Letter no.45

430 9 1
                                    

Chapter 45

Take me to...

"Natatae ka ba?" Agad kong pinunasan ang luha ko ng narinig ko ang boses ni Jason galing sa aking likuran.

Mabilis akong tumayo at hinarap si Jason. Sa dami-raming pwede niyang itanong, bakit yun pa?

"Papanalita mo, huy" ani ko. Nagtataka niya akong tinignan.

"Umiyak ka ba? Ay mali. Umiyak ka nanaman?" Tanong niya sabay turo sa akin. Hinawakan ko ang aking pisngi at doon ko lang napagtanto na may luhang lumabas ulit.

Kotang-kota na saakin itong mga luha ko ha. Bakit ba, labas nalang kayo ng labas? Times out muna o.

"Ah? Hindi ah. Patak lang yan ng tubig galing sa basa kong buhok. Ikaw, talaga. Kahit ano-ano nalang ang sinasabi mo." Pabiro kong wika. Hindi sumagot si Jason, pero bakas parin sa mukha niya ang pagdududa.

"Hindi, umiyak ka e."

"Hindi nga. Guni-guni mo lang yun" ani ko.

"Hindi, umiyak ka talaga e."

"di nga. Kulit ng lahi neto e."

"Umiyak ka tala--hindi ka na umiyak. Hindi talaga. Guni-guni ko lang yun" aniya ng nakita niyang tatanggalin ko na ang tsenelas ko para ibato sa kanya. "Eto naman si Yvone, di mabiro." Napakamot siya sa batok niya at nagpeace sign.

Umirap lang ako at nilagpasan siya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang pinipigilan ang boses kong pumiyok.

"Ah, kukunin ko lang sana yung charger ni Kaila. Tatawag kasi si Elric sa kanya. Kainis na Elric na 'yun! Hindi ba siya nakakaintindi ng salitang out of town? Bakasyon nalang para tagalog, hindi pa rin ba? Bakit niya bwinibwisit si Kaila dito? Sweet lang sila sa on-cam, uy! Huwag siyang assuming. Trabaho lang yun." Pagrereklamo niya.

Hindi ako nagsalita. Wala akong ganang magsalita. Pakiramdam ko, naubos na ang lahat na enerhiya ko sa aking katawan.

If he truly loves me, then, he should trust me enough to tell it to me. But he didn't. We are on the same page. He beg for my trust, and I beg him too.

At ano daw? Prinoprotecktahan niya ako? From whom? This is reality. Sa mga teleserye lang nangyayari ang mga bagay na iyun. And that idea is insane.

I know na anak siya ng isang business tycoon at siya rin ang pinakabatang business tycoon. Pero... impossible naman yatang mangyari yun. At kung mangyayari naman yun bakit sa akin pa? Bakit hindi nalang si crissa? Eh siya naman ang girlfriend ni kevin. Nanahimik ako dito e.

"Tapos alam mo bang--hoy! Nakikinig ka ba?" He snapped. Para akong nagising sa napakahabang panaginip.

"Ano nga yung sinasabi mo?" Tanong ko. Napakamot pa ako sa aking batok. Naguguilty tuloy ako ngayon.

Inirapan nalang ako ni Jason at padabog na umalis sa harapan ko.

"Uyy! Ano yung sinabi mo!" Wika ko habang hinahabol siya. Umiling lang siya na parang nagtatampo. Itong lalaking 'to! Napaka talaga.

--

"Oh? Nasan na si Kevin?" Tanong ni Kaila, pagdating nila dito sa tent. Hindi ako sumagot sahalip ay umupo ako sa isang malaking bato at minassage ang paa ko.

Ang layo-layo ng nilakad namin! Naramdaman ko ang titig nila sa akin. Sumulyap ako sa kinaroronan nila. All of them are looking at me.

"Oh? Bakit kayo nakatingin sa akin? Innosente kong tanong kahit alam ko naman talaga ang ibig sabihin nang mga matang iyan. Syempre, dahil hindi akong magaling na aktress nahalataan rin kaagad.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon