Letter no.4

785 24 3
                                    

Chapter 4: What happen?

Yvone's POV:

  "Baby Ronica, wala ka bang planong umupo?" Tanong ni Kaila sa akin. Napatingin ako sa kanya na nakasimangot na nagtitimpla nang kape. Napabuntong hininga ako, at lumakad patungo kay Kaila para tumabi sa kanya."Iniisip mo parin ba ang party nang mga Lee?" Tanong ni Kaila nang nakaupo na ako sa tabi niya.

"Yeah" sagot ko. Simula nang ipinaalam sa akin ni Jason, na hinihintay niya nalang si Kevin, di ko maiwasang hindi kabahin. May part sa akin na gusto ko na siyang makita at magpaliwanag pero, may part din sa akin na ayaw ko muna siyang makita.

"So, anong gagawin mo? Jason would expect your presence in his party" sabi ni Kaila. Ano nga ba ang gagawin ko? Gusto kong umiyak dahil, wala talaga akong maisip na plano. Ayaw ko pa siyang makita. Hindi pa ako handa.

"Di ko alam. Hindi ko alam" sabi ko at napahilot ako sa ulo ko. Aaminin ko, miss ko na siya. Miss na miss. Yung tipong, gusto kong sumunod sa kanya sa France at kamustahin siya. Yung gagawin ko ang lahat makita lang siya. Pero alam kong wala akong karapatang makaramdam nang ganito.

Ako ang nanakit sa kanya. Ako ang bumitaw nang mga salitang masasakit sa kanya. Ako lang at hindi siya.

"Paanong hindi mo alam? Naku, ayusin mo nga iyang buhay mo Ronica! Bago mo harapin si Kevin" pagsesermon ni Kaila sa akin.

"Hindi pa ako handa makita siya, hindi ko pa kayang magpakita sa kanya. Wala pa akong lakas na makita siya." Sabi ko kay Kaila. Napabuntong hininga si Kaila at humarap sa akin nang maayos.

"Ano ba talaga ang nangyari Ronica? I mean paano kayo nagkaclose ni Kevin at bakit wala ka nong araw nang pag-alis niya?" Tanong ni Kaila. Kailangan ko bang sabihin sa kanya? For 10 years, I kept those memories on my head and in my heart. Maybe, this is the time na ishare ko na.

Flashback..
10 years ago..

"Uhm, ayos lang naman ang paa niya. Ipapahinga lang natin para hindi lumala" paliwanag nang nurse sa amin. Nasa clinic ako ngayon. Dinala kasi ako ni Kevin dito eh. Napatingin ako sa kanya na nakapoker face lang. Tss, sino ba kasi ang nagsabi na dalhin niya ako dito? Wala naman di ba?

"Instead of killing me in your head, you should be thankful dahil binuhat kita papunta dito" sabi niya habang minamasahe ang braso niya. Mabigat ba ako? Kasi, namula ang braso niya eh.

"M-mabigat ba ako?" Tanong ko. Agad naman napahinto si Kevin sa pagmamasahe nang braso niya at napatingin sa akin. Kaya napayuko naman ako. Shiz! Nakakahiya."he-he-he. H-huwag mo n-nalang pansin yung t-tinanong ko. He-he-he" sabi ko at napakamot nang ulo habang nakayuko parin.

"Yes, you are" napatingin ako kay Kevin na nakangisi na nakatingin sa akin. Wait? Anong ibig niyang sabihin? Takteng yan! Nawawala ako sa katinuan pag nakangisi siya eh! Ba't ba ang gwapo niya?

"H-huh? A-anong i-ibig m-mong s-sabihin?" Shit! Why are you sluttering, Yvone?! Namaligno ka na ba?! Gusto kong sampalin ang sarili ko, pero nandyan sa harapan ko si Kevin.

Anak nang tipaklong, oh! Ano bang nangyayari sa akin?

"Sluttering, huh? I was talking about, how heavy you are." Sabi niya sa akin. Waaahh! Mataba ba talaga ako? Agad ko tinignan ang sarili ko. Hindi naman ako mataba ah! Malaman lang.

"Pfft. Stop that. You look like an idiot" sabi niya. Agad naman ako napataas nang kilay. Ano daw? Idiot?!

"Ano?! Ang bad mo ha! Ako pa ang idiot. Sino ba naman ang nagsabi na buhatin mo ako?" Sabi ko. Pretending to be mad.

"Like, I said a while ago, you should be thankful." Sabi niya sa akin. Sasagot sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.

"Kevs!"

"Pre!"

"Tol"

"Ronica!"

Saring-sari sabi nang apat na taong kakadating pa lang. Pinuntahan ako ni Kaila, habang ang iba naman ay pumunta kay kevin.

If I am not mistaken, sila ang mga kaibigan ni Kaila, aside from me.

End of flashback

"Doon nagsimula ang lahat?" Tanong ni Kaila sa akin kaya napatango ako. "So, do you care to spill what happened next?" Tanong ni Kaila.

Napabuntong hininga ako. Bakit kailangan ko pang sabihin? Kinakabahan ako eh. Alam niya namang natatakot ako. Paano pag nag-iba na ang tingin ni Kaila sa akin, pagnalaman niya?

Para sa akin, mas better na sa akin nalang ito, kaysa sa sabihin ko pa. Pero kaibigan ko si kaila. She knows me more than One decade.

Pero, nasasaktan ako. Dahil sa isang maling nagawa ko, marami na ang nagbago.

"Do I need to tell you?" Tanong ko kay kaila.

"Are you afraid?" Tanong ni Kaila kaya nabigla ako. Halata ba natatakot ako? Hindi ko alam na masyado palang visible ang expression ko.

"Why did you asked?" Tanong ko sa kanya. Pero ngumiti sa akin si Kaila.

"Simple, because I am your friend. Now, can you spill it out?" Tanong niya. Bumuntong hininga naman ako. There is nothing to be afraid of.

"Okay. I will" sagot ko.

I hope na maiintindihan niya ako...

I hope,

To be continued..

--
Short update muna ha? And I think next week na ako makaupdate ulit. Kailangan ko pang maka dalawang update sa With the player.

Please, sana maintindihan niyo. Masyado kasi akong busy eh. And Inspired rin ako ngayon eh. May nagmessage kasi sa akin. Sino? Haha. Akin na yun.

Bye! Loveyou! Muwaah:*

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon