Letter no.12

590 22 1
                                    

Chapter 12: The party
--
Yvone's POV:

Wala ako sa sariling naglalakad papasok nang kusina sa Hotel. This is the day. Ito na ang araw para sa Lee's Party. Pero shet, kinakabahan ako. Sure akong darating si Kevin ngayon. Siya kasi ang tao na hindi umaabsent sa isang party. Palagi siyang present. Sabi niya nga noon, ang pagpunta daw sa party ay nagmamagandang loob lang sa taong nagcecelebrate.

Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad. Pinagtitinginan ako nang mga taong nakakasalubong ko. Paano ba naman, para akong patay na naglalakad. Ngeks, so zombie ang peg ko?

"Ms. Nica! You're finally here!" Bungad ni Orange sa akin kasama si Gabriel na naka-akbay sa kanya. Teka lang, last time I check magkaaway ang dalawang ito ah. Bakit ngayon, ang sweet nila? Napanguso ako sa iniisip ko. Walang forever. Yan ang sabi ni Joanne nang tumaag siya kagabi. Wala daw forever sa panahon ngayon. Lahat ay manloloko at naloloko. Oh, diba? Ang Arte lang ni Joanne, tapos bitter naman ako. Hays.

"Nakapagsimula na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Yap" masayang sabi ni Gabriel sa akin. Napatango naman ako at napatingin sa relo ko. 4:00 pm pa naman, makakaya naman siguro naming lutuin ang mga putahe. Isa pa, hindi naman iyon gaanong kahirap lutuin lalo na mga professional na Chief ang mga kasama ko.

Pagkapasok ko palang sa Kusina, nakita kong nagluluto na ang mga katrabaho ko. Nakita ko si Katrina na kasama si Edgar na nagtutulungan sa pagbebake nang choco cake. Habang si Sally at Josh naman ang gumagawa sa mga cookies at iba pang desserts. Si Jessie at Vevian ang nagluluto sa mga Vegetables food. Habang si France at Mitch naman ay ang nagluluto sa mga ulam na priniprito at ang mga seafoods din.

Nagbihis ako nang damit at nag lagay nang apron. Pumunta ako sa Station ni Orange at Gabriel at tinulungan sila. Kami ni Orange at Gabriel ang nagluluto nang mga special foods.

"Orange ikaw ang gumawa nang Pasta Carbonara okay? Since ikaw naman ang may speacialty niyan. At ikaw naman Gabriel ikaw ang gumawa nang chicken cordon bleu." Utos ko sa kanila. Tumango naman sila at nagsimula nang magluto.

Huminga ako nang malalim bago ako nagsimula magluto. Ang una kong ginawa ay pinainit ko ang vegetable oil sa malaking skillet over medium-high heat. I cook the chicken pieces until golden brown on both sides, then, I remove it. I also stir the onion and garlic na hiniwa ko. Nag intay ako nang anim na minuto hanggan sa naging soften at brown na ito.

I pour the vinegar, soy sauce, and season with garlic powder, black pepper at bay leaf. Inilagay ko ang browned chicken ang I increased the heat high and bring to a boil.

Naghintay lang ako nang ilang minuto hanggan sa naluto na iyon. Inilagay ko ang adobo sa plato at nagsimula nang magplating. Sumunod si Orange sa akin na kakatapos lang din lutuin ang Pasta Carbonara at nag plating na. Sila Josh at sally ay nagplaplating narin habang sila Mitch at France ay niluluto pa ang last seafood.Si Katrina at edgar ay nilalagyan na nang Icing ang cake, habang sila Vevian at Jessie ay nagplaplating narin.

Seryoso akong piniplating ang speacial adobo ko. Habang nagplaplating ako narinig ko ang mga kwentohan nang mga kasama ko.

"Ang dami sigurong gwapo ngayon" kinikilig na sabi ni Vevian habang nagliligpit nang kalat sa station nila. Napatawa naman si Mitch.

"Balita ko nga nandito daw si Dr. Lawrence eh. Sheet! Crush na crush ko talaga siya." Kinikilig na sabi ni Mitch kaya napailing nalang ako. Kahit maingay ang mga kasama ko, hindi parin nakaligtas sa tenga ko ang sinabi ni Gabriel kay Orange.

"Ako lang ang dapat mong papantasyahin okay? Iloveyou" bulong ni Gabriel kay Orange. Habang si orange naman ay inirapan siya kahit na namumula na.

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon