Ng Dahil Sakin

148 5 0
                                    


Chapter 9

Nag tatakbo ako papunta sa classroom namin. Late na ko nakapasok dahil 12 na din ako nakauwi kagabi galing sa bahay nila Saige. Nag karoon kasi kami ng mini reunion. Kakagising ko lang kaya naman nalate ako.

Pag dating ko naman sa room naririnig ko na ang katahimikan. Binuksan ko ang pinto sa dulo ng room at nakitang nakatalikod si Sir. Galang sa klase dahil nag susulat sya sa whiteboard. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa upuan ko na nasa dulo pa ng room.

Nakaupo naman ako ng ayos. Nang makita ko si Dawin na nakatingin sakin tinaas ko ang kamao ko sa kanya. Iniwan kasi ako nyan kagabi kila Saige kaya ako ang napagtripan ng mag pipinsan na yun. Yumuko naman sya sakin na parang nag sosorry pero natatawa naman ang loko. Inirapan ko nalang.

Kaso pag harap ko sa harapan ko, bigla nalang ako nabahing. Kaya ayun! INGAY!!

Napatingin sila sakin lahat maging si Sir. Galang.

"Ano ba yan Imogen!" Sigaw sakin ng nasa harap ko at umusog papalayo sakin. Nag sorry naman ako sa isip isip ko. Asa sya!

"Oh Miss. O'Brien! Nandito ka na pala!! Good morning!" Napatingin ako kay Sir. Galang na hindi mo malaman ang itsura kung galit ba o ano.



"Hehe. Good morning din po." Sabi ko na syang ikinatalikod sakin ni Sir at humarap nalang ulit sa board. Napasimangot naman ako at tumingin nalang sa may field. Glass lang naman kasi ang nag haharang sa field at dito sa room namin eh. Kitang kita ang field dito.

Kaso pag lingon ko, agad din akong napayuko. Oh jusko!! Please!! Sana hindi sya yun!!

"Scarlett!!!" Shit! Bakit sumigaw pa sya?

Tumingin ulit ako sa field at nakitang kinakawayan na nya ako. Tumatalon pa nga ang uto eh. Shit naman oh!

Pinag cross ko ang mga braso ko at nag mouth na sinaaabing "wag kang maingay!" Kaso wala pa rin. Tumatakbo sya na parang nag mamaraton pero hindi naman umuusad sabay sigaw.

"Scar!!! Lets play!!" Not now kiddo!!

"Shhh!! Quite!! Mapapatay ako ni Sir nito eh!!" Di ko alam pero napalakas na pala ang sigaw ko nun kaya naman.

"Miss. O'Brien!" Napatayo agad ako ng tuwid. "OUT!!!"

--

COLLIN'S POV

"Scar!!! Lets play!!" Sigaw ko kay Scar. Napatayo naman sya at inangat ang mga braso nya na nakacross sign. Eh?


"Shhh!! Quite!! Mapapatay ako ni Sir nito eh!!" Napatingin naman ako sa harapan ng room nila at nakita si Sir. Galang na masamang nakatingin sa kanya. Oh ow! Sorry Scarlet hehe.


Tumakbo ako agad at pinuntahan kung saan ang floor nila Scar. Nang makarating ako sa floor nila, nakita ko syang nakatayo sa harap ng room nila. Looking at her talking to no one, Makes me laught. Mukha syang eng-eng!



Sinuot ko ang headphone ko at pacool na nag lakad habang sumasayaw papunta sa kanya. Umikot ako at saktong huminto sa harap ni Scar na nakakunot ang noo. Hahaha cute.



Inalis ko ang headphone ko at namulsa sa harap nya. "Bakit ka nandito sa labas?" Lalong kumunot ang noo nya.

"Tinatanong mo pa talaga ako kung bakit ako nandito sa labas?" Actually, no. Hahaha alam ko naman kung bakit ka nandito eh. Nang dahil sakin. Hahaha nang iinis lang naman ako. Ang cute nya kasi.


"Easy, Imo." Lalong nangunot ang noo nya sa sinabi ko. Hahaha ayaw nya siguro sa Imo. Sinuot ko ulit ang headset ko and then I snap my fingers infront of her. Napaatras naman sya pero hinila ko ang kamay nya. Nag lakad kami habang ako sumasayaw na ikinatawa nya. Hanggang sa pati sya nakisayaw na din.

Tawa lang kami ng tawa dahil sa sayaw kami ng sayaw eh wala namang tugtug. Kahit kasi nakaheadphone ako hindi ko in-on ang music dahil hindi ko maririnig si Scar. Malapit na kami sa hagdan ng biglang nag ring ng malakas.

'KRINGGGGG KRINGGGG'

Nanlaki ang mga mata nya at hahampasin pa sana ako pero tumakbo nalang sya ng mabilis pabalik sa harap ng room nila. Hingal na hingal namang napahinto si Scar sa pag takbo. Saktong lumabas naman si Darwin at lumapit kay Scar at ginulo ang buhok nya.

Nakita ko namang lumabas din si Sir. Galang at tiningnan ng masama si Scarlett at umalis na.

Pag kaalis na pag kaalis ni Sir nag tawanan silang dalawa. Seeing her laughted infront of me makes my day. She makes me smiled and happy for no particularly reasons.

Nag simula ng mag sidaanan ang mga studyante sakin. Ni hindi man lang ako batiin. Kakaiba talaga tong mga to! Hindi na ko kilala. Hahaha

Sinuot ko nalang ulit ang headphone ko at nag lakad na paalis. This time in-on ko na ang music.


"Atleast there someone who can talk to me."

--

IMOGEN'S POV

"Hoy! Ng Dahil Sakin! Tara dito!!" Sigaw sakin ni Rain at hinila ako papunta sa isang room. Iniwan ko na muna ang nililigpit kong baseball. Mamaya ko nalang itutuloy.

Tiningnan ko ang room at may nakita akong tv na nasa gitna. Ang laki. May baseball player na nakatayo sa gitna ng tv.

Nakita ko naman si Rain sa tapat ng tv. May hawak syang bat at bigla nalang ini-swing saktong tama sa bola ng baseball. Rinig na rinig ang tunog nito kaya napapapalakpak ako. Ang galing galing!!

Bigla akong hinila ni Rain hanggang sa nasa tapat na ko ng tv. Inabot nya sakin ang bat at pumwesto sa likod ko.


"Hi- hindi ako sanay." Sabi ko na nag palala pa sa sitwasyon.


Pumwesto sya sa likod ko at niyakap ako. Hinawakan nya ang mga kamay ko na hawak ang bat at naramdaman ko na medyo tinuhod nya ang likod ng tuhod ko kaya naman napa bent down ako. Sinandal nya ang baba nya sa balikat ko. And shit!! Tukso! Layuan mo ako!!!

Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko!! Oh ow! This is bad!


"Ok na."


Ini-swing nya ang bat na hawak namin at napapikit ako sa lakas ng tunog ng bola na tumama sa bat.


Natamaan ko? Seryoso? Natamaan ko nga!!!



Humarap ako sa kanya at sisigaw na sana ng marealize ko na ang lapit namin sa isa't isa. Ngumiti sya sakin at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.


"Hoy, Ng Dahil Sakin..... date tayo."


His The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon