CHAPTER 2
Nag lakad ako papunta sa baseball field. Ang lawak... grabe paaralan pa ba to?
Nilibot ko ang tingin sa paligid at may nakita akong matangkad na lalakeng nakatayo sa gitna habang may hawak na baseball gloves.. ang tangkad nya, pawis na pawis na din ito pero gwapo pa din sya. Nakita ko kung pano nya ibato ang bola ng baseball at napakalakas nito. Wow....
"Yah! Rain!! What happen? Lakasan mo naman!! Ayusin mo.. 2 minutes break!!" Sigaw ng isang lalake na nasa harap nya.
Nakita ko namang may tumakbong babae papunta sa kanya. Ang ganda nya. Couple? Pinunasan ng babae ang pawis ni Rain. So sya si Rain? The one whos I'm going to interview...
Sabi ni Darwin kanina ako na daw ang mag Interview sa kanya since kasama na ko sa club nila. Mukha naman syang mabait ahh.
Natapos ang 2 minutes kaya naman lumapit pa ko para makita ko ng malapitan. Nakatingin lang ako sa kanya ng mapansin kong naiinis yung expression nya.
"Hoy!! Alis jan!!" Sigaw nya. Sino kaya pinapaalis nito? Tumayo lang ako dun at pinag masdan sya nang mapansin ko na sakin sya nakatingin. "Di ka ba aalis?!!"
I'm about to turn my back to see whos the one his shouting to nang tumayo ang matabang lalake na tagasapo ng bola at tinulak ako "Ikaw ang tinutukoy nya miss umalis ka jan!!!" Tinulak tulak nya ko hanggang sa malayo na ako sa kanila.
Haaay iintayin ko nalang na mag break time sya...
--
Nung nakita kong umalis na ang mga kasama nya sa bleachers agad agad akong pumunta sa harap nya. "Ahm, excuse me. " napatingin naman sakin si Rain at tinaasan ako ng kilay. "Ahh, mag iinterview lang sana ako." Sabi ko.
Tinitigan nya lang ako at maya maya pa tumango sya. I'm about to ask the first question when I notice na hinihingal sya.
"Bukas nalang pala. Break time mo kaya ayaw kitang istorbohin. Sorry." Sabi ko. Napatitig lang sya sakin. Ako naman yumuko at aalis na sana ng may maramdaman akong humawak sa braso ko.
"Ok lang. What's the first question?" Sabi nya at napangiti ako. Binuksan ko ang folder na hawak ko at sisimulan na sana ng
"MOVE!!!!!!" Di ko namalayan ang mga sumunod na nang yari. Basta ang alam ko umalis si Rain kasama ang mga teachers at couch nya. Pinag sabihan pa nga ako na bat daw ayaw kong umalis doon.
"Lumayo ka sa babaeng yun Rain!!" Sabi ng couch nya. Sumang ayon naman ang matabang lalake.
Tiningnan ko si Rain na nakaupo sa bench. Pag katapos ng nangyari dinala sya dito sa room ng Baseball team. May benda ang kamay nya. Dahil yun sakin.. sinalo nya ang bola ng baseball na sa mukha ko dapat tatama pero sinalo nya gamit ang mga kamay nya yun. Nakita ko kung pano manginig ang kamay nya kanina. Kasalanan ko to.
"Ahh, sya yung babaeng unlucky girl daw na transferee. Huh! Lumayo ka dun!!" Sabi pa ng couch nya. Napansin ko naman na nakatingin na sakin si Rain. Yung tingin nya. Naawa ba sya?
Tumakbo nalang ako ng mabilis. Ako may kasalanan nito! Ako! Haay!
--
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa isang room na mukhang di na ginagamit. Sira sira na kasi ang pinto at puro na kalawang ang doorknob. Binuksan ko ito at tumakbo papasok sa loob. Nakita ko ang hagdan pababa sa room na to. Nakita ko ang baba nito, may sala. May ref pa. Tambayan ba to?
Nang tuluyan na kong makababa nakita kong mabuti ang kabuuan ng room. Para syang sala sa isang bahay. Napangiti nalang ako sa ganda ng pag kakaayos ng room. May lobo pa nga sa gilid na letters eh. Nakalagay ang N-E-W...
Ano yun? Di ko nalang pinansin. Baka design lang kasi yun sa room na to. Umupo nalang ako sa may pinakababa ng hagdan. Sa first step ng hagdan.
Inisip ko ang mga nangyari kanina. Kakalipat ko lang dito sa school na to mapapala-
"Hehe your not crying. I thought so." Natigilan ako at tiningnan ang nasa likod ko. Nakita ko ang isang lalake na may headphone pa na nakasabit sa leeg nya. Imbis na blazer ng school ang sout nya, nakajacket sya na may hood. Cute sya. Pero mukha syang bata.
Tumayo ako at pumunta sa hugis box na couch. As in box na design.
Sumunod naman sya at umupo sa harapan ko. Nginitian nya ko kaya naman napatitig ako sa kanya.
"Hi- hindi ka takot sakin?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at ngumiti.
"Hindi."
"Weh?"
Tumayo sya at nameywang sa harapan ko. Maya maya pa, pumitik sya. Yung parang nag snap sya sa hangin. Tas yung sunod nyang ginawa ang nag pangiti sakin. Bigla nalang kasi syang sumayaw pero magaling naman. Nakakatawa lang kasi sumasayaw sya ng walang tugtug.
Huminto na sya sa pag sayaw at lumuhod sa harapan ko.
"Ok ka na ba?"
Tumango ako at pinunasahn ang mata ko. Sa kakatawa ko kasi naiyak na ko.
"Natupad na ang fisrt fantasy ko." Nag taka naman ako sa sinabi nya.
"Ano?" Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko kaya naman nilapit ko na din ang mukha ko sa kanya. Mukhang may ibubulong sya eh.
"Ang makausap ang isang sophomore na kagaya mo. Cute at mabait." Natulala naman ako sa sinabi nya. Lumayo sya sakin at tinitigan ako. Mag sasalita na sana ako ng maunahan nya ko. "I'm Collin. Chi nalang ang tawag mo sakin. Close naman tayo eh! Hahaha freshman palang ako. Nahinto kasi ako eh. Sayang!"
Nung natauhan na ko sa sinabi nya kanina nag salita na ko. "Ehem! Bakit naman sayang?"
"Hahaha wala basta. Anong pangalan mo?"
"Imogen. Scar nalang for short." Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Ang layo naman ng Scar sa Imogen." Sinamaan ko nalang sya ng tingin.
Lumuhod ulit sya sa harapan ko at tinitigan ako. "Gusto mong makaalam ng secret?" Tinitigan ko din sya at tumango. Kaso-
~bling bling~ (ringtone ko po yan)
Lumayo layo sya sakin. Kinuha ko naman ang cp ko sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang nag text. Nakita ko pa nga si Chi na nakisilip sa cp ko kaya naman nung tiningnan ko sya tumango lang sya.
"Kita nalang tayo bukas ha!" Tumakbo na ko paalis.
From: 090685------
Transferee! Pumunta ka dito sakin! Bilis! Baseball Team Room.
BINABASA MO ANG
His The One (COMPLETED)
RomanceMalas na babae. Yan ang tawag sa kanya. Dahil na din sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay nya. Maging ang mga malalapit sa kanya nadadamay. Malas lang ba talaga sya o kasama lang iyun sa plano ng tadhana?