Chapter 8
SAIGE'S POV
"Sai, sure ka bang dito nag aaral si Letlet?" Justine
"Kung dito nga sya nag aaral. Edi sya talaga yun!" Isha
"Sino? Anong sya talaga?"
"The unlucky one." Sagot ni Winter. Nandito kami sa may classroom nila Imogen. Hindi kasi namin kaklase si Dawin. Matalino yun kaya sa star section yun nakakasama. Di na din naman nakakapag taka na dito din napunta si Letlet. Saming mag babarkada. Si Dawin at Letlet lang ang may utak. Pero sama nyo na din ako kasi may utak pa naman ako kesa dito sa tatlo kong pinsan. Sila Justine, Isha at Winter. Ganda lang meron sila. Talino wala. Just being honest here. Mwahaha
"Wala talaga sya dito eh." Sabi naman ni Justine at nag kamot ng ulo.
"Oo nga." Sang ayon sa kanya ni Isha.
"Ay wait!" Parang may naalala naman si Winter at nag lakad papunta sa likod ng room. May locker din kasi dito bawat room. Maliliit na locker lang naman yun hindi gaya sa hallway locker pero ok na din dahil may taguan ng bag. I'm so mean! Gosh hahaha.
Pero nasira ang pag tawa ko dahil sa katangahan nanaman na umandar sa mga pinsan ko. "Letlet? Nandyan ka ba?!!" Sigaw ni Winter. Guess what? Come on guess it! Okay~~ SINISIGAWAN LANG NAMAN NI WINTER ANG LOCKER NI LETLET!!
Himala nga at nabuksan nila kahit may password eh. May mga utak pa naman...
Tumakbo naman papalapit sina Justine at Isha sa kanya.
"Let? Labas na!!"
"Oo nga Let!! Namiss ka namin!!"
Yung totoo? Lumala sila nang mawala ako ng dalawang linggo. Ano kaya ang pinakain sa kanila nang manliligaw nila? Nang hindi ko na makain.
"Hoy!! Anong pinakain sa inyo ng manliligaw nyo ha!" Sigaw ko sa kanila at tiningnan naman nila akong tatlo.
"Hmm? Chocolates?" Justine
"Peanuts!" Isha
"Coffee!" Winter "Bakit?"
"Para hindi ko mapakain sa anak ko!" Sigaw ko at naupo sa desk. Nang tingnan ko ulit sila dahil ang tahimik na nila, mga ganto ang mukha.
O________O
Anyare?
"MAY ANAK KA NA?!!!" Harujusko!! Saluhin nyo po ako!!
---
IMOGEN'S POV
Nag lakad na ko papunta sa room. Siguro bumalik na din sa room nya si Chi. Hindi ko na kasi sya na balikan dahil nandun si Hunter.
Akala ko nga walang tao dahil club hours ngayon pero nakarinig ako ng sigaw.
"MAY ANAK KA NA?!!!" Anak? Sino?
Binuksan ko ang pinto at nakita ang tatlong babaeng sumisigaw lagi sa may field. May nakita pa kong babae na nakaupo mismo sa desk ng upuan ko sa likod kaya lumapit ako dun.
Hindi ako napapansin ng tatlong babae dahil tulala sila at yung isa naman nakatalikod sakin. Kinalabit ko sya dahil nauupuan nya ang folder ko. Kaso nung humarap sya sakin, nanlaki ang mata nya.
"Waaahhhhh!!!" Sigaw nya at nalaglag sya sa desk dahil nga sa gulat. Tiningnan ko lang sya na nakatitig sakin kahit na kita na ang sykling short nya na kakulay ng buhok nya sa baba na orange. Maiksi lang kasi ang palda dito. Mini skirt na mini skirt.
Tinaasan ko nalang sya ng kilay at kinuha nalang ang bag at folder ko. Aalis na sana ako ng sumigaw ang babae na nalaglag kanina. "Le- letylapeya?" Natigilan ako sa sinabi nya at napaharap sa kanya. Tinitigan ko sya ng mabuti at ngayon ko lang narealize na...... iisang tao lang ang tumatawag sakin nun dahil sa laki ng salamin ko nuon.
"Gege-nget?" Nilapitan ko sya at tiningnan ng mabuti. As in ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Mag sasalita na sana ulit ako ng may dumagan sakin. "Aw! Ano- aray!! Put- ouch!!" Pano, unang dumagan ang may green na buhok sakin, sumunod ang may pink na buhok at huli ang may blue na buhok. Akala ko yun na pero sumunod na dumagan sakin si Gege. "PUTA!! MASAKIT!!"
Nag tawanan naman na sila at umalis na sa likod ko. Nang tumayo ako, daig ko pa ang nakipag make out. Yuck! But seriously, gusot gusot ang uniform ko!!
"Hahaha namiss ka namin Letlet!!" Sigaw sakin ng may green na buhok. Tinitigan ko sila ng mabuti at tsaka ko lang narealize na mga gaga sila. Well, dati pa pala. Nung bata pa kami hanggang ngayon.
"Mga gaga!!! Bakit kayo nag pakulay ng buhok? Bakit hindi nyo ko sinabihan ha?!!!" Pano, si Justine kulay ombre green ang buhok. Si Winter naman ombre blue. Si Isha ombre pink at kay Gege ombre orange. Ako lang ang hindi eh. Nakakainis!!!
"Aba! Kasalanan ba namin na napasarap ka na nga sa tagu taguan. Nawilling ka pa sa korea. Langya ka!" Sabay batok ni Isha sakin.
"Anong tagu taguan?" Tanong ko at hinampas ko si Isha sa balikat. Lagay ba papatalo ako! Huh! Aso nalang ang walang ganti!
"Nekneng!! Akala mo kayo lang ni Dawiwin ang nag tatagu taguan? Kasali kami fre!!" At binatukan naman ako ni Justine ngayon. Sinamaan ko sya ng tingin at shempre, binatukan ko rin.
"Hindi kaya kami nag lalaro!! At kung oo man, edi sana sinali ko na kayo!!"
"KAHIT HINDI MO KAMI ISALI, NAKASALI NA KAMI!!!!!" Hindi nga ako sinaktan ni Winter pero narindi naman ako sa lakas ng sigaw nya.
"Aish!!" Kinamot ko nalang ang ulo ko. Humarap ako kay Gege na wagas makangiti. "Ano? Hindi mo ba ko sisigawan o babatukan?!!" Nakangiti lang sya sakin. Maya maya pa lumapit sya at langya!!
"Gege aray ko naman!!" Pano. Niyakap ako ng mahigpit.
"Paps namiss ko kayo!!" Sigaw nila Justin, Isha, at Winder sabay nakiyakap samin. Hahahaha namiss ko nga to!
"Langya oh! Hindi nga daw ako sinali!!" Napatingin naman kami sa may pinto at nakita si Darwin na nakatayo duon.
"Hmp! Dun ka nalang sa Iona mo!" Sigaw ni Saige at niyakap ulit ako kaya yumakap ulit ang tatlo samin. So kasama nya si Iona kanina? Gusto ko na talaga yun makita!
"Hahaha selos ka- aray paps. Oo na di na!" Reklamo ni Justine. Pano sinipa ni Saige. Pati tuloy ako nadamay. Kabayo talaga to!
"Sus! Selos pa naman ang mga girlfriends ko!!" Lumapit na samin si Dawin. Maya maya pa nag kakatitigan nalang kaming lahat. Hanggang sa lumapit sakin si Darwin at niyakap ako ng mahigpit. "GROUP HUG!!!"
"Neknek mo, Dawiwin!!!"
"Style mo bulok!"
"Chansing paps!"
"Selos ako!"
Natawa nalang kami ni Dawin dahil pilit nila kaming pinag lalayo. Pano ba naman nga kasi, group hug daw eh ako lang ang niyakap kaya nag alburoto ang apat. Hahahaha namiss ko talaga sila.
BINABASA MO ANG
His The One (COMPLETED)
RomanceMalas na babae. Yan ang tawag sa kanya. Dahil na din sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay nya. Maging ang mga malalapit sa kanya nadadamay. Malas lang ba talaga sya o kasama lang iyun sa plano ng tadhana?