The Truth Behide the Story

122 6 0
                                    


Chapter 15

IMOGEN'S POV

Dahil nga naging Viral ang pagiging mag on nila Iona at Darwin, nag karoon ng party. Kami kami lang din naman nila Win, Jairus, Ada, Ang apat na Mccray at si Inigo. Di ko nga alam kung bakit pati si Inigo nakasama eh. Buti nalang wala si Hunter. So yun nga, gabing gabi na ko nakauwi kahapon.

At ngayon late nanaman ako.

Tumakbo na ko pasakay sa bus na nakahinto sa bus station. Madadaan din naman kasi to sa Kang Academy. 9 na ng tangahali kaya kakaunti nalang ang mga pasahero. Umupo ako sa bus pangatlo sa huli. Nang makaupo na ko, nanlaki ang mata ko sa nakita kong taong dumaan. Si Hunter.

Sa kabilang row sya umupo sa may pinakadulo. May iilan lang kaming kasabay kaya feeling awkward pa rin ako. Gantong ganto kami nag kakilala noon.

Flashback:

Madilim na sa labas ng bus. Medyo maingay ang mga schoolmate ko na nakaupo sa pinakadulo dahil sa nangyari kanina sa school. Natapunan kasi ako ng harina sa mukha nung time ng tle. Kaya iyan, sikat nanaman ang peg ko.

Huminto ang bus sa isang subdivision at nag sibabaan ang tatlong babae na schoolmate ko. Dalawa nalang kaming tao dito sa bus ngayon. Ang isang lalake na nasa dulo ng kabilang row ng bus.

Sumandal nalang ako sa bintana at ayaw ko man, naiyak ako. Umiyak lang ako ng umiyak. Wala akong pakialam kung marinig ako nung lalake pero nung narinig ko syang natawa ng mahina tiningnan ko sya nang masama. Tumigil naman sya sa pag tawa at tumingin sa bintana.

Sa inis ko, kahit malayo pa ko sa subdivision namin pinindot ko na ang botton at tumayo na. Huminto naman ang bus at bumaba na ko.

Nang mapansin ko na pati ang lalake kanina na kasama ko sa bus bumaba din. Hindi ko nalang pinansin at pinunasan nalang ang luha ko.

Nag hintay ako ng panibagong bus pero wala pa rin. Hanggang sa mag salita ang lalake na nasa tabi ko.

"Gusto mong noodles?" Tiningnan ko lang sya na nakatingin na din sakin. Nag lakad sya at nilag pasan ako. Nakita kong papunta sya sa malapit na 7-11 kaya naman sumunod nalang ako. Nagugutom na din ako eh.

Umupo naman na kami pag kabili namin ng noodles at hinihintay nalang na maluto ang noodles. May nag daan na balot sa labas at nakita kong napangiti sya.

"Gusto mong penoy?" Hindi naman na nya hinintay ang sagot ko at tumayo na. Sumunod naman na ko at bumili sya ng tatlong penoy para sa kanya at tatlo din para sakin. Pero kulang to.

"Kuya lima na po sakin pati sa kanya." Binayaran ko naman na ang dinagdag kong penoy at pumasok na ulit sa 7-11. Narinig ko pa nga ang tawa nya pero nakasunod na din naman na sya sakin. Kinain namin ng tahimik ang noodles at penoy namin. Hinatid nya din ako sa may labas ng subdivision namin nung gabing yun.


At gantong ganto kami nag kakilala nun. Isabay mo pa na pinatugtog ng bus ang theme song namin.

Maybe you'll soon forget about all

Or maybe you'll miss it like I do

One thing's for sure, I'm all knocked out

I spend too much time thinking of you

Dahil sa inis ko. Pinindot ko ang stop botton at tumayo na sa katapat ang pinto ng bus. Ramdam na ramdam ko ang pag titig nya sakin. Can he just pretend that his not looking at me?

Pero hindi ako nakapaniwala sa susunod na nangyari. Bigla biglang pumreno ang bus, at dahil hindi ako nakahawak, napatumba ako... natumba ako sa mga braso pumulupot sa bewang ko... napakapit naman ako sa leeg nya at napako ang tingin ko sa mga mata nyang alalang alala. Rinig na rinig ko ang reklamo ng ibang sakay dahil sa biglaang pag hinto ng bus. Pero hindi ko na pinag tuunan yun ng pansin dahil sa taong nakayakap sakin ngayon.... hunter.....



His The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon