Chapter Nine: Trap

483 17 1
                                    

Rimelyn's POV


"CR lang ako. Gusto mong sumama?" si Gab. Nasa showtime studio kami ngayon.  Hinihintay ang pagsisimula ng show."


"Dito nalang ako."


"Okay." umalis na siya.


Sampung minuto na akong naghihintay kay Gab pero hindi pa din ito bumabalik. Pinabantay ko muna sa katabi ko ang upuan namin para hanapin si Gab. Baka kasi, nanilip iyon sa dressing room ng hashtags. Nasa backstage na ako nang biglang may humila sa akin sa kung saan. Ipinasok ako nito sa wardrobe ng showtime. Yung mga props nila? Walang tao.. sobrang tahimik. Umikot ako para maghanap ng lalabasan pero nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa sahig. Anong ginagawa niya dito? May prod pa sila, ah?


"M-marc?" napatingin siya sakin. Walang pagbabago.. gwapo pa din.


"Rim.." tumayo siya.


"Nandito ka din?"


"Kinulong ako. Hindi ko alam kung sino.." wait? Kung kami lang dalawa dito.. Ohmaaaygaaad, mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito. Ang pinagtataka ko lang, kung sino ang kasama niya?


"Alam ko kung sino ang nagdala sakin dito. Pero sayo, hindi ko alam." tumingin siya sakin.


"Sino?" salubong ang kilay na tanong niya.


"Si Gab, bestfriend ko." bigla siyang natigilan.


"Sinong idol niya sa hashtags?" huh? Ba't iyan ang tinatanong niya sakin?


"Hmm.. lahat kayo?"


"Yung pinaka.."


"Si Ronnie.."


"Si Ronnie at ang kaibigan mo ang nagplano nito."


"Imposible iyan. Wala naman siyang paraan para makipag-tulungan.." tumigil ko. Naalala ko iyong time na nagkita kami ni Gab, 3 days ago.."Iyong phone.."


"Anong phone?" nagtatakang tanong niya.


"Hiniram niya ang phone ko. Ang sabi pa nga niya, i-post ko daw iyong picture niya. Pero, wala naman siyang picture sa gallery ko."


"Pasimple niyang kinuha ang number ni Ronnie. Ang talino nilang dalawa."


"Sandali, paano ka niya naloko?"


"Sinabi niya sa akin na kailangan na daw mag-bihis ng damit para sa prod namin ngayon. Agad naman akong sumunod. Pero, pagka-pasok ko, walang tao. Nung kanina nga, nung bumukas ang pinto akala ko makakalabas na 'ko. Hindi pala." lumapit ako sa pinto. At siya nama'y umup ulit.


"Kailangan kong buksan 'to." anas ko habang pilit na binubuksan ang pinto.


My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)Where stories live. Discover now