Gab's POV
R2 is calling..
Tiningnan ko muna si Rim bago sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Where are you?)
"Bakit?"
(Magkita tayo. I already talked to the staffs. Pumayag na sila. So, kakausapin nalang natin sina tito Mark.)
"At?"
(Samahan mo ko. Hindi naman pwedeng ako nalang ang gagalaw satin, diba?)
"Pupunta ako. San tayo magkikita?"
(Same place.)
"Okay." I ended the call. Ibinaba ko na ang phone ko.
"Sino yun?" si Rim. Tumingin ako sa kanya.
"Si Patrick. Gusto daw akong makita, eh." I lied.
"Dumating na siya? Kailan lang?"
"Kahapon."
"Sama mo naman ako, oh. Gusto ko siyang makita."
"Hindi, dito ka nalang. Isipin mo nalang ang sasabihin mo kay Mccoy. Sige na, alis na ako. Bye." bumeso ako sa kanya at agad na umalis.
Nanghagilap na ako ng taxi at agad na sumakay doon. Nang marating ko ang coffee shop ay agad ko siyang nakita na tumatayo sa isang sasakyan. Lumapit ako sa kanya pagkababa ko ng taxi.
"Ronnie." tawag ko. Napatingin siya sakin.
"Tara na?" aniya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"San tayo pupunta? Akala ko, dito nalang tayo makikipag-kita kay tito Mark?" he shooked.
"No. Pupunta tayo mismo sa bahay nila." sumakay na kami.
"Wala ba si Mccoy dun?" tanong ko habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay nila Mccoy.
"Sana wala." tumingin ako sa kanya.
"Hindi mo alam? Pano kung nandun siya at tanungin tayo? Anong isasagot natin?" he chuckled.
"Sa tingin mo ba, hahayaan kong mangyari iyon? Syempre, hindi. Wala siya dun. I already checked it. Tinawagan ko na si tito Mark, wala daw siya. Atsaka, alam na rin ni tito Mark na pupunta tayo." I sighd with relief.
"Pambihira ka, Ronnie. Tinakot moko dun." he luaghed.
YOU ARE READING
My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)
FanfictionKumpleto rekados po 'to! Every Series, Every Story ng Hashtags :) Kung sino iyong bias niyo sa Hashtags. Pwede niyo pong mabasa ang story nila directly :)