HER PLAN

172 6 0
                                    

Chapter 5

Bumalik naman na ako sa may field para linisin na ang mga bola na nag kalat.

Sinimulan ko naman na agad na pulutin at ilagay sa lalagyan nito. Kaso hindi ko pa napupuno ang basket biglang may sumipa nuon. Nang tingnan ko kung sino ang sumipa lalo akong nabanas. Sino pa ba? Edi si Rain.

"Dun ka muna sa Baseball room mag linis." Tas umalis na sya pag kasabi nya nun. Sa inis ko sinipa ko ang bakal na basket ng baseball kaso ako lang din ang nasaktan. Nag tatalon ako sa sakit saktong lingon nya sakin. Tinaasan nya ko ng kilay. "Hoy Nang Dahil Sakin!! Ano? Sasayaw ka nalang jan? Bilisan mo!" Sigaw nya sakin at tumalikod na. Nakita ko pang gumagalaw yung balikat nya na parang tumatawa. Langya! Bwisit!!

Tsaka ano daw? Nang Dahil Sakin? At talagang ganun na ang tawag nya sakin ngayon!!!! Arrrghhh!!! Curse him to death!!!! Joke lang pala!! Baka mag katotoo ako pa masisi.



Last na batting helmet na hawak ko ngayon at pinupunasan ko. Ito kasi ang pinagawa nya sakin. Sya naman nag shoshower na kanina pa. Hanggang ngayon nga hindi pa lumalabas eh.

"Rain!! Nandyan ka- kyaaaahhh!!!" Biglang may isang babaeng pumasok dito sa loob at basta basta nalang tumili. Teka! Kilala ko to. Sya yung nag pupunas ng pawis ni Rain kahapon!


Nang makabawi na sya sa gulat. Tumayo sya ng tuwid at tiningnan ako ng masama. As in ang sama! Nameywang pa sya at tinaasan ako ng kilay. "What are you doing in here?" Hindi ko nalang sya pinansin at nag punas nalang ulit nitong helmet. Ang ganda nya na sana eh. Mataray lang. "Huh! Hoy Imogen!! Kinakausap kita!!" Napatingin naman na ko sa kanya. Kilala nya ko?

Ay bobo! Malamang oo. Sikat na ko dito sa academy eh. Ang malas na babae. Walang iba kundi si Imogen Scarlett O'Brien... ow jesus.

"Hoy! Ang ingay mo naman!!" Natauhan naman ako ng mag salita si Rain. Humarap ako sa likod ko pero halos lumuwa na ang mata ko. O ow!
He's so damn hot!


"Don't blame me!! I'm talking to her but still no response!!" Sigaw nanaman nung babae. Ako? Nakatulala pa rin sa mala adones na katawan na nakabalandra sakin kaso natauhan ako ng may tumama sa mukha ko.

Tiningnan ko ng masama si Rain. Hagisan daw ba ako ng tuwalya? "Lumayas ka na. Ok naman na yan eh!" Sabi nya at hinablot ang towel sa kamay ko. Pinunasan nya ang buhok nya at naupo sa tabi ko.

"Ganun nalang yun? Papaalisin mo nalang sya ng-"

"Iona! Shut up!" Sigaw sa kanya ni Rain. Dahil sa awkward. Tumayo na ko at nakayukong lumabas. Buti nalang nang madaanan ko si Iona daw eh hindi ako inano. Pero ano? Iona? Hindi kaya sya yung- haha ha. Hindi din. Mabait daw si Iona eh sabi ni Tita. Yung nanay ni Dawin.

Nang tuluyan na kong makalabas. Sumandal muna ako sa pinto.

"Rain!! Alam mo naman na inis ako sa babaeng yun eh!!" Hindi ko sinasadyang marinig na sabi ni Iona sa loob. "Rain!! I'm talking to you!! Don't you dare turn your back at me Thompson!!"

"Pwede ba Iona!! Tumigil ka na!!! Diba nga ginawa ko na syang tagalinis dito sa baseball team!! Tumahimik ka na jan!!" Natigilan naman ako sa sinabi nya. So, si Iona ang dahilan. Sya ang dahilan kaya ako naging alalay.

Huh! Iba ren!!


--

Buhat buhat ko ang bag ng baseball. Yung iba nga nag kakalaglag na pero ok lang. Last bag naman na to. Habang nag lalakad ako may biglang kumuha sakin ng bag.

Nakita ko si Dawin na nakangiti sakin.

"Anong oras na ha! Akala ko ba uuwi ka na?." Pag kabigay ko sa kanya kanina ng folder ang sabi ko uuwi na ko. Hindi nya naman kasi alam na ito ang kapalit nung nangyari kay Rain. Na utos pala nung Iona na yun.

Nginitian ko nalang sya at pinulot ang ibang bola na nalaglag.



Pag katapos naming mag pulot ng bola sa field umuwi na din kami. 7 na ng gabi kaya naman bumili nalang kami ng noodles sa 7-11 at kinain dito sa playground na malapit lang sa academy.

"Dawin." Napatingin naman sya sakin at tinaasan ako ng kilay habang hinihigop ang noodles nya. "Mabait ba si Iona?" Natigilan naman sya pero tinuloy na din ang pag kain. Nang makain nya ng hanggang dulo ang noodles tumingala sya.

"Oo? Ata." Naguluhan ako sa sagot nya pero di na ko nagtanong about dun sa sagot nya.

Hinigop naman na nya ang noodles nya at ako naman binaba ko nalang ang akin sa lapag at nag swing ng mahina. Hindi naman kasi ako gutom.

"Mabait nga sya no Dawin? Kasi maganda naman sya, mayaman, mabait pa." Nung makita kong pinag papatuloy lang nya ang pag higop sa sabaw nag patuloy na ko sa sasabihin ko. "Kaya siguro nyo sya nagustuhan hano? Lalo ka na." Naubo naman sya sa sinabi ko at natapunan sya ng sabaw sa uniform nya kaya naman napatayo sya. Nabitawan na din nya ang cup noodles nya at nag tatalon. Pati sapatos nya nalaglagan ng sabaw.

Nakatingin lang ako sa kanya. Kung tutuusin nakakatawa ang itsura nya dahil talon lang sya ng talon habang namumula ang mukha. Hindi naman mukha ang tinapunan ng noodles pero namumula pa rin sya.

Nang makarecover naman na sya tiningnan na nya ko. Nakita ko ang galit sa mata nya pero napalitan din naman yun nang bumaba ang tingin nya sa noodles ko. Bumuntong hininga sya at lumuhod sa harap ko. May pinulot sya sa gilid ko at nilagay sa mga hita ko. Cp?

"Ang burara mo talaga!" Sabi nya sabay gulo sa buhok ko. Tumayo naman na sya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sakin patayo. "Alam kong may gumugulo nanaman sayo. Di ko alam kung ano nanaman ang nangyari sayo pero hindi yun kamalasan." Napatingin ako sa kanya. Inakbayan nya ko at nilapit ang mukha nya sa mukha ko. "Maganda ka lang talaga kaya sila nagkakaganun." Bulong nya na ikinapula ng mukha ko.

Nung hindi ako nag salita napatawa lang sya at hinila na ko palakad. "Tara na! Hindi ko na muna tatanungin ang iniisip mo." Napatingin naman ako sa kanya at nangunot ang noo. Himala!

Sisigaw na sana ako pero nginitian nya ko ng nakakaloko. "In one condition!! Basta ba ikikiss mo ko?" Agad naman na nawala ang pangungunot ng noo ko at napalitan ng galit nang bigla bigla nalang nya kong halikan sa pisnge. Hahampasin ko na sana sya kaso nakaiwas agad sya at tumakbo na. Shempre ano pa ba nangyari? Ayun! Nag habulan nanaman kami na parang bata. "Hahaha mahuli pangit!!" Sigaw pa nya.


Dawina! Wala ka paring pinag babago.

His The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon