Rimelyn's POV
Nang makabalik na kami sa table ay wala si Marc. Saan na naman kaya pumunta 'yun? Inikot ko ang paningin ko para hanapin siya. Nakita ko siya sa isang sulok, may kausap sa telepono. Nilapitan ko siya, kakababa niya lang ng phone at tumingin sakin.
"Uwi na tayo."
"Maaga pa.." napatingin ako sa relo ko. Shocks! 1:38am na."Sige, magpapaalam lang ako." he nodded.
"Hihintayin nalang kita sa sasakyan." aniya at lumakad na palabas ng pavillion. Lumapit naman ako kina kuya Zeus para magpaalam.
"Uy, guys. Una na kami." paalam ko sa kanila. Bumeso ako sa kanila isa-isa.
"Mabuti naman at makakauwi na si McCoy. Kanina pa niya gustong umuwi, eh." si Ryle.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Birthday ng kapatid niyang si Ian." si Ryle. Oh my god! Siguro, ganun nga iyong pinoproblema niya kanina pa, hindi siya nakapunta.
"Sige, alis na kami. Naku, kasalanan ko 'to. Dapat kanina pa siya nakapunta, eh."
"Hindi mo naman kasalanan. Hindi mo alam." si Ronnie.
"Oo nga naman. Okay lang iyan." si kuya Luke at sabay tapik ng balikat ko. As I waved goodbye at dali-daling umalis doon. Agad akong pumunta sa sasakyan niya. Pumasok ako doon at saka niya pinaharurot ang sasakyan.
"Sorry kung natagalan."
"Okay lang."
"Hm, Marc? Ba't di mo sinabi sakin na may pupuntahan ka pala?" tumingin siya sa akin at tumingin din sa daan.
"Pano mo nalaman?" tanong niya.
"Kay Ryle."
"Tss, ang daldal niya talaga." he murmured.
"Sorry. Kung.. kung hindi dahil sakin, sana naka-abot ka."
"Wala akong kasalanan. Ako iyong meron, nakalimutan ko kasing may lakad pala kami kanina."
"Kung hindi ako sumama, makakapunta ka."
"Rim, wala ka ngang kasalanan. Kung meron man, iyong hindi tayo umuwi agad. Paano kung nag-aalala na sayo iyong stepmom mo? Pano kung hinahanap ka niya?"
"Huwag mo na kasi akong intindihin. Kaya ko ang sarili ko."
"Kaya mo nga ba?" biglang tanong niya."Hindi mo pa kilala ang mga tao dun. Concern lang ako sayo kasi kaibigin kita. Atsaka, responsibilidad kita dahil sumama ka."
YOU ARE READING
My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)
FanfictionKumpleto rekados po 'to! Every Series, Every Story ng Hashtags :) Kung sino iyong bias niyo sa Hashtags. Pwede niyo pong mabasa ang story nila directly :)