(Gabriel Ramirez with her cousin, Kielshy.)
Gab's POV
Napabalikwas ako ng bangon nang biglang nagring ang phone ko. I checked it and my cousin Kielshy is calling. Sinagot ko iyon.
"Hello, cous?" bungad ko dito.
(Heya, cous. Pwede mo ba akong sunduin around 9am sa airport?)
"Nandito ka ngayon?"
(Wala pa naman. Pero, malapit na rin.)
"Ahh okay. Sige, susunduin kita."
(Yay! Thanks, cous! Sige na, magligo at magbihis kana diyan. Bye bye. Muah muah.)
"Bye." she ended the call.
Bumaba na ako ng kama dahil malapit na ring mag-nine. Naligo na ako at nagbihis dahil alam kong traffic ang aabutin ko nito. Bigla namang nag-ring ang phone ko. Dahil nagda-drive ako, hindi ko iyon pinansin. Dahil, alam kong si Kielshy rin iyon. Kapag kasi nasa kotse ako at ako yung nagdadrive, ibang tao yung pinapasagot ko o kaya'y hahayaan ko nalang iyon. Pero, kung nasa taxi ako, pwede naman. Hindi naman ako yung nagda-drive, eh. Pwera nalang kung tinatamad ako.
Nang marating ko ang airport ay naghintay na ako sa loob. Isang oras na akong naghihintay ay dumating na rin siya dala ang dalawang travelling bag niya. Agad akong lumapit para tulungan siya.
"Oh, sucks! You know what, cous? Yung stewardess na na-assign kanina, napaka-ignorante. Sarap sabunutan." naggagalaiting kwento niya habang nilalagay namin ang mga bag niya sa kotse. Ba't kaya ang bigat ng mga to?
Puro parin siya kwento tungkol sa stewardess at sa pamamalagi niya sa states habang binabaybay namin ang daan pauwi.
"I heard Pat is still here? I thought, he just here for a month?" she asked habang kaharap namin ang trapik.
"Pinakiusapan ko si tita Pattie na dito muna si Pat for one more month. Ang luckily, pumayag siya."
"Jeez, cous! Sana ako yung pinapunta mo dito."
"At bakit, aber? Nag-aaral ka dun. Oh wait, hinahabol kapa rin?" ani ko.
"Tumigil na siya sa kakahabol. And unfortunately, ako na ngayon ang naghahabol. Sikat na siya now at artista na siya. Gumwapo pa nga siya lalo, eh."
YOU ARE READING
My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)
FanfictionKumpleto rekados po 'to! Every Series, Every Story ng Hashtags :) Kung sino iyong bias niyo sa Hashtags. Pwede niyo pong mabasa ang story nila directly :)