NEW

130 5 0
                                    

Chapter 11

COLLIN'S POV

Bawat galaw ni Vince, bawat tambling ni Light. Ginagaya ko. Yung galaw nilang parang tinatangay ng hangin sa bilis at gaan. Hindi po kami mag nanakaw ah! Dancer po kami!


Si Vince Howard. Sya ang nag silbing Leader sa grupo namin. Mabait sya, kaso babaero. Pero magaling naman sa sayaw at isa yung katangian nya kaya sya madaming babaeng nahahakot. At isa pa! Yung itsura nya. Magnet sa mga babae.


Si Light Black. Weird ng pangalan neto! But oh nevermind. So, si Light. Gwapo din tong isang to. Kaso masyadong seryoso sa pag sasayaw. Hilig naman talaga naming lahat yun eh. Magaling sya lalo na sa pag tatambling. Kagaya ngayon. Eto na. Tatambling na.


Hinanda ko ang sarili ko, nandito kasi ako sa may hagdan ng leisure room ng grupo namin. Ang New Group...


9 kami dati. Pero nawala na sila. Si Win Stone ang unang umalis, sumunod si Hunter Young dahil sa gf nya. Nung una galit ako sa kanya dahil umalis sya sa grupo para lang sa gf nya pero nung nakilala ko naman ang gf nya, nainggit ako at the same time naintindihan ko din sya. Sumunod si Darwin Butler dahil hinahanap nya ang childhood bestfriend nya. Sunod si Jairus Freeman dahil umalis ang bestfriend nya na si Win at Darwin. Si Rain Thompson din kasali samin pero umalis din dahil nakita ng mga teachers one day na magaling sya pag dating sa baseball. At ang pang huli, si Inigo Burns. Mas napalapit din kasi si Inigo kay Hunter kaya nag kahiwa hiwalay na kami. Kaya kaming tatlo nalang ang natira. Pero sa ngayon dalawa na muna silang sumasayaw.

Nag tabling naman na si Light at pinanuod ko sya sa galaw nya. Nang biglang pag apak ng paa nya sa semento.....

"Aaahhh!!" Napadungaw ako sa railings ng hagdan.


"Is he ok!!?" Tanong ko kay Vince na nakalapit na ngayon kay Light. Hindi naman ako sinagot ng dalawa at inalalayan nalang ni Vince na tumayo si Light. As expected.

--


'Sssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhh'

Inispreyan ni Miss. Tibon ang kabuuan ng paa ni Light. Sa kanang paa exact. Ang OA nga eh. Halos ibuhos nalang ni Miss. Tibon ang laman ng spray sa paa ni Light.


Sumandal ako sa isang sandalan ng upuan sa harap ko. Si Vince naman nasa couch at pinapanuod ang ka OA-yan ni Miss. Tibon.


"Ah ah! Masakit!! Masakit kaya!!" Reklamo ni Light. Tiningnan naman sya ng masama ni Miss.


"Kasalanan mo to! Haay naku kayo!! Diba sabi ko sa inyo wag muna kayo mag practice ng sayaw ng kayong dalawa lang.!!" Natawa nalang ako dahil sa nag lelecture nanaman sya samin. Sya kasi ang naging teacher namin nung freshman kami.


"Miss naman, we need to practice!" Reklamo ni Vince.


"Aray!! Masakit na!!" Sigaw pa ni Light.


"Miss baka naman lalo syang masprain nyan?!!" Tanong ni Vince. Pano naman kasi di mo malaman kung sanay ba talaga si Miss o hindi. Nasan na ba kasi ang nurse dito?


"Wag kayong ano! Sanay ako!!"


"Di naman namin sinasabing hindi ka sanay eh!"


"Depensive!" Hahaha tumawa kami dahil si Miss. lalo lang pinilipit ang paa ni Light.


Natigil ako sa kakatawa ng makarinig ako ng humihikbi sa loob ng bedrooms. Umalis na muna ako at pumasok sa mga bedrooms. Hinawi ko ang kurtina at lalo kong narinig ng malakas ang hikbi nang isang babae. Sure akong babae yun.

Pina kinggan ko pa nang mabuti. Kilala ko yun ah!

"Ng- ng dahil sakin!! Nang dahil sakin! Napilay tuloy si Collin. Huhuhuhu!" Ha? Ano daw? Ako?

.
.
.

Hahaha cute talaga nitong si Imo....

--

IMOGEN'S POV

Iyak lang ako ng iyak. Pano na si Chi nito? Pano na ang paa nya? Bakit ba kasi ang malas ko?

Natigil naman ako sa pag iyak ng biglang bumukas ang kurtina. Pumasok si Chi ng nakangiti at umupo sa kama na katapat ng kama na hinihigaan ko. Nagising na nga lang ako kanina na nandito na ko eh. Nakahiga.

Pinunasan ko ang luha ko at sya naman nag indian sit sa tapat ko.

"Why are you crying?" Kumunot ang noo. Tiningnan ko ang paa nya at wala naman diperensya.


Tinuro ko ang paa nya at tiningnan naman nya yun. Inangat pa nya at winagayway sa harapan ko. Dahil sa matangkad sya, halos maabot na ko ng paa nya.


"Akala mo nasprain ako? Hahaha!" Iniyakan ko pa sya. Langya! Dahil sa inis ko! Ginantihan ko nga. Hinampas ko ang paa nya at nag takip ng ilong.


"Ang baho!!" Sigaw ko. Natawa naman sya lalo at inamoy pa ang paa nya.

"Hindi naman ah!"

Nag tawanan nalang kami dahil sa ginagawa nya.

Natigil lang ang pag tawa namin ng biglang may mag salita.


"Gelet, are you ok?" Yung malamig at malalim na boses na yun. Hunter.


"Hmmm." Tumango ako kahit na hindi nya naman ako nakikita. Hindi naman kasi nya hinahawi ang kurtina. Humarap ako kay Chi na nakasandal na sa pader na parang nagtatago.

"Can we talk?" Hindi ako sumagot sa tanong nya kaya nag buntong hininga si Hunter. "Are we still- we? You know." We? Kami pa nga ba?

Oo.. oo kami pa. Oo tayo pa! Sisigaw ko na sana sa kanya yun pero natigilan ako. Naalala ko nanaman ang aksidente na nangyari last 1 year ago.... safe answer.


"Sorry Hunter. Kung- kung hindi man ako nakarating nun sa date natin." Oo. Date namin nun. Nung nangyari ang aksidente. Our 2nd year anniversary.

Matagal na walang nag sasalita samin. Nararamdaman ko na din na nanunubig na ang mata ko. Si Chi naman nakatingin lang sakin.


"A- ahh. Wala yun. Hindi din naman kita natawagan kaya sorry din."

Is this goodbye then?

His The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon