Chapter Eleven: Yes

448 16 2
                                    

Rimelyn's POV


"Okay ka lang ba?" si Marc. Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon.


"Okay lang ako. Nag-aalala lang ako kay Gab. Kanina kasi, malungkot siya eh."


"Si Ronnie din, eh. Hindi siya kumikibo kanina. Nag-away yata ang dalawa."


"Ano kaya ang nangyari?"


"Iyan ang dapat nating alamin. Maiba pala tayo, saan pala tayo pupunta?" tumingin ako sa kanya at ngumiti.


"Sa May's Garden."


"Anong gagawin natin dun?"


"Secret." he frowned.


"Kinakabahan tuloy ako."


"Dapat nga maging masaya ka, eh."


"Bakit?"


"Makaka-libre ka ng hapunan."


"Loko ka talaga. Pero, parang may nararamdaman akong kaunting kaba na may excitement. Hindi ko nga alam kung para saan."


"Para mamaya iyan."


******

Naglalakad na kami papunta sa lake, kung saan kami nagkakilala ni Marc. Meron kasi akong inihandang candle-lit dinner para sa kanya. Excited ako na kinakabahan sa mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya, eh. Kumain agad kami pagka-upo namin. Ang romantic nga, eh. Isabay mo pa iyong liwanag ng buwan sa lawa. Sobrang gaan lang ng feeling. Perfect para sa sitwasyong 'to.


Nang matapos kaming kumain ay umupo kami sa bench kung saan niya ako kinomfort noon. Inalala namin ang araw nang magkakilala kami sa lugar na 'to. Kung saan ko siya nakitang tahimik na natutulog.


"Naalala ko nung nakita kitang nagsi-senti dito. Hindi na nga lang kita pinansin, baka makilala mo ko. Yun pala, hindi mo 'ko kilala."


"Sa totoo kasi niyan, si Ronnie lang talaga ang kilala ko sa Hashtags. Siya lang kasi iyong ikene-kwento sakin ni Gab. Well, iyong pangalan lang na Mccoy ang kilala ko sayo. Kaya, hindi kita nakilala."


"Maka-ronnie pala iyang si Gab." nagutom naman ako dun. Hahaha!


"Oo. Kasali nga siya sa mga fans club ni Ronnie, eh. Hindi ko naman kasi trip ang umidolo ng totoong tao. Mas prefer ko kasing umidolo ng animes at cartoons kaysa sa tao. Ewan ko nga, eh. Hindi naman ako otaku."


"Virtual lover ka pala." tumango ako. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.


"Marc.." tawag ko sa kanya.


"Hmm?"


My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)Where stories live. Discover now