Letter no.2

1.3K 32 2
                                    

CHAPTER 2: Second Mother

Yvone's Pov:

10, 20, 15 minutes ang binayahe ko patungo sa highschool kong paaralan. Kilala na ako nang mga guard at nang mga bago at lumang guro doon. Hindi dahil, palagi ako nandoon, dahil isa rin ako sa mga Honor student sa paaralang iyon. Marami na rin kasi akong medalyang naibigay sa paaralan at competition na napanalunan. Habang nakasakay ako nang bus, di ko maiwasang di mapaisip sa mga nangyari nong last week nang school year noong 4th year ako. That week hunts me everyday. Habang inaalala ko iyun, bumibilis ang tibok nang puso ko. Siguro, isang masayang ala-ala ang mga panahon na iyon? o isa ring bangungut nang nakaraan na dapat ko nang takasan at iwanan.

Sa lalim nang iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ang eskwelahan. Bumaba ako sa bus. Nang nakababa na ako, huminto ako at binasa ang pangalan nang paaralan namin.

'Saint Luke Academy' ang paaralan na nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin nang buhay at ang nagbigay sa akin nang mga ala-alang di ko malimutan. napabuntong hininga nalang ako. Inilabas ko ang sulat galing sa bag ko.

"It's been 10 years yet, you are still with me" bulong ko. Tinutukan ko lang ang sulat. Habang tinutukan ko ko iyon, a smile from my lips are formed.

"Ronica!" napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Teacher Jay Anne na nakangiti sa akin habang kumakaway. Matanda na si Teacher Jay Anne, nasa 50 above na ang edad niya. Siya ang guro ko simula first year hanggan fourth year. Tulad nang nabanggit ko kanina, kilala na nila ako dito.

Ngumiti ako kay Teacher Jay Anne at nag wave back sa kanya. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya.

"Teacher Jay Anne" Nakangiti kong bungad kay Teacher Jay Anne. Agad ko siyang yinakap nang mahigpit. Ilang linggo rin siyang wala eh. Namiss ko tuloy ang kakulitan niya. Para siyang si Aemie Ferrer Roswell sa 'My Husband is a Mafia boss' masyado siyang slow at makulit, pero mabait naman.

"Ano ba 'yan, Ronica! Bakit ka nawala nang ilang linggo? hinahanap kaya kita!" inis na sabi sa akin ni Teacher Jay nang humiwalay na ako sa pagyakap. Napakunot naman ako sa noo ko. Ano daw? ako ang nawala? napakamot nalang ako sa ulo ko. Mukhang ako yata ang pinagbibintangan ni Teacher Jay sa pagkawala niya nang ilang linggo.

"Teacher Jay Anne, hindi po ako ang nawala, kayo po. Tatanongin ko po sana kayo eh, kaso inunahan niyo po ako" mahinahon kong sabi kay Teacher Jay. Nangunot naman ang noo niya, halatang di niya maintindihan. Naku, mahaba-habang explanation ito.

"Anong ako? eh, ikaw naman. Ikaw naman ang nawala eh. Pagdating ko dito wala ka." sabi niya. Huh?

"po? eh, araw-araw naman po ako nandito" sabi ko sa kanya.

"Ganon ba? Bakit di kita makita sa bahay?" Tanong ni Teacher Jay. Napatawa naman ako.

"Siyempre po, bahay niyo yun eh. Wala naman po akong karapatang pumunta doon" sabi ko sa kanya. Again, Nangunot na naman ang noo niya.

"Anong wala kang karapatang pumunta doon? pwede kaya. Hayaan mo, pag bumisita ka sa amin, ipaghahanda kita nang miryenda, tapos ipapakita ko sayo ang collection ko nang hello kitty" sabi ni Teacher Jay.

"he-he-he. Magandang ideya po iyan" saad ko, kahit wala naman talaga akong balak pumunta doon. Alam niyo na. Busy ako sa paghahanap nang sender nang Letter.

"Bakit ka nga pala, napadito?" tanong ni Teacher Jay nang nagsimula na kaming maglakad. Teka, Nakalimutan niya?

"Teacher Jay, hinahanap ko nga po ang sender nang letter na ito, oh." sabi ko kay Teacher Jay at ipinakita sa kanya ang letter. Tinitigan niya ito, pagkatapos ay nangunot ulit ang noo niya.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon