Letter no. 27

465 14 15
                                    

Chapter 27

The girlfriend

"Anong ginagawa niyo dito?" Bungad ni Lawrence sa amin pagkatapos niya kami pagbuksan ng pintuan. Nakatopless lang siya at nakashorts. Napaiwas ako ng tingin dahil sa ayos niya.

"What the fudging, fudge!" Sigaw ni Kaila.

"What the... Mag-ayos ka nga bato!" Bulyaw naman ni Dianna sa nobyo niya. Narinig ko nalang ang pag'tss' ni Lawrence at ang yapag paalis kaya napatingin na ako sa harapan. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maliwag nang nakita kong wala na si Lawrence sa pintuan. Iniwan niya itong nakabukas, kaya pumasok kami nila Kaila.

Bumungad sa amin si Jason na nakahiga pa sa kama. Umupo si Kaila sa gilid ng kama at pinagmasdan si Jason na natutulog.

"What are you doing here?" Nabaling ang attensyon ko sa lalaking nakatayo sa tabi ng glass window. Naka Tee shirt siya at nakashorts din. Nakacross-armed siya habang nakatingin sa amin. As usual walang emosyon ang pagmumukha niya.

Bakit ba ang gwapo niya? Sa pagkakaalam ko, alas syete y media palang ah! Sa ganitong oras, kamukha ko pa si Sandako dahil magulo ang buhok ko at may mga muta pa ako! Pero bakit siya? Bakit ang gwapo niya na?

"May plano kami!" Masiglang sabi ni Dianna na ngayon ay naka-upo na sa couch habang nagbabasa ng Magazine. Lumabas na si Lawrence na ngayon ay may suot ng damit, galing sa banyo at agad tumabi kay Dianna.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat neto. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila. Sige! Sila na! Sila na ang sweet! Hiyang-hiya na ako dito sa harapan nila o.

"Ikaw lang, FYI" wika ni Kaila, sabay irap.

"FYI, sayo nangaling ang planong iyun! Huwag ka maghugas ng kamay!" Sabi ni Dianna kay Kaila. Napailing nalang ako sa ginawa nila. Kung tutuusin, sila naman talaga ang may nagplano non, ewan ko lang kung bakit nagtuturuan pa sila.

"Aba't! Hindi ako naghuhugas ng kamay! Sinasabi ko lang ang totoo!"

"So, ako ngayon ang mali? Ha, reyes?!"

"Malamang! Alang-alang naman ako, di ba?"

"Aba't letche ka!"

"Letche ka rin!"

"Mas leche ka!"

"Wow! Ang aga-aga puro leche na ang naririnig ko? Napalitan na pala ang Good morning sa leche ngayon?" Sarcastic na wika ni Jason. Kinukusot niya pa ang kanyang mga mata habang nakakunot ang noo. Napahawak nalang ako sa bridge ng ilong ko at napapikit.

Mahirap talaga ipagsama sa isang lugar sila Kaila at Dianna, palaging nagbabangayan. Pero kahit ganyan sila, tinuturi nilang matalik na kaibigan ang isa't-isa.

"What is your plan?" Napaangat ako ng tingin ng narinig kong nagsalita si Kevin. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nagsasalin siya ng tubig para inumin. Halos matapilok ako, nang bigla siyang tumingin sa direction ko.

"Tss. Mag islang hopping sana tayo. Kung gusto niyo naman..." Nakasimangot na sagot ni Kaila. Walang umimik sa aming anim. Para tuloy may anghel na dumaan.

Sa totoo niyan, kagabi pa napagplanuhan nila Kaila at Dianna ang tungkol sa Island Hopping, yun nga lang, nakalimutan nilang sabihin ito kanila Rence kaya ayun! Nag gate crash kami sa kwarto nila.

"Tsk! Ayoko" sabi ni Jason at sabay higa ulit sa kama. Nagkatinginan kaming tatlo. Okay. One down, two more to go. Sana lang ay sumang-ayon sila Rence at Kevin. Kahit ako naman mismo ay gustong mag island hoping.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon