Chapter 23
IMOGEN'S POV
Hindi ko pinansin ang sigaw ni Sir. Hindi ako lumingon ng tawagin ako nila Hunter. Hindi ako huminto at nag patuloy lang sa pagtakbo. Basta tumakbo ako. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa Hospital. Malapit lang naman kasi ang Hospital sa Kang Academy.
Hindi ako mapakali kanina pa. Dahil naalala ko ang panaginip ko kagabi. Sana- sana hindi totoo. Sana kaya nya pa. Sana mag pakita sya sakin. Sana-
Binuksan ko ang pinto ng VIP room ni Chi. Kahit hingal na hingal ako. Nagawa kong ngumiti ng makitang may heartbeat pa sya sa monitor. Akala ko.....
Pero yung ngiting yun, yung akala ko. Yung pag asa ko. Nawala... naalis....
Nawala ng makita kong biglang nag straight line ang nasa monitor. Nakarinig ako ng nakakabinging tunog hanggang sa wala na kong marinig. Wala na kong maramdaman sa paligid.
Biglang nag flashback ang nangyari samin ni Chi nung mga panahon na hindi ko pa alam ang nangyari sa kanya. Yung panahon na ang saya saya namin. Yung panahon na sumayaw lang sya sa harapan ko mapapangiti na ko. Yung panahon na halos kainisan ko na sya dahil sa madalas nyang pag sayaw pero ngayon. Ngayong nakikita ko to, parang gusto ko nalang makita lagi si Chi na sumasayaw sa harapan ko.
"Imo-na- mamimiss kita..... hihintayin kita imo.... hihintayin kita.... diba mag kaibigan tayo? Pero Imo... Pwede bang sumama ka na sakin? Hahaha joke lang Imo-na... gumising ka na..... dahil kung hindi.... isasama na kita.... Imo-na, may isa lang akong hiling.... pag natupad mo. Tutuparin ko din kung ano man ang hilingin mo." Nakatingin lang ako kay Chi na masayang nasa harapan ko. Iba ang itsura nya. Iba ang pananamit nya.
Wala yung heaphone nya na madalas nakalagay sa leeg nya. Wala yung jacket nya na malaki ang hoodie. Wala din ang uniform ng Kang Academy......
Hospital dress. Yan ang suot nya.. habang may nakalagay na kung ano ano sa kamay at ilong nya.
Tumango ako. "Anything Chi." Ramdam ko na ang pamamasa ng pisnge ko pero wala namang luhang lumalabas.
Ngumiti sya at lumapit sakin.. sobrang lapit na namin sa isa't isa pero hindi pa rin nag kakadikit ang mga balat namin. Natatakot ako... natatakot ako na baka pag hinawakan ko sya, hindi ko na magawa.
"Imogen Scarlett O'Brien.... pwede bang pumunta ka sakin bukas? Ikaw ang gusto kong makita.. ikaw ang gusto kong makasama. Pwede ba?"
Naguguluhan man. Tumango ako... sunod sunod na tango ang ginawa ko. Lalong lumawak ang ngiti nya.
"Imo-na....... salamat." Tinitigan nya ko. Ganun din naman ang ginawa ko. His eyes..... Chi... anong nangyayari?
Hahawakan na sana nya ang pisnge ko pero tumigil sya. Bumuntong hininga sya at nilapit ang mukha nya sa tainga ko. "Imogen, gumising ka na... dahil pag hindi.. there's a possibility na isama kita." Umayos sya ng tayo at tinitigan akong muli. Ngumiti sya at dahan dahang nilapit ang labi nya sa noo ko. Nang maramdaman ko ang init ng labi nya. Napapikit ako. "Imo-na. Be happy with Hunter..... I love you Imo-na." Sabi nya at hinalikan ako sa labi... pero hindi pa nag tatagal ng isang segundo nawala na sya.
Nawala na si Chi dahil nagising ako...
Iyun din ang dahilan kung bakit pa ko pumuntang hospital kagabi. Inintay ko syang magising pero hindi sya gumigising. Hanggang sa mag hapon nangyari na ang hindi ko inaasahan....... at eto na yun.
Nag kakagulo na ang mga doctor sa harapan ko. Pero ako nakatulala pa rin. Nakatingin pa rin sa katawan ni Chi na sumusunod sa pag taas baba ng bagay na hawak ng doctor.
Chi.... bakit?
--
1 year later.....
Nag lakad na ko paakyat sa fourth floor ng building namin. Ngayon lang ako pumasok.. wala naman kasing ginawa kanina..
"Imo!!" Nang makatungtong na ko sa fourth floor. Si Inigo agad ang nakakita sakin. "I'm here!!" Nginitian ko sya ng nasa harapan ko na sya. "Bakit ngayon ka lang pumasok?" Hindi ko sya sinagot at nag kibit balikat nalang.
Iniabot naman nya sakin ang isang folder. Kinuha ko naman yun at binasa. "Hectic aah!" Sabi ko habang binabasa ang guesting nila this day. Maya mayang 3 lang aalis nanaman sila papuntang North High School para sa intrams nila. Inimbitahan kasi sila para i-entertain ang mga pupunta sa intrams.
"Haha oo nga eh. Osige na. Mamaya nalang ulit. Mag pakita ka ah sasama ka!" Sabay pingot sa ilong ko. Tumakbo naman na sya pababa sa hagdan. Sinundan ko lang sya ng tingin.
1 year has been pass. 5 months din akong nag stay sa korea. December palang nung isang taon nag bakasyon na ko. Ewan ko, hindi ko kinaya ang sakit eh. Naintindihan naman ako ni Hunter at madalas syang tumawag nun. Sobrang natuwa ako dahil ni katiting walang nag bago saming dalawa.
Were all Junior High. Ayos naman. Una dahil bumalik na ang NEW.. pangalawa sikat na ulit sila at ako ang ginawa nilang manager. Pangatlo-
"Chi!!" Napatingin naman ako sa isang pares ng sapatos na makikita sa ibaba ng hagdan. Dahil nasa taas ako ng fourth floor. Hindi ko pa makita ang itaas na bahagi ng katawan ng lalake dahil nga sa nasa baba sya. Nang tuluyan naman ng makalapit ito sa may hagdan tuluyan ko na ding nakita ang mukha nya. Nakapa mulsa sya sa jacket habang nag lalakad. Walang pinag bago... headphone.... jacket with hoodie......
Lumapit sa kanya ang walong miyembro ng NEW group. Lumapit sila sa isa pa nilang kagrupo na mag kukumpleto sa halos dalawang taong pag kukulang kulang nila.
Chi....
"Tangna ka Chi!! Masyado kang nasarapan sa pag tulog!!" Sabay batok ni Light.
"Haha napagod ako mga pre."
"Hahaha di ka kasi gumaya dito kay pareng Bata! Isang gabi lang nakatulog!" Sabi ni Inigo at inakbayan pa si Chi.
"Alam mo naman yan! Inlove! Hahaha" binatukan naman ni Hunter si Win.
"Grabe.. anong namissed ko?" Nag tatawanan lang sila habang nag uusap usap. Kahit malayo ako, rinig na rinig ko ang usapan nila. Dahil kaming sampo lang naman ang nandito sa hallway ngayon dahil nasa loob na ang ibang mag aaral ng club room nila.
Natigil naman ako sa pag ngiti ng makitang napatingin sakin si Chi. Tumitig sya sakin at halos hindi ko na mapaliwanag pa ang nararamdaman ko.
Maging sila Inigo natahimik na din sa pag tawa at nag pabalik balik ang tingin nila saming dalawa ni Chi.
Si Hunter nakita kong nakasimangot pero binulungan sya ni Darwin at tumango. Nginitian nya ko at tumango sakin. Napatingin naman ulit ako kay Chi. Nakangiti na sya sakin...
Yung ngiting nakikita ko sa kanya pag sumasayaw sya sa harap ko. Yung ngiting Chi na nakakapag pangiti na din sakin. Collin Kang Knight..
Yung pinipigil kong luha... walang pag aalinlangang tumulo sa sinabi nya...
"My fantasy just came true."
"Your back. My guardian angel."
The end.......
---
WELCOME BACK CHI!!!
BOOK 2?
VOTE FOR IT GUYS..
BINABASA MO ANG
His The One (COMPLETED)
RomanceMalas na babae. Yan ang tawag sa kanya. Dahil na din sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay nya. Maging ang mga malalapit sa kanya nadadamay. Malas lang ba talaga sya o kasama lang iyun sa plano ng tadhana?