Goodluck

124 7 0
                                    

Chapter 12

COLLIN'S POV

Kanina pa iyak ng iyak si Imo dito sa leisure room namin. 6 na din ng gabi pero ayaw pa daw nyang umuwi. Ring nga ng ring ang cp nya kanina pero hindi nya pinapansin at pinatay nalang.

"Haaaay."

"58." Napatingin naman sya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Kanina ka pa eh. Pang 58 mo na yung buntong hininga mo." Totoo yun. Binilang ko talaga kanina pa. Nakakabanas na kaya. Ang lungkot nya kasi. Sabi ko sasayaw ako wag na daw. Iiyak lang daw sya lalo.

"Ng dahil sakin, kaya sya naaksidente." Tiningnan ko lang sya. Lahat nalang ba dapat nyang isisi sa sarili nya?

"Hindi ah." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

"Pano mo nasabi? Malas ako. Na- namatay ang both parents ko ng dahil sakin. Tas kung ano ano pang kamalasan ang nangyari hanggang sa pati si Hunter nadamay." Yumuko sya at narinig ko nanaman na humihikbi sya. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap nya. Hinawakan ko sya sa baba at iniangat ang mukha nya para tumingin sakin.

"Hindi mo kasalanan. Kaya nga aksidente diba? Hindi mo kasalanan." Sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha nya at nginitian sya.

"Pan- pano mo nasabi? Hindi mo naman alam eh!"

"Yung isang truck ang may kasalanan Scarlett. Green light pa kasi eh umandar na agad. Kaya ayun, nag karoon ng aksidente." Napatitig lang sya sakin pag katapos kong sabihin yun. Yun? Oh ow! My bad!

"Pa- pano mo alam?" Nanlalaking tanong nya.

Tumayo ako at nameywang. "Malamang!! Bi- binalita kaya yun!!" Not! Nag request kasi ang pamilya ni Hunter na wag ibalita ang nangyari dahil mapapahamak ang lahi nila. Si Hunter kasi ang parang pinakamalakas ngayon sa mga Young. Sa mga lahi nila ng Mafia. At pag nalaman yun ng mga kaaway ng Young susugod ang mga ito.

"Ha? Hi- hindi naman pumayag ang papa ni Hunter na ipabalita ang nangyari eh." Matay!

Tinawanan ko nalang sya at nag tatakbo na paalis. Umakyat agad ako sa hagdan at shempre hinabol nya ko.

"Hoy Chi!! Sandali!! Hintayin mo ko!!." Di ko na sya pinansin at binuksan na ang pinto para makalabas na sa Leisure room.

"Collin muntik ka na dun!!" Pinukpok ko ang ulo ko dahil sa katangahang nasabi ko sa kanya.

--

IMOGEN'S POV

Weird talaga nung Collin na yun. Basta basta nalang nawala.

"Hoy!! Scar bat nandito ka pa?" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Win na kasama si Jairus. Tumakbo sila papunta sakin.

"Hehe, may hinahanap lang kasi ako." Kumunot naman ang noo ni Win.

"Si Darwin ba? Umuwi na sila ni Iona kanina pa. Mukha may LQ nga sila eh."

"Eh? Bakit? Atsaka si Chi ang hinahanap ko!"

"Hahaha nag taka ka pa! Eh laging may LQ ang dalawa na yun. Tsaka iyan oh." Bigla namang sumulpot si Ada at tinuro ang leeg ko. Hinawakan ko naman ito at naramdaman na may band aid. Oo nga pala. Yung kanina.

"Naku! Hindi naman sinasadya ni Iona yun eh." Sabi ko. Natawa nalang silang tatlo at hinila na ko ni Win.

"Tara na. Uwi na tayo! Ikaw ah! Naalala ko ang sinigaw mo sa may Field. Hindi kaya kita type. Hahaha" ok. Thats it!

--

"Sino nga pala si Chi?" Tanong sakin ni Win. Ihahatid daw nya ko sa condo ko.

"Kaibigan ko. Lintik na yun. Nakakabanas nga eh."

"Kaibigan mo? Anong year?"

"Oo. Hahaha Freshman palang."

"May kilala akong Chi. Pero malabong sya yun." Sasabihin ko na sana ang buong pangalan ni Chi sa kanya ng mapansin ko na nandito na kami sa tapat ng condominium.

"O bukas nalang Win. Salamat ah."

Nginitian naman nya ko at tinaas ang hawak nyang ice cream. Bumili kasi kami kanina sa grocery store na nadaanan namin.

"Wala yun. Basta ba dito eh hahaha." Tumawa nalang kami. Mabait naman pala to eh. Tsaka yung sinabi ni Rain na bakla daw si Win? Hindi naman sya bakla eh. May mga tumatawag pa nga kanina kay Win na puro babae pero hindi nya sinasagot.

"Ingat ka ah!" Kumaway na ko sa kanya at umalis na din naman sya.

Nakita ko pa ngang napatid sya eh kaya natawa ako pero nawala din ang tawa ko ng may maalala ako.

Sure akong ng dahil nanaman sakin kaya sya natapilok..

--

Wala naman nangyari nung nakaraang sabado at lunes nanaman bukas. Matutulog na sana ako ng biglang nag ring ang phone ko.

Sinagot ko nalang agad dahil hindi ko naman na mabuksan ang mata ko.

"Hel-"

"Nang Dahil Sakin!! Agahan mong pumasok bukas!! Kita tayo sa may entrance ng school! Pag wala ka pa dun ng 5 am hindi ako sasama sa game bukas!!" Binaba na nya agad ang call kaya hindi na ko nakasigaw sa kanya.

Pero ano daw? Bukas 5 am? Ang aga kaya nun. Edi tatlong oras pa ko mag hihintay dahil 8 pa ang simula ng klase. Bahala sya! Mag hintay sya dun mag hapon!

--

Yeah I lost! Nandito ako sa may waiting shed ng labas ng academy. Nandito na nga din ang ibang teammates ni Rain pero sya wala pa. Tas si Iona nakita ko kanina ang sama ng tingin sakin. Ano nanaman kayang problema nito?

"Nang dahil sakin!!" Tumayo na ko sa inuupuan ko dahil sya na yun. Nag sisimula na ding mag pasukan ang ibang kateam ni Rain sa bus. May laban kasi sila sa Marry Jane High. Kasama si Iona dahil manager sya ng baseball team. Tumakbo sya palapit sakin. "Akala ko hindi ka pupunta eh! Hahaha"

Tiningnan ko lang syang masama. Kita ng puyat ako eh! Pano ang aga kong gumising para lang panuorin ko syang sumakay sa bus! Imagine?

"Hoy Thompson!! 2 minutes!!!" Sigaw sa kanya ni Iona at pumasok na sa bus.

Tumingin naman na ulit ako kay Rain at nakatingin na pala aya sakin. Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. "Pag nanalo ako, mag dedate tayo! Hintayin mo ko ah!" Sabay takbo.

Ano daw? Hindi naman ako pumayag eh!!

His The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon