Rimelyn's POV
It's been two weeks since I decided na makipag-date kay Rain. It's been two weeks na hindi na ako nakikipag-communicate kay Marc. Mukhang tama naman ang naging desisyon ko. Kahit papano ay nagiging masaya ako sa company ni Rain. Pero kahit ganoon, tumatawag pa din siya, nagte-text. Because of my pride, hindi ko nagagawang sagutin at mag-reply kahit gustong-gusto ko. Sa two weeks na iyon, narealized kong hindi ko pa din talaga siya nakakalimutan kahit na pilit kong binabaling sa iba ang feelings ko. Nakikita ko pa din siya sa T.V, sa paligid, sa phone ko..
From: Rain
Nasa school na ako. Nasan kana?
To: Rain
Sa cafetaria. Kasama ko si Gab.
From: Rain
Going na ko diyan. Wait niyo ko.
Itinabi ko ang phone ko.
"Ba't ganyan ang mukha mo? Mukhang tinatamad ka yata?" si Gab, bestfriend ko.
"Inaantok lang."
"Halata nga, eh. Ang laki na kaya ng eyebags mo."
"Sobra ka naman. Hindi naman malaki, eh." ako habang tinitingnan ang mukha ko sa screen ng phone.
"Hi, girls." napatingin kami kay Rain. Umupo ito sa tabi ko.
"Hi, Rain!" si Gab.
"Tara na?" si Rain. We nodded. Tumayo na kami at lumakad papunta sa parking lot. Napatingin ako sa paligig. Feeling ko kasi may tumitingin sakin. Pinawalang-bahala ko nalang iyon. Pumasok ako ng sasakyan.
"Bumili muna tayo ng dress before tayo pumunta sa party." si Gab. Tumango naman si Rain at pina-andar na ang sasakyan.
Dumiretso kami sasuking boutique na binibilhan namin ni Gab. Mabilis lang kami doon at agad rin kaming umuwi para maghanda. Nang makauwi at makapasok ng kwarto ay biglang nagring ang phone ko. Baka si Rain. Habang hinuhubad ko ang sapatos ko ay sinagot ko iyon.
"Hello, Rain?"
(Rim, Marc 'to!) bigla akong natigilan. Bigla ding kumabog ang dibdib ko.
"M-mar.. napatawag ka?" kinakabahang tanong ko.
(Tinatawagan kita, ba't hindi mo sinasagot? Ni mga text ko, hindi mo nirereplayan. May problema ba tayo?) may kalakip na lungkot ang mga iyon.
"W-wala. Busy lang ako dahil may klase na kami."
(Pwede ka namang tumawag sa akin pag may time ka, diba? Ba't hindi mo nagagawa? Dalawang linggo na akong nag-aalala sayo. Akala ko, may nangyari nang masama sayo.)
YOU ARE READING
My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)
FanficKumpleto rekados po 'to! Every Series, Every Story ng Hashtags :) Kung sino iyong bias niyo sa Hashtags. Pwede niyo pong mabasa ang story nila directly :)