Chapter 4
IMOGEN'S POV
Nag lakad na ko papunta sa may playground. 6 na din ng gabi kaya madilim na. Ginabi na kasi ako sa pag lilinis ng room ng Baseball team.
Nag karoon kasi kami ng kasunduan ni Rain na mapapatawad daw nya ko sa isang kundisyon. Yun ay sundin lahat ng utos nya. Kasama na dun ang pag lilinis ng Baseball room nila.
Kakabasa ko lang ng text ni Darwin. Di ko alam kung nandun pa sya sa playground pero pupunta pa rin ako. Ayoko pa kasing umuwi. Wala namang magagawa sa bahay. Wala din namang magagalit kung anong oras ako uuwi.
Nang makarating na ko sa may playground nakita ko naman sya na nakaupo sa may Climber Playset sa may pinakatuktok nun kaya tiningala ko sya. Mukhang ang lalim ng iniisip nya kaya hindi nya agad ako napansin.
"Yah!! Dawin!! Anong ginagawa mo jan?" Nung nakita nya ko agad agad syang bumaba.
"Ok ka lang ba?" Hinawakan nya ko sa mag kabilang balikat ko at niyugyog. Napatawa naman ako.
"Ok lang ako! Tara na nga! Uwi na tayo!! Gabi na eh!"
"Tss. Mamaya na. Nandun lang si Iona pag uwi ko." Napataas naman ang kilay ko. Hindi ko pa kilala si Iona pero alam ko sya ang fiancee ni Dawin.
"Diba fiancee mo yun?"
Tiningnan nya lang ako at sinimangutan kaya natawa ako. Umupo sya sa swing kaya ako pumunta sa likod nya at tinulak tulak sya.
"Ikaw kasi!! Dapat umuwi ka na dito sa pinas nung isang taon eh! Yan tuloy! Nakahanap ng ibang fiancee ko sila mommy!" Natawa naman ako sa sinabi nya.
Yung parents ko kasi at parents nya mag kaibigan kaya nag kasundo sila na pakasalin daw kami ni Darwin pero nasa korea nga ako nung nakaraang taon dahil dun ko naisipang mag aral.
"Mag tigil ka nga! Akala ko ba hindi mo na ko mahal dahil iniwan kita?" Tanong ko at pumunta sa may gilid nya. Lumingon naman sya sakin habang enjoy na enjoy sa swing.
"Hindi ibig sabihin na sinabi ko sayo na hindi na kita mahal eh hindi na talaga kita mahal." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
Tumawa sya at inihinto ang duyan. Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko.
"You never fail to amase me." Niyakap nya ko at tsaka bumulong. "Uwi na nga tayo. Gabi na." Hindi naman na ko nag reklamo at umuwi na nga kami. Malapit lang naman ang condo ko sa bahay nila kaya inihatid na nya ko.
--
Kinabukasan naman ganun pa rin. Ang sama sama pa rin ng tingin ng mga kaklase ko sakin. Kaya hindi ko nalang sila pinapansin. Last subject na kaya pumunta na ko sa Radio Club.
Una kong nakita si Jairus at Aga na nasa loob ng Speak Room.
Tumabi naman ako kila Win at Darwin na nasa may harap ng Computer habang pinapanuod ang dalawa sa loob ng speak room.
Nginitian ako ni Dawin pag kalapit ko sa kanila. Kilala ko na silang lahat dahil pinakilala na sila sakin ni Darwin.
"Ano? Nasan na ang project mo?" Tanong sakin ni Win. Ramdam ko pa rin na ayaw nila sakin pero hindi ko na sila masisisi.
"Kukunin ko palang. Sinasagutan pa kasi ni Rain." Nagulat naman si Win sa sinabi ko.
"Ok good. Kunin mo na." Sabi ni Darwin kaya tumango ako. Pero bago pa ko makalabas hinabol pa ko ni Win.
"Scar!" Napatingin ako sa kanya. "Sama ako!"
--
"Go go Rain!!"
"Woah!!! I Love You Rain!!"
"Muah muah muah!! Ikaw na talaga Rain!!"
Napatingin naman ako sa mga sumisigaw na yun. Nakita kong may tatlong babae na may hawak pa ng tarpaulin na nakalagay ang mukha ni Rain at mga heart heart sa gilid. Napangiti naman ako.
"Sila ang mag pipinsan na Ugok!" Napatingin naman ako kay Win ng bulungan nya ko. Dahil nga nag papractice si Rain hihintayin muna namin ang break time nya. Akala ko nga hindi muna sya mag papractice pero bakit nandito sya? Malala pa ang kamay nito kahapon eh.
"Bakit naman ugok!?" Tumingin naman sya sa tatlong nasa taas ng mga bench. Bale kasi yung field na to parang sa basketball. Pa layer ang mga upuan kaya nasa taas sila. Kami kasi nasa baba mismo ng Field. Madami pa namang ibang tao dito na nag chi-cheer kay Rain pero mas kapansin pansin sila dahil na din siguro sa ganda nila.
"Tingnan mo kasing mabuti. Ang OA kaya nila. Buti nga wala yung isa eh. Mas OA yun." Napatingin din naman ako sa tatlo. OA nga pero nadadala naman ng ganda nila. Akala ko sa isip ko lang yun nasabi pero nagulat nalang ako ng batukan ako ni Win. "Gaga ka. Mas maganda ka kaya sa kanila." Namula naman ako sa sinabi nya. Kaya napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko na...
"TYPE MO KO!!?" Sigaw ko dahil sa gulat. Pero mas nagulat ako ng may isang bagay na tumama sa ulo ko. Pag lingon ko nakita ko si Rain na napapalapit samin. Ang sama ng mukha nya. Tiningnan ko naman ang tumama sa ulo ko at nakita ko ang isang baseball gloves kaya pinulot ko yun.
"Hoy babae! Mag uusap pa tayo mamaya!" Banta sakin ni Win pero shempre pabulong lang. Napalunok naman ako sa banta nya. Lumapit na samin si Rain ng nakakunot ang noo.
"Bakit kasama mo tong baklang to?" Tiningnan ko naman si Win dahil sa sinabi ni Rain. Inirapan lang ni Win si Rain at tumayo na sabay gora.
Tiningnan ko naman ng masama si Rain. "What?"
"Ang sama mo!! Hindi naman bakla si Win eh!!" Sigaw ko sa kanya. Pero nagulat nalang ako ng lumapit pa sya sakin. Hanggang sa mag kalapit na ang mukha namin na hangin nalang ang makakadaan.
May inihampas sya sa may dibdib ko kaya napahawak ako dito. "Pipiliin mo ang taong sisigawan mo." Sabi nya at lumayo na. Aalis na sana sya ng lumingon ulit sya sakin. "Pag tapos mong ibigay yan sa president ng Radio Club bumalik ka dito. Linisin mo ang mga ang kalat na bola." Sabay alis.
Ilang minuto pa kong napatulala at tiningnan nalang ang folder na inabot nya sakin. Binasa ko saglit yun at nakita ko naman na nasagutan nya lahat. Naalala ko na may sinabi pa sya na bumalik daw ako dito. Tiningnan ko ang paligid at napanganga nalang ako sa nakita ko. Lahat to lilinisin ko?
BINABASA MO ANG
His The One (COMPLETED)
RomanceMalas na babae. Yan ang tawag sa kanya. Dahil na din sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay nya. Maging ang mga malalapit sa kanya nadadamay. Malas lang ba talaga sya o kasama lang iyun sa plano ng tadhana?