sa silid. Kailangan nila mama at papa nang alone time. It's been a month na hindi nagigising si papa. They have a lots of stories to share.

Paglabas ko, nakita ko si Kaila na nakaupo, habang umiinom ng kape. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tumabi ako sa kanya. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. I kinda like this feeling. 'yung tahimik lang. Nakakagaan sa pakiramdam. Parang wala kang problemang inaalala. At last, makakahinga na ako ng maayos. Knowing na gising na si papa at maaari nang bumalik ulit sa dati.

"Tinext ko si Kevin..."

Gulat at nagtataka akong napatingin kay Kaila. Uminom siya ng kape bago magsalita muli.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon