Chapter 10"Gaga ka! Hahaha lagot ka kay Dawiwin! Hindi ka nanaman pumunta sa club room nyo hahaha!" Sabi ni Winter at talagang binatukan pa ko. Inirapan ko nalang at sumandal sa bench na inuupuan namin. Akala mo sya uma-attend din sa club nila.
Nandito kasi kami sa garden ng school. Ayoko sa may field dahil may iniiwasan ako dun.
Hapon na kasi at isang linggo naman na din ang nakakaraan ng mag tanong sakin si Rain. Pero hanggang ngayon hindi ko parin sya kayang harapin. Nekekeheye keye!
Napatingin naman ako kay Winter na biglang nag ring ang phone. Sinagot nya naman yun.
"Hello?..... oh dawiwin!! Namiss mo ko?...... hahahaha aminin mo na- oo na po!! Langya nasigawan pa.!"
"Nakaloud speak na ba?" Narinig kong sabi ni dawin sa kabilang linya.
"Yes bebe."
"Anong bebe bebe ang sinasabi mo ha Mccray!!!? MAKI-RAAAAYYYY KA TALAGA!!!" tinakpan ko naman ang tenga ko dahil sa sigaw na yun ni Iona.
"Selos ka naman!" Ganti ni Winter.
"Aba't!! Nag sasalita ka pa ha!! Patay ka sakin Mccray!! Arrrgghhhh!!!" Bigla naman nag totoot. Pinatay na siguro ni Iona ang tawag.
"Hahaha nainis paps hahaha!" Tiningnan ko lang si Winter na wagas makatawa. Pero maya maya nag ring nanaman ang phone nya. Umayos sya ng upo at ina-answer yung call at niloud speak ulit.
"Hello?"
"Babalaan lang kita Mccray.. alam kong hindi mo kasama si-"
"Kyaaaaaahhh!!! Rain ko ikaw ba yan?? Kyaaaahhh!!!" Tinakpan ko naman ang tenga ko ng nag titili si Winter. Tiningnan ko naman ang caller at nakitang Dawiwin bebe ang tumatawag. Pero si Rain ang kausap nya.
"Hoy!! Anong Rain ko? Manahimik ka nga!! Alam kong hindi mo kasama ang mga pinsan mo. Babalaan na ki-"
"Nag aalala ka sakin bebs?" Singit nanaman ni Winter na nag sspark pa ang mata. Landi mode on.
"Mccray!" Yung pag kakasabi nyan ni Rain parang nag babanta. Pero sa pandinig ata ni Winter nang lalambing!
"Yes bebs?"
Nag buntong hininga naman sa kabilang linya. Sa tingin ko umiiling iling pa si Rain nyan at hinihilot ang sintido nya. Bwahahaha stress ey?
"Isa pang hindi mo ko patapusin sa pag sasali-"
"Yes sir!!" Sigaw ni Winter at umupo pa ng ayos.
"That's it!" Sigaw ni Rain at binaba na ang tawag. Nung tingnan ko naman si Winter daig pa ang nalugi. Bwahahaha pero teka. Wag ngayon. Nakakaawa eh.
Iiyak na sana si Winter pero agad din namang nag ring ang phone nya at sinagot nya agad yun. Mukha nga syang nakakita ng magandang bagay dahil agad agad syang ginanahan.
"Hel-"
"Mccray!! Isa nalang!! Babalaan na kita! Papunta sayo si Iona ngayon kung nasan ka man. Pinipigilan sya ni Darwin pero hindi nya mapigilan. Selos na selos sayo si Iona dahil sa ginawa mo. And oh, one more thing, may dala syang lagare." Walang prenong sabi ni Rain at binaba na ang tawag. Yung katabi ko naman nakatulala habang ang ngiti abot hanggang langit. Langya oh! Mapapahamak na to't lahat eh!
Lumapit ako sa kanya at binatukan na syang nag pagising sa kanya..
"Ano ba Letlet!! Nag de-daydream na ko eh! Storbo!!!" Sigaw nya.
"Aba!! Narinig mo ba ang sinabi nya ha!! Papunta na sayo si Iona!! Bakit ba kasi wala sila Justine at Isha? Isa pa si Saige!!" Agad namang nanlaki ang mata nya at tumayo na. Tatakbo na sana sya paalis ng mag ring nanaman ang cp nya.
"Mccray!!" Si Rain nanaman.
"Ano ba yan! Ok na sana eh! Hindi mo ba alam ang pangalan ko?!!"
"Hindi! Kasama mo ba si Imogen? Kasama ko ang mga pinsan mong Mccray hindi daw nila alam kung nasan si Imogen. Malamang na kasama mo!"
"Ano?!! Kasama mo sila?!!! Mga traydor!!" Sigaw nya. Humarap naman sakin si Winter at dinuro duro pa ko. "AT HINDI KO KASAMA SI IMOGEN!!!" Sabay baba ng tawag. Napaatras ako sa inuupuan ko kasi naman ang sama nya makatingin. "IKAW!!! SELOS AKO!! ARRRGGGHHH!!" Sabay takbo sa gawi ng field. Woah, muntik nako dun!
Napayuko naman ako sa kaba. Lintik na Winter yun. Tsaka bakit naman kaya ako hinahanap ni Rain? Ang sabi nya isang linggo lang daw akong mag lilinis sa baseball team eh. Wag mong sabihin na uutusan nanaman nya ko?
"IMOGEN SCARLETT O'BRIEN!!!"
Akala ko pa naman tahimik na ang buhay ko. Hindi pa pala!
Nakita kong tumatakbo si Iona papalapit sakin. Take note! May lagare nga syang dala! Where the hell she get that?
Nag tatakbo sya papunta sakin at hingal na hingal na huminto sa harapan ko. Nagulat pa ko ng itapat nya sa leeg ko ang lagare.
"NA- NASAN SI MAKI-RAY!!!" Dahil sa lapit ng lagare sa leeg ko hindi ko magawang makapag salita hanggang sa ilapit pa nya lalo. "NASAN!!!"
Napalunok ako at tinuro ang gawi ng field. "D- d- dun!! DUN!!" Agad nya naman inalis ang lagare at yumuko pa sa harap ko. Hanggang sa mag kalapit na ang noo namin.
Pinat nya ang ulo ko na parang aso. "Good!" Sabay takbo. What the hell just happened?
Napahinga ako ng maluwag pero nakaramdam naman ako ng may tumutulo sa leeg ko. Nang hinawakan ko, liquid.
Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ko may dugo. Tss, dugo lang pala!
.
.
.
."Bakit may dugo ka sa leeg Letlet?" Napatingin ako sa tabi ko ng nanlalaki ang mata. Natulala na pala ako dahil sa dugo sa leeg ko. Nilapit ni Dawin ang kamay nya sa noo ko. "May lagnat ka ah!" And as if on cue, everything went black.
BINABASA MO ANG
His The One (COMPLETED)
RomanceMalas na babae. Yan ang tawag sa kanya. Dahil na din sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay nya. Maging ang mga malalapit sa kanya nadadamay. Malas lang ba talaga sya o kasama lang iyun sa plano ng tadhana?